RAIN CLOUD: 21

1.5K 76 0
                                    

LUKE'S POINT OF VIEW:


Huminto kami sa habulan namin nang marating namin ang pinakalabas ng hotel na itinuro sa amin nung waiter sa kainan na kinainan namin, pero siyempre hinampas ko pa din si Arwin noong huminto kami, pakiramdam ko noong mga oras na iyon ay bumabaligtad ang sikmura ko, gusto kong ilabas yung kinain ko kanina at pakiramdam ko ay may kung anong tumatalon sa tiyan ko.


"Tara na." ang sabi ni Arwin bilang pagyaya sa akin sabay hawak sa kamay ko pero nagmatigas ako at hindi ako nagpahila sa kanya at tumingin siya sa akin, "uy Drip tara na sa loob para makapag-check-in na tayo at makakuha ng room." ang dagdag na sabi ni Arwin.


"Ayoko nga, umuwi na lang tayo satin." ang sabi ko naman na naka-pout pa dahil sa totoo lang ay naiinis ako sa ginawang kalokohan nitong si Arwin, pakiramdam ko talaga ay may lalabas na palaka anytime sa bibig ko.


"Nagagalit ka pa din ba sa palaka? Eh sarap na sarap ka kaya sa pagkain." ang sabi niya na halatang pinipigilan ang pagtawa.


"Che! Hindi ako sa palaka nagagalit, naiinis ako sayo, akala mo ba nakakatuwa yung ginawa mo? Pinakain mo ko ng di ko alam kung ano yun." ang sabi ko sa kanya na nagsusungit.


"Hala siya oh, ikaw kaya ang sumabak agad sa pagkain nakita mo lang na adobo eh kain ka na agad." ang sabi niya na dalawang kamay ko na ang hawak niya, sini-sway niiya ito sign na nilalambing niya ako.


"Eh di sana di ba pinigilan mo ko at sinabi mo agad na palaka yon?" ang sabi ko na patuloy pa din sa pagsusungit ko.


"Eh sarap na sarap ka kasi eh, tiyaka bukod dun wala ka naman na iba pang pwede kainin, kesa naman mamatay ka sa allergy." ang pagdadahilan ng mokong, "sorry na Drip, wag ka na mainis, di mo na ba mapapatawad itong pogi mong asawa na nasa harapan mo?" ang dagdag pa niyang sabi na nagpapa-cute pa.


"Ang gara pala dito sa Zambales may nagsasalita na hindi ko nakikita." ang sabi ko para asarin ang mokong.


"Si Drip naman oh, sorry na kasi, tara na sa loob." ang sabi niya sa akin habang nakataas ang isang kilay ko, "sige na Drip, patawadin mo na ang gwapong nasa harap mo at pumasok na tayo." ang dagdag na sabi ni Arwin.


"Nek-nek mo, pumasok ka mag-isa mo basta ako uuwi na ko, at FYI di ka kaya gwapo mukha kang palaka!" ang sabi ko at bumitaw ako sa pagkakahawak niya at nag-umpisa na lumakad pabalik sa pinanggalingan namin at iniwan ko siya.


"Drip!" ang sigaw niya at huminto ako sa paglalakad ko at lumingon ako sa kanya.


"Che!" ang sigaw ko at mayamaya ay nakita ko na siyang tumatakbo papunta sa direksiyon ko.


"Drip tara na kasi sa loob." ang sabi niya sa akin pero sinusungitan ko pa din siya.


"Ayoko nga." ang pagmamatigas ko.


"Ayaw mo talaga?" ang tanong niya sa akin.


"Oo ayoko at wala ka nang magagawa don." ang sabi ko sa kanya sa masungit na tono.


Rain.Boys IVWhere stories live. Discover now