RAIN CLOUD: 12

1.7K 92 1
                                    

LUKE'S POINT OF VIEW:


Nang makarating kami sa bahay ay nakita namin ni Arwin si Kaloy na nakatayo sa labas ng bahay nila na agad ding kumaway sa amin ng makita niya kami ni Arwin kaya naman kumaway na din ako bilang tugon sa kanya at lumapit siya sa amin.


"Oh anong ginagawa mo diyan sa labas, umaambon ha?" ang tanong ko sa kanya.


"Ah wala naman, binabantayan ko lang yng bahay mo baka kasi buiglang sumulpot muli yung misteryosong lalaki eh." ang sabi ni Kaloy.


"Hala di mo na kailangan pang gawin yun Kaloy." ang sabi ko sa kanya.


"Naisip ko lang kasi na mas mapapanatag tayong lahat kung mahuhuli at malalaman natin kung sino yung lalaking na iyon." ang paliwanag na sabi ni Kaloy.


"Sabagay may point ka pero di niyo na kailangan pang mag-abang sa labas ng bahay niyo, tiyaka mamaya magkasakit ka pa, okay na ko na alam ko na nag-aalala kayo sa akin at nandiyan kayo para tumulong sa akin." ang sabi ko naman at ngumiti ako sa kanila. "Naku mukhang lalakas na naman itong ulan ha, mabuti pa Kaloy ay pumasok ka na sa inyo, at ikaw naman Drop umuwi ka na din para makapahinga ka at di ka na abutan pa ng malakas na ulan." ang dagdag kong sabi ng maramdaman ko na medyo lumalaki na ang patak ng ambon.


"Naku, oo nga oh paano maiwan ko na kayong dalawa ha, baka hinihintay na din ako nila Justine sa loob ng bahay." ang sabi ni Kaloy at patakbo itong umalis para umuwi.


"At ikaw mister, kailan mo balak na umuwi ha?" ang tanong ko sa kanya habang nakatingin sa mga mata niya.


"Kiss muna tapos pumasok ka na sa bahay at tiyaka ako aalis." ang sabi ni Arwin sabay nguso.


"Ayoko nga, hinalikan mo na nga ako kanina eh." ang sabi ko sa kanya at nangiti ang mokong.


"Eh di hindi ako uuwi, magpapabasa na lang ako sa ulan. Ikaw din pag nabasa ako, pwede ako magkasakit, sige ka." ang sabi niya bilang pangongonsensiya.


"Wow ha nangonsensiya ka pa talaga ha." ang sabi ko sa kanya at ngumisi lang ang mokong.


"Ayieh, iki-kiss na niya ako. Bilis na Drip i-kiss mo na ko para makapasok ka na at makauwi na ko." ang sabi ni Arwin at ngumuso ulit siya at nangiti lang ako sa ginagawa niyang pagnguso.


"Haha, pasaway ka talaga, sige na nga pumikit ka na muna, bilis." ang sabi ko at agad naman siyang sumunod at agad na nga siyang pumikit, nang makapikit na siya ay dahan-dahan akong lumapit sa kanya para halikan siya pero bago ko pa siya mahalikan ay dumilat siya at agad niya akong hinalikan ng mabilis, at napapikit na lamang ako noong mga sandaling iyon, nararamdaman ko din ang malalaking patak ng nagbabadyang ulan na pumapatak sa aking balat at mukha noong mga sandaling iyon.


"Ang tagal mo kasi, kaya ako na ang gumawa." ang sabi ni Arwin nang bumitaw na kami sa halik namin.


"Pasaway ka talaga, nakakarami ka na." ang sabi kong pabiro at mahina ko siyang hinampas sa balikat niya.

Rain.Boys IVWhere stories live. Discover now