TEASER

8.1K 138 10
                                    

[BoyXBoy|Yaoi]

~Rain.Boys IV~

"Palagi mong tatandaan na minahal kita ng tapat, alam ko na ganon ka din, pero dapat nating tanggapin na darating sa buhay natin ang pagkakataong kailangan nating pakawalan ang isa't isa, masakit, oo, pero alam nating ito ang tama, at nararapat."

~Luke (Rain.Boys IV)

Sa pagpasok ng ikalawang taon ng buhay kolehiyo nila Luke at Arwin, kasama ang mas lumaking bilang ng barkadahan nila ay sabay ding dumating ang pagpasok ng mga bagay, tao at pangyayaring babago sa kanilang lahat.

Sa mga bawat pagdating ay maaring may mawala, ngunit sa mga taong may pinapahalagahan na lubos tulad nila Luke at Arwin hanggang saan nila kakayanin ang magsakripisyo para lang hindi mawala ang mga ito sa kanila. Paano kung ang pagmamahalan na nila ang hinging kapalit, magagawa ba nilang isakripisyo ito?

Sa lungkot at saya nila Luke at Arwin ay kasama na nila ang kanilang mga kaibigan, paano kung ang mga kaibigan nila ay maglaho? Paano kung silang pinapahalagahan na nila ng lubos ang maging dahilan para humarap sila sa isang pagsubok na mas higit pa sa pinagdaanan nila, magagawa kaya nilang ipaglaban ang pag-ibig na iningatan nila?

AUTHOR'S NOTE:

Rain.Boys IV ay ang ikaapat na libro ng kuwento nila Luke at Arwin at maging ng mga kaibigan nila. Ito ang ikalimang libro ng Rain.Boys Series. Ito likha lamang ng aking malikot na imahinasyon at utak kaya kung may pagkakapareho man sa riyalidad ay hindi ito sinasadya.

Sana ay magustuhan niyong muli ang kuwentong ito nila Drip at Drop, kasama ng mga tauhan na nakilala niyo at makikilala niyo pa.

Sincerely Yours,

Adamant

Rain.Boys IVWhere stories live. Discover now