RAIN CLOUD: 08

1.7K 89 0
                                    

LUKE'S POINT OF VIEW:


Bahagyang lumakas ang ulan noong malapit na kami sa bahay kaya naman mas binilisan pa namin ni Arwin ang paglalakad para makarating na agad at nang makabalik na siya sa kanila para makagayak na din siya, malapit na kami noon sa bahay nang mapahinto kami dahil sa pareho naming nakita ang isang lalaking nakatayo sa labas ng bahay ko at natatakpan ng dala nitong payong na itim ang mukha nito.


"Arwin, siya ba yung...?' ang putol kong tanong kay Arwin dahil sa sumenyas siya sa akin na wag akong maingay, ipinahawak sa akin ni Arwin yung bag ko at pati yung payong at dahan-dahan siyang lumakad para lapitan ito pero bago pa man din makalapit si Arwin ay tumakbo ito palayo hahabulin na sana ito ni Arwin pero pinigilan ko si Arwin, madilim pa noong mga oras na iyon kaya naman naisip ko na pigilan siya dahil ayoko na mapahamak si Arwin dahil kung masamang tao yon ay tiyak na magagamit niya ang dilim noong oras na iyon laban kay Arwin.


Agad kaming pumasok sa loob ng bahay, pagkapasok ay inilagay ko sa sofa ang bag at paper bag na dala namin at yung payong naman ay sa basket ng mga payong, agad akong pumunta sa kwarto ko para kumuha ng tuwalya at bumalik ako agad sa sala upang iabot kay Arwin ang tuwalya para mapunasan niya ang sarili niya na nabasa sa ulan.


"Nakilala mo ba?" ang tanong sa akin ni Arwin habang nagpupunas siya ng katawan gamit ang tuwalya na binigay ko sa kanya.


"Hindi eh, hindi ko kasi nakita yung mukha niya." ang sabi ko naman bilang sagot, hindi ko tuloy naiwasang mapaisip kung sino nga ba talaga ang misteryosong lalaking iyon.


"Natatakot ka ba Drip?" ang biglang tanong sa akin ni Arwin at tumingin siya sa mga mata ko at ngumiti ako sa kanya.


"Hindi Drop, hindi ako natatakot dahil alam ko na ligtas ako dahil nandiyan ka." ang sabi ko bilang sagot at ngumiti siya sa akin noong nadinig niya ang sinabi kong iyon.


"Sigurado ka ah?" ang tanong niya muli sa akin bilang paninigurado.


"Oo naman Drop, wag kang mag-alala, tiyaka mag-iingat naman ako." ang sabi ko sa kanya at hinalikan ko siya para naman maalis ang pagwo-worry ng mokong kasi naman nahahalat ko na nag-aalala na naman siya sa akin, pasaway din talaga tong mokong na ito panay ang sabi na hindi ako dapat matakot eh siya tong halatang takot na takot.


"ikaw talaga, basta siguraduhin mo na safe ka ah. Mukhang tulog pa sila Justine kaya wala ako pagbibilinan para tignan ka. Paglabas ko i-lock mo agad ang pinto at wag ka munang lalabas hanggang di ako tumatawag sayo para sunduin ka." ang sabi niya bilang bilin sa akin, sa halip na sumagot sa kanya ay niyakap ko na lamang siya upang magpasalamat sa pag-aalala niya sa akin.


Makalipas pa ang ilang sandali ay nagpaalam na si Arwin sa akin para umuwi at nang makapaggayak na din siya, hindi ko na siya naihatid hanggang sa gate dahil ayaw na niya akong palabasin pa ng bahay dahil nga sa madilim pa at para masiguro na safe ako, nang makalabas na siya sa gate ay isinara at ni-lock ko na agad ang pinto, hindi ko na inalala pa kung sino yung lalaking nakita namin kanina dahil ayoko na takutin na pa ang sarili ko.


Maliwanag na noong bumalik si Arwin para sunduin ako, tulad noong Lunes ay kasabay na din namin sila Justine, Kaloy at Orly sa pagpasok, naikwento na din namin sa kanila ang nangyari kaninang madaling araw, at hindi na naiwasan nila Justine ang mag-alala para sa akin.

Rain.Boys IVWhere stories live. Discover now