RAIN CLOUD: 15

1.6K 95 11
                                    

LUKE'S POINT OF VIEW:


Hindi ko alam ang sasabihin ko noong mga sandaling nadinig ko at nakita ko si Arwin na tila hinaharana ako sa labas ng bahay, hindi ko mapigilan ang maluha dahil pakiramdam ko ay masiyado ko na siyang pinag-aalala at dahil doon ay ginagawa niya ang lahat para sa akin, noong mga sandaling iyon ay nakaramdam ako muli ng saya sa kabila ng aking mga iniisip, salamat sa Diyos at ibinigay niya sa akin si Arwin, salamat sa Diyos dahil may isang tao na alam kong maniniwala sa akin at mananatili sa tabi ko kahit na anong mangyari, nang matapos siya kumanta ay agad ko siyang binaba at nilabas, yakap at halik na lamang ang halos tangi kong naiganti sa kanya bilang pasasalamat sa ginawa niya, sa pagbuhos ng ulan ay nagsayaw kami, ibinalik namin ang mga alaala ng mga masasayang nagdaan.


Nang tumila ang ulan ay naupo kaming pareho sa basang garden chair at doon namin pinagsaluhan ang dala niyang dinner, wet dinner nga naming tinawag yon eh, sinusubuan niya ako at sinusubuan ko siya, sa mga sandaling iyon ay nakalimutan ko ang mga negative things na nagpapagulo sa aking isip, si Arwin, tanging siya lang ang nakakagawa nito sa akin, siya lang at ang pagmamahalan namin.


"Ano malungkot ka pa ba?" ang tanong sa akin ni Arwin habang nginunguya ko ang pagkain na isinubo niya sa akin.


Umiling ako sa kanya at pagkatapos ay nilunok ko ang nginunguya kong pagkain, "hindi na, at dahil sayo yon Drop, salamat kasi pinipilit mo na gawin ang lahat para sa akin, sana lang ay di dumating yung puntong mapagod ka na sa akin." ang sabi ko.


"Sus mapagod ako sayo? Hindi mangyayari yon, paano ako mapapagod kung ikaw ang energy ko, kaya umasa ka Drip na I'll do everything for you." ang sabi ni Arwin at hinawakan niya ang kamay ko, "handa akong gawin ang lahat Drip, mahigit one year na tayo, at marami na tayong ups and downs na pinagdaanan at sa mga yon ay nakilala na natin ang isa't isa, sa isang taon at mahigit na yon ay ikaw lang ang minahal ko at patuloy kitang mamahalin." ang sabi ni Arwin.


"Drop, thank you for the love and patience, maybe nasabi ko na to sayo before pero gusto ko lang sabihin ulit na sobra akong nagpapasalamat sa Diyos dahil isang katulad mo ang inilaan niya para sa akin, isang tulad mo na hindi napapagod na mahalin ako." ang sabi ko sa kanya.


"Naku nagdadrama na naman ang duwende oh." ang sabi niyang bigla at mabilis akong hinalikan at hahampasin ko na siya sana nang halikan niya muli ako sa labi at napapikit na lamang ako noong mga sandaling iyon at muli naming ninamnam ang mga sandaling iyon.


Noong gabing iyon ay sa bahay ko na lamang siya pinatulog, pinahiram ko na lamang siya ng masusuot na damit pero dahil wala na akong mapahiram sa kanyang shirt na kakasiya sa kanya ay topless na lang siya na natulog, tulad ng nakasananyan ay pinaunan niya ako sa kanyang braso at pagkatapos ay niyakap niya ako, dahil sa wala siyang suot na pang-itaas ay ramdam ko ang init ng katawan ni Arwin, mas dinig ko ang tibok ng puso, mas ramdam ko ang paghinga niya, noong mga sandaling iyon ay nakaramdam ako ng nakakakalmang pakiramdam, tila ba ang init na nagmumula sa katawan ni Arwin ay niyayakap ako at angsasabing wala na akong dapat pang alalahanin, yumakap at dumantay ako kay Arwin at bago matulog ay humalik ako sa mga labi niya, at tinitigan namin ang isa't isa na may ngiti sa aming mga labi.


Kinabukasan ay maaga kaming pumasok sa university, sa pagpasok pa lang namin sa university ay napansin ko na ang mag estudyanteng tumitingin sa amin, hindi ko alam kung bakit pero dati naman kasi ay di kami nito pinagtitinginan, sa aming pagpapatuloy na paglakad ay mas napansin ko pa ang ibang estudyante, lalo na yung mga bakla at babae na nagbubulungan pa.

Rain.Boys IVTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang