RAIN CLOUD: 04

2K 93 0
                                    

LUKE'S POINT OF VIEW:


Noong gabing iyon sa bahay ay magkakasama kaming lahat na buong barkada para i-celebrate ang pagbabalik nila Russel at Clarence pero sa sobrang sama ng panahon ay nawalan ng kuryente ng biglaan, kaya naman di ko na naiwasan na mapayakap kay Arwin noon, ang totoo ay nakaramdam ako ng kaunting pagkatakot dahil na din sa sinabi ni Arwin na may nakita siyang lalaki na nakatayo kanina sa labas ng bahay at nakatingin ito sa bahay at noong maramdaman nito na may papalapit sa kanya ay mabilis itong tumakbo at nawala, sa pagtakbo pa ng oras ay nanatiling walang kuryente kaya naman mas binalot pa ako ng takot noong lumakas at ulan na dinagdagan pa ng kulog at kidlat, kung iisipin mo ay ganito yung sa mga movies, mawawalan ng kuryente, tapos bigla na lang may psychotic na papasok para oh em ji ayoko na, tapos nakakainis naman tong sila Francis nagpasimuno pa na magkuwentuhan ng nakakatakot kaya naman mas lalo ako nakaramdam ng takot hanggang sa naramdaman ko na niyakap ako ni Arwin, sa ginawa pa lang niyang iyon ay nakaramdam na ako na safe ako basta nasa tabi niya ako.


Alam ko at ramdam ko na din na nararamdaman na ni Arwin na natatakot ako, pareho lang naming hindi maawat ang barkada kasi nga ayaw naming maging kill joy kaya naman ginawa talaga ni Arwin ang lahat mabawasan lang ang takot na nararamdaman ko hanggang sa mangalay ang mga bunganga nitong sila Francis sa kwentuhan at mga antukin, by that time naging kalmado na din ako, napalagay na din ang loob ko, naramdaman ko ang pagyakap sa akin ni Arwin at dahil doon ay mahimbing ako agad na nakatulog.


"Wala pa din bang kuryente?" ang tanong ko noong imulat ko kasi ang aking mga mata ay madilim pa din, "Drop?" ang tawag ko kay Arwin ng mapansin ko na wala siya sa tabi ko, pinilit ko ang sarili ko na makaaninag man lang sa kadiliman iyon, hanggang sa magliwanag ang buong bahay dahil sa kidlat na sinundan ng malakas na kulog, muling kumidlat dahilan para magliwanag muli ang buong bahay, wala, wala kahit isa sa mga kaibigan, wala din si Arwin, mabilis akong tumayo upang subukang hanapin sila pero bago pa man din ako makaalis sa puwesto ko ay biglang bumukas ang pinto at lumikha ito ng malakas na pagkalabog at kasunod nito ay ang kidlat at kulog.


"Si-si-sino ka?" ang tanong ko noong makita ko ang isang pigura ng lalaki na nakatayo sa may pintuan, hindi na ako makagalaw sa takot hanggang sa mayamaya pa ay may mga iba pang madilim na pigura ang lumabas, nagsimulang humakbang ang unang pigura na nakita ko, sa mga liwanang na binibigay ng kidlat ay hindi ko pa din makita ang kanilang mukha, palapit na sila ng palapit sa akin, ngunit hindi ako makagalaw, kahit na ang sumigaw o magsalita ay hindi ko magawa, hanggang sa mula sa likuran ko ay may yumakap sa akin.


"Huwag kang matakot Drip, nandito lang ako, pumikit ka Drip, pumikit ka." ang sabi ng pamilyar na boses, hindi ako pwedeng magkamali si Arwin ito, kaya naman pumikit ako.


"Alam ko na lagi ka sa tabi ko Drop." ang pabulong kong sabi habang nakapikit.


"Drip, Drip, buksan mo mga mata mo. Gumising ka Drip." ang dinig kong sabi ni Arwin at nang buksan ko ang aking mga mata ay maliwanag na ang buong bahay, mukhang bumalik na ang kuryente. "A-a-anong nangyari? Tiyaka bakit parang alalang-alala kayo?" ang usisa ko sa kanila nang makita ko ang mga ekspresyon ng mukha nila na may takot at bigla akong niyakap ni Arwin ng sobrang higpit.


"Mabuti naman at gumising ka na, ikaw talaga Drip ang hilig, hilig mong takutin ako." ang sabi ni Arwin na nadidinig ko na parang maiiyak pa dahil sa pag-aalala.


"Drop, para kang sira, okay naman na ako wag ka na mag-alala." ang sabi ko sa kanya upang alisin ang pag-aalala niya.

Rain.Boys IVWhere stories live. Discover now