RAIN CLOUD: 06

2K 87 5
                                    

LUKE'S POINT OF VIEW:


7AM ng Miyerkules ay pinuntahan ako agad ni Arwin sa bahay, excited kasi ang mokong na pumasok na kasabay ako, pero siyempre bago kami pumasok ay ginawa na namin ang nakaugalian naming pag-aalmusal ng sabay, omelet rice ang almusal namin ni Arwin, at siyempre si Arwin ang nagluto, tinuro sa kanya iyon ni mommy Lucy, ang totoo ay lagi na siyang nagpapaturo kay mommy Lucy ng mga luto gusto din kasi ni Arwin na ma-improve pa ang cooking skills niya, tiyaka ginagamit din niya iyon bilang bonding namin may time na kasi na tinuturuan niya ako magluto hindi para ipagluto ko siya kundi para ipagluto ko ang sarili ko in case na magutom ako at wala siya, ayaw na ayaw niya talaga na maisyado ako nagpapagod para sa kanya pero dahil matigas din ang ulo ko ay ginagawa ko pa din na ipagluto siya paminsan minsan at magpapanggap lang ako na papatikim ko lang kung tama na ba yung luto ko.


"Kamusta naging tulog mo di ka ba binangungot?" ang taong sa akin ni Arwin at sinubuan ako ng pagkain.


Nginuya ko muna ang pagkain na isinubo ni Arwin sa akin at tiyaka ko nilunok bago ako sumagot sa kanya, "wag ka mag-alala Drop maganda ang naging panaginip ko, napanaginipan ko na isa kang magandang paru-paro, haha." ang sabi ko ng pabiro at sinubuan ko din siya.


"Haha loko ka Drip ah ginawa mo naman akong diwata." ang sabi ni Arwin habang may laman pa ang bibig niya.


"Ay gusto pa lang maging diwata hindi sinabi, haha." ang sabi ko at bigla tumayo ang mokong sa kinauupuan niya at niyakap ako mula sa likuran.


"Ah nang-aasar ka ah, ito ang sumpa ng diwatang kapre." ang sabi ni Arwin at hinalikan niya ako sa labi, hindi ko na siya nagawang mahampas kasi yakap niya maging ang mga braso ko. "Oh ano mang-aasar ka pa?" ang tanong niya sa akin.


"Sumpa ba yon parang blessing naman yon." ang sabi ko at namula ang mokong akala niya siguro ay maaasar ako sa ginawa niya.


"Pasaway ka talaga." ang sabi niya at hinalikan niya akong muli pero agad din siyang bumitaw, "sige na nga at tapusin na natin ang pagkain natin para makapsok na tayo, excited na ulit ako na makasabay ka sa pagpasok." ang sabi pa niya at naupo na ulit ito sa tabi ko para kumain, ang totoo ang pagkain na nasa akin ay pagkain niya at ang pagkain niya ay pagkain ko kasi subuan ang ginagawa namin, oh di ba ang sweet.


Nang matapos kami kumain ay naghugas lang kami ng pinagkainan namin pagkatapos ay agad na din kaming lumabas ng bahay, makulimlim ang langit noong umagang iyon pero hindi naman umuulan o ambon, hindi na din namin nakasabay sila Justine noon dahil tanghali pa ang pasok nila kaya agad na din kaming nagtungo sa terminal ng jeep.


Pagdating sa terminal ng jeep ay naabutan pa namin si manong suki, saktong sakto ang dating namin dahil paalis na din ito, at tulad ng dati ay sa front seat kami sumakay ni Arwin at magkahawak ng kamay, habang nasa biyahe ay nagkukwentuhan sila Arwin at manong suki, di naman ako maka-relate sa kuwentuhan nila kasi naman sports talk, may bago din na kinahihiligan na sports itong si Arwin, bukod sa basketball ay nahihilig ngayon itong si Arwin sa soccer, well kahit paano gusto ko ang larong soccer kaya naman kapag iyon ang pinapanood namin sa sports channel ay di ako nababagot.


Makalipas ang ilang oras ay nakarating na kami sa university, wala na kaming inaksaya pang oras ni Arwin at agad na kaming pumasok, parehong alas-nuwebe ang klase namin ngayon at dahil maaga pa ay hinatid muli ako ni Arwin hganggang sa room namin, pero dahil nga sa maaga pa ay nakitambay na din ito sa amin, napansin ko din ang pagiging matamlay ni Clarence kaya naman umisip ako ng paraan para mapasaya itong kaibigan namin at di naman ako nabigo dahil bumalik na agad ang sigla niya matapos ang group hug na ginawa namin.

Rain.Boys IVحيث تعيش القصص. اكتشف الآن