RAIN CLOUD: 11

1.6K 95 2
                                    

JUSTINE'S POINT OF VIEW:


Gabi na at kakauwi lang namin halos nila Kaloy at Orly galing sa eskwela kaya naman halos humiga kaming tatlo sa sofa noong makarating kami sa bahay dahil sa sobrang pagod namin, so far naging maganda naman ang mga nagdaang araw namin sa university na pinapasukan namin na pinapasukan din ng pinsan kong si Luke at ng iba pa naming kaibigan. Naging mas malapit din kaming tatlo sa isa't isa, pero mas napalapit ako kay Kaloy ewan ko ba simula noong lumipat na kami dito sa bahay na ito ay mas nakilala ko sila Kaloy at Orly, pero si Kaloy ang pinaka nakakamangha at nakakaagaw atensiyon para sa akin, super alaga at maasikaso kasi si Kaloy, di katulad ni Orly na medyo may pagkamaharot, itong si Kaloy ay magaling magpataw pero mas gusto ko siya sa tuwing nagiging seryoso na siya.


Sa paglipas ng araw na magkakasama kaming tatlo dito sa bahay na ito ay hindi ko na namalayan na nahuhulog na ako dito kay Kaloy, oo nahuhulog na ako sa kanya, sigurado ako, pero hanggang sa pagtingin lang at tahimik na pagmamahal lang siguro ako dito kay Kaloy sa ngayon, wala pa kasi akong lakas ng loob para sabihin sa kanya ang nararamdaman ko, at ayoko na biglain siya dahil ayoko din na maging dahilan pa ng pagkakailangan namin sa loob ng bahay na ito, tiyaka masaya na din naman ako na nakikita ko siya dito at nakakasama, ang sabi ko sa aking isipan habang nakatingin sa nakapikit pa na si Kaloy na halatang napagod talaga sa araw na ito hanggang sa mapangiti na lamang ako.


"Uy Justine okay ka lang?" ang biglang tanong sa akin ni Orly at napatingin ako sa kanya.


"Ha? Oo naman okay lang ako, bakit mo naman natanong?" ang tugon ko kay Orly na medyo kinakabahan pa.


"Eh nangingiti ka kasi habang nakatingin kay Kaloy eh." ang sabi ni Orly at napatingin naman ako bigla kay Kaloy na nagtataka na ding nakatingin sa akin at halos ma-tense na ako pero di ako nagpahalata sa kanila.


"Ah may naisip lang kasi ako na nakakatawa, nagkataon lang na napatingin ako kay Kaloy." ang sagot bilang depensa, "ikaw Orly ah kung ano-ano na naman yang naiisip mo." ang dagdag ko pa.


"Haha napaka-defensive mo talaga, binibiro ka lang eh, hindi nga mapagkakaila na magpinsan kayo ni Luke." ang sabi ni Orly na natatawa pa.


"Sira ka talaga puro ka kalokohan, sige akyat muna ako sa kwarto ko at magbibihis na ko." ang paalam ko sa kanila para naman makatakas na ako at makaligtas na din sa maaari pang itanong nitong si Orly sa akin nakakaramdam kasi ako na hindi pa siya tapos sa gusto niya itanong o sabihin. Agad ko silang iniwan dala ang aking bag at umakyat na papunta sa king kwarto.


Nang makarating ako sa aking kwarto ay agad kong isinara ang pinto at napasandal na lang ako dito dahil sa bilis ng tibok ng puso ko sa sobrang tense na naramdaman ko kanina, huminga ako ng malalim hanggang sa makabawi ako ng lakas, inilagay ko sa aking kama ang aking bag at pagkatapos ay lumapit ako sa bintana ng aking kwarto at hinawi ko ang kurtina na nakatabing dito at tiyaka ko pinagmasdan ang madilim na langit, wala akong makitang bituin noong gabing iyon dahil sa makakapal na ulam na tumatakip sa mga ito, maging ang buwan ay hindi ko matanaw, nakaramdam ako ng lungkot nang maisip ko ang nararamdaman ko kay Kaloy na mukhang wala namang walang pag-asa, pero at the same time ay meron ding parte sa akin na nagsasabing wag ako mawalan ng pag-asa kaya naman kahit paano ay nagawa ko pang makangiti, hanggang sa noong tumingin ako sa labas ng bahay ay nakita ko si Kaloy na nakatayo na sa labas ng gate, dahil sa nagtataka ako kung ano ang ginagawa niya doon ay agad akong nagbihis ng damit pambahay at pagkabihis ay agad din akong bumaba.

Rain.Boys IVWhere stories live. Discover now