RAIN CLOUD: 25

1.6K 76 6
                                    

LUKE'S POINT OF VIEW:


Nang magkamalay ako ay tanging kadiliman ang bumungad sa akin, hindi dahil madilim ang lugar kung nasaan ako kung hindi dahil sa piring sa akin na sa sobrang higpit din ay halos di ko na din maigalaw pa ang mata ko, naramdaman ko ang mga kamay ko na nakagapos sa aking likuran, ang aking mga mapaa na nakatali din, ano bang nangyayari? Ano ba ang kailangan sa akin ng mga taong gumawa sa akin nito?, ginalaw galaw ko ang aking kamay at paa nagbabakasakaling makakawala ako, pero sino ba ang niloloko sa sobrang higpit ng pagkakatali sa akin ay imposible na makawala pa ako, kung aso ang itinali ng ganito sa leeg baka patay na yung aso sa sobrang higpit.


"May tao ba diyan? Pakiusap pakawalan niyo na ako, ano bang kailangan niyo sa akin?" ang pasigaw kong sabi, ngunit wala akong tugon na nadinig, ano to iniwan ako dito ng mag-isa pagkatapos kidnappin iiwan ako ng ganito?, "tulong! May nakakadinig ba sa akin, pakiusap tulungan niyo ako." ang pagsigaw kong sabi, at nakarinig ako ng mga yabag ng mga paa, hindi lang galing sa iisang tao ang mga yabag ng paang iyon, maraming tao ang papalapit sa direksiyon ko.


Pinakiramdaman ko ang mga taong papalapit sa akin, papalapit sila ng papalapit sa akin dahil sa mas lumalakas ang mga ingay na nagagawa ng kanilang paglalakad, ilang sandali pa ay huminto ito, malapit lang sila sa akin, naaamoy ko ang halo-halo nilang amoy, ang amoy ng pabango, pawis at di kaaya-ayang amoy ng katawan.


"Mukhang makinis talaga siya, di ko pa nasusubukan ang tumikim ng katulad niya, pero kung ganyan kakinis hindi na masama." ang sabi ng isang boses ng lalaki na sa tono pa lang ay halatang manyakis na, nang marinig ko iyon ay di ko naiwasang makaramdam ng takot at pangingilabot.


"Oo nga, bakit di muna natin tikman to, subukan natin ng malaman natin kung masarap nga ba talaga." ang sabi pa ng isang lalaki na mukhang manyakis din, at nakadinig pa ako ng ilang pagsang-ayon at mga tawa mula sa kanila, sa mga sandaling iyon ay wala ako magawa kung hindi ang makaramdam ng takot.


"Tumigil nga kayo, wala sa usapan na gagalawin natin siya, wala sa usapan na sasaktan natin siya." ang nadinig kong sabi ng isang pamilyar na boses bilang pagtutol.


"Pare di lang naman kami ang titikim, ikaw din naman kaya tiyak masasarapan ka din." ang sabi pa ng isang lalaki.


"Eh g*go ka pala eh." ang sabi ng lalaking tumututol na tila nainis, at nakarinig na lang ako ng ilang sigaw pagkatapos non dahil nga sa di ko naman sila nakikita at kung ano ang nangyayari.


"Loko ka ha, para binibiro ka lang, pasalamat ka kapatid mo ang leader namin." ang sabi ng lalaki.


"Mas loko ka pala eh, ano gusto mo mag sparring tayo ngayon dito, ano? Subukan niyo na galawin siya kahit makalaban ko pa ang buong fraternity niyo di ko kayo aatrasan, kahit si kuya pa ang leader niyo, at kung hindi lang din naman dahil sa pakiusap ni kuya hindi ko siya dadalhin dito." ang sabi ng lalaki, "sige na umalis na kayo, hintayin niyo na lang na dumating si kuya, kami ng bahala dito." ang sabi ng lalaki, at wala man lang akong nadinig na pagtutol mula sa mga kasama nito, narinig ko na lang ang paglakad ng mga ito na palayo sa akin.


Pinakiramdam ko muli ang paligid, pinakiramdam ko ang paglayo ng mga lalaki kanina, bahagya akong nakaramdam ng pagkapanatag dahil sa pagtatanggol na ginawa sa akin ng lalaking may pamilyar na boses, pilit kong inaalala pero di ko maalala kung sino ang nagmamay-ari ng boses na iyon.

Rain.Boys IVWhere stories live. Discover now