RAIN CLOUD: 05

1.8K 95 2
                                    

RUSSEL'S POINT OF VIEW:


Noong mga sandaling tila binabangungot si Luke ay tila may kung ano sa kalooban ko ang natakot, gusto ko siyang gisingin at yakapin noong mga sandaling iyon pero alam ko na hindi ko maaaring gawin iyon, alam ko na wala akong karapatang gawin iyon dahil si Arwin ang mahal ni Luke. Sinubukan ko na kalimutan si Luke, sinubakan ko na kalimutan ang nararamdaman ko sa kanya, sinubukan ko na i-divert ang nararamdaman kong ito sa ibang bagay na maaaring makatulong sa akin, pero hindi, hindi pa din nagbago ang nararamdaman ko sa kanya, oo nakipagkasundo ako na magiging tagapagbanatay na lamang at tagapagprotekta ni Luke pero wala akong sinabi na hindi ko na siya mahal, mahal ko pa din siya hanggang ngayon.


Magkatabi kami ni Clarence na natulog muli noong maging okay na ang lahat, ano nga ba ang namamagitan sa amin ni Clarence? Tinanong ko ang sarili ko pero ang tanging sagot na lumalabas sa utak ko ay magkaibigan lang kami, naging malapit lang kami sa isa't isa dahil sa naging magkasama kami sa London noong nakaraan pero bukod doon ay wala na, hindi ko maramdaman na mahal ko siya, wala akong maramdaman na ibang pagmamahal kung hindi pagmamahal lamang ng isang kaibigan.


Nasa jeep kami noon, katabi ko si Clarence, ang totoo ay minsan ay nakakaramdam na ako ng pagkailang kay Clarence, ngunit hindi ko masabi ito, hindi ko masabi na hindi niya kailangan na umarte sa harap ng iba na parang kami, simula ng makita ko si Luke muli noong bumalik kami ay para na naman akong baliw, nagsisisi ba ako na pinakawalan ko siya noong akin siya? Ano ba tong nararamdaman at iniisip ko, nagsisisi ba ako na pinalaya ko siya para maging masaya sila ni Arwin? Sa kakaisip ko ay di ko na naiwasang mapabuntong hininga.


"Uy Russel okay ka lang? Bakit napapabuntong hininga ka diyan?" ang agad na tanong sa akin ni Clarence nang madinig niya ang pagbuntong hininga ko.


"Ah oo, okay lang ako may iniisip lang ako." ang sabi ko bilang sagot sa kanya.


"Naku ano naman ang iniisip mo at mukhang napakalalim naman yata at napapabuntong hininga ka?" ang usisa ni Clarence.


"Naku, baka iniisip ni Papa Russel yung misteryosong lalaki na kinuwento ni Arwin na nakatingin sa bahay ni Luke." ang sabad ni Francis.


"Ah oo iyon nga ang iniisip ko, iniisip ko kung sino iyon at ano ang pwede niyang dahilan bakit niya tinitignan ang bahay ni Luke." ang sabi ko.


"Totoo ba yan? O baka naman si Luke ang iniisip mo?" ang biglang sabi ni Kris at noong madinig ko iyon ay tila natigilan ako at naramadaman ko na napatingin sa akin si Clarence.


"Ha? Siyempre naman Kris kasama na doon si Luke, kaibigan natin siya di ba kaya natural na mag-alala tayo sa kanya, bakit kayo ba hindi kayo nag-aalala sa kanya? Paano kung masamang tao pala iyon? Di ba parang nakakakonsensiya naman na wala tayong magawa para sa kanya." ang sabi ko bilang pagdadahilan.


"Tama ka diyan Russel, nakakaintriga nga talaga yung pa-mysterious effect na lalaking iyon, alam mo yung sa mga movies na nakakatakot, parang ganon ang dating." ang sabi ni Chini.


"Gaga ka talagang biik ka, maglubay ka nga diyan, ako ang kinikilabutan sa sinasabi mo eh, pero ako feel ko kilala ni Luke yung lalaking iyon, kung sino man siya, at malamang kilala din ng lalaki si Arwin kasi kung hindi niya kilala si Arwin bakit siya tatakbo at the first place di ba?" ang sabi ni Francis.

Rain.Boys IVWhere stories live. Discover now