RAIN CLOUD: 01

3.6K 122 9
                                    

LUKE'S POINT OF VIEW:


Alas-tres palang ng umaga ng magising ako, well ang totoo ay ginising na ako agad ni Arwin, dito kasi siya natulog sa bahay, unang araw ng balik eskwela kaya talagang napakaaga niya ako ginising para gumayak, palibhasa siya bukas pa ang umpisa ng unang araw niya kasi vacant ang Monday niya oh di ba galing Lunes na Lunes wala siyang pasok habang ako normal na normal ang schedule ko. Nakaupo na ko noong mga oras na iyon sa kama ko at tulala at papikit pikit pa ang mata dahil sa antok na antok pa din ako talaga at tinatawag pa ng kama ang katawan ko, naririnig ko ang boses ng kama ko, haha sosyal talking bed haha.


"Oy Drip ano na mauupo ka na lang ba diyan? Maligo ka na kaya, sige ka baka mahuli ka sa klase mo, alas-siyete pa naman ang umpisa ng first class mo." ang sabi ni Arwin sa akin at napahikab naman ako.


"Grabe ka naman Drop pwede ba matulog muna ako ng ten minutes pa, inaantok pa ko eh." ang sabi ko at aktong hihiga na pero bago pa bumagsak ang katawan ko sa kama ko ay agad akong pinigilan ni Arwin, grabe ang KJ naman ng taong to, akala mo namang freshman pa ako at unang araw ko sa buhay kolehiyo, at napahikab na naman ako.


"Sige na Drip, maligo ka na o gusto mo ako na magpapaligo sayo, sasabunin ko ang buong katawan mo, papaliguan kita ng mabuti, sa tingin ko mabuti pa nga ako na magpaligo sayo." sabi ni Arwin sa tono na tila isang pervert at dahil doon ay nagising ang diwa ko at hinampas ko siya.


"Manyak ka talaga, asa ka naman na pumayag ako na paliguan mo ako." ang sabi ko sabay tayo at nangiti siya sa akin.


"Haha, sabi na at magigising ka pag iyon ang sinabi ko sayo, oh sige na ligo na magluluto muna ako sa kusina ng kakainin para sa almusal, yung uniform mo okay na naplantsa ko na din para di na mamalantsa pa ang mahal ko baka kasi sa antok mo ay masunog mo pa." ang sabi ni Arwin sabay yakap sa akin, parang ewan talaga tong lalaking to talagang kulang na lang ay paliguan ako, lahat halos ay ginagawa niya sa akin kaya naman hindi ko talaga maiwasan na masabi ko sa sarili ko how lucky I am dahil may isang Arwin na dumating sa buhay ko, yung kahit na mapang-asar eh nakaka-in love pa din lalo na pag naglambing na.


"Oh eh paano ako makakaligo kung yakap yakap mo ko?" ang sabi ko sa kanya.


"Ay oo nga pala, hehe sige maligo ka na at pupunta na ako sa kusina." ang sabi ni Arwin sabay bitaw sa yakap at hinalikan niya ako sa labi ko ng mabilis at agad na niya akong iniwan sa kwarto ko, pagkaalis niya ay nangiti na lang ako at napahawak sa labi ko, ikaw na talaga Arwin, ikaw na.


Tinungo ko ang pinto ng kwarto ko upang i-lock ito, mahirap na baka pasukin ako ng manyak na hilaw na kapreng iyon at mamaya ay gahasain ako at bumigay ako haha charot lang. Agad na akong nagtungo sa banyo upang maligo na nga tulad ng sinabi ng akin ni Arwin, anak ng goldfish napakalamig ng tubig para po akong nag-ice bucket challenge sa lamig, kaya naman halos nanginginig akong naligo pero mas nagising naman ako dahil doon.


Nang makatapos ako maligo ay agad kong tinuyo ang sarili ko gamit ang tuwalya at agad ko itong itinapis sa akin, bumalik ako sa kwarto ko at binuksan ko ang closet ko para kumuha ng isusuot, tulad ng sabi nga ni Arwin plantsado na ang uniform ko at grabe parang babae ang nagplantsa kasi super ayos niya, pag ako kasi nagpaplantsa ay basta maplantsa lang pero sa kanya ay maayos, halatang halata na sanay siya sa gawaing bahay talaga, at again ikaw na talaga Arwin, ikaw na.

Rain.Boys IVWhere stories live. Discover now