RAIN CLOUD: 03

2.2K 107 2
                                    

ARWIN'S POINT OF VIEW:


Nang makabalik na kami ni manong sa terminal ng jeep ay agad akong nagpasalamat sa kanya sa pagsasama sa akin upang maihatid ko kahit hanggang sa labas lang ng gate ng university na pinapasukan namin si Luke, nang makapagpasalamat na ako ay bumaba na din ako sa jeep niya at nagpaalam. Nagismula na din akong maglakad noon, medyo lumalakas pa ang ulan noong araw na iyon kaya hindi ko tuloy maiwasan na isipin kung okay lang kaya yung duwendeng iyon ngayon, nagpatuloy ako sa paglalakad ko habang iniisip ang kalagayan ni Luke noong mga oras na iyon.


Lumipas pa ang ilang minuto ng paglalakad ay mararating ko na din ang bahay ni Luke, naisipan ko din kasing i-check muna ito bago ako tuluyang dumiretso ng uwi sa bahay namin, baka mamaya ay may naiwanan kaming bukas at mapasok pa siya ng magnanakaw. Nang malapit na ako sa bahay ni Luke ay agad kong natanaw ang isang lalaki na nakapayong ng itim na nakatayo sa harap ng gate ng bahay ni Luke, nakatayo lamang siya doon at tila pinagmamasdan ang bahay nito, may katangkaran yung lalaki at di ko makita ang mukha niya dahil sa natatabingan ito ng payong na hawak niya, kaya naman minabuti ko na lumapit para alamin kung sino ang lalaking ito pero bigla itong tumakbo, marahil ay naramdaman na may papalapit sa kanya, kaya naman sinubukan ko siyang habulin upang alamin kung sino ito at ano ang dahilan bakit niya tinitignan ang bahay ni Luke ng ganoon, patuloy lang ako sa paghabol sa kanya habang ang lalaki ay patuloy pa din sa pagtakbo, lumiko ito sa isang kanto at nang lumiko ako dito ay bigla na lamang ito nawala na parang isang bula.


"Sino kaya yon?" ang pabulong kong tanong sa sarili ko habang medyo hingal dahil sa pagtakbo ko upang habulin ang misteryosong lalaki. Lumingon lingon pa ako sa paligid pero bukod sa akin ay wala nang iba pang tao sa lugar na iyon, kaya naman nagpasiya na akong bumalik na lamang sa bahay ni Luke.


Habang naglalakad ako ay kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ko upang i-text sana si Luke tungkol sa nangyari pero naisip ko na baka mag-alala siya kaya naman naisipan ko na pagkauwi na lamang niya tiyaka ko sasabihin ang nangyari, kaya sa halip na si Luke ang i-text ko ay si mommy na lamang ang tinext ko upang ipaalam na kila Luke na muna ako sa buong araw na alam ko namang papayag kahit di ako magpaalam pero minabuti ko pa din na magpaalam para hindi na din mag-alala si mommy.


Agad akong pumasok sa bahay ni Luke nang makarating ako, may duplicate na kasi kami ng susi ng bahay ng bawat isa kaya naman parang bahay niya ay bahay ko na din at bahay namin ay bahay na din niya, tiyaka naisip na din namin na mag-duplicate para in case of any emergency needs. Nang makapasok ay pinakiramdaman ko muna ang buong bahay kung may nakapasok ba ditong ibang tao, hawak ang nakasarang payong na tumutulo pa ang tubig ulan mula dito ay nilibot ko ang buong bahay upang i-check ang bawat bintana at backdoor pinto na pwede maging daan para mapasukan ng masasamang loob, nang matapos i-check ang mga bintana at ang backdoor ay chineck ko naman ang mga pwedeng pagtaguan kung sakaling may manloob man dito, lahat ng kwarto, sulok, closet at iba pang parte ng bahay ay masusi kong siniyasat, ayoko kasi na mapahamak ang mahal ko na si Luke nang dahil sa kapabayaan ko, at nakahinga naman ako ng maluwag nang matapos ako mag-check dahil safe naman at walang nakapasok dito.


Inilagay ko sa lalagyan ng mga payong malapit sa entrance door ang hawak kong payong at agad akong kumuha ng basahan upang punasan ang mga patak na nagawa nito sa buong bahay na ako na din talaga naman ang may gawa, matapos magpunas ay naupo ako sa sofa sa may sala at iniisip pa din kung sino yung lalaki kanina at kung bakit siya tumakbo, nakakahinala talaga, at ang pinagtataka ko pa ay nawala ito bigla.

Rain.Boys IVWhere stories live. Discover now