Sabi ko, never siyang maiinlove sakin.

Hindi ako nagmamayabang pero, lahat talaga ng nakikilala kong babae, nai-inlove sakin.

Kaya nga inunahan ko na siya, kasi ayoko namang paasahin siya sa wala. Lalo na at, hindi na ako marunong magmahal.

Pero alam ko, iba tong nararamdaman ko, parang naramdaman ko na to dati, pero hindi nga lang ako sigurado, at lalong hindi ako confident na ito nga yun.

In case ba na, mangyari yun, na mainlove siya sakin, handa ko bang tanggapin ? At handa na ba akong magtiwala ulit sa ibang babae bukod sa mommy ko ?

I know Celine was an exemption, pero hindi ko pa rin maibigay yung tiwalang sirang-sira na ng dahil sa isang walang kwentang tao.

Hanggang ngayon, hindi ko pa rin kasi makalimutan lahat ng ginawa ni Claire, hindi pa rin matanggal sa isip ko ang lahat ng pagpapaasang ginawa niya sakin, at ayokong pati si Celine, maguluhan ng dahil sakin.

Natatakot ako na baka masaktan ko na naman siya, na baka umiyak na naman siya, at ako ang dahilan nun.

Gulong-gulo pa rin kasi ako hanggang ngayon.

Gusto ko siyang maging masaya sa bawat araw na magkasama kami, gusto ko siyang protektahan, ayokong napapaiyak ko siya, ayokong may umaaway sa kanya, may umaaligid sa kanya, pero sinasabi ng isip ko na, wag na wag siyang maiinlove sakin.

Ano ba talaga ?

Pero isa lang ang sigurado ko sa ngayon, na masaya ang puso ko kapag nakikita ko siyang nakangiti. And no way that she and James will be back together.

As in, NO WAY.

Nakarating na kami sa destination namin.

"Thanks!" sabi ko sa driver.

"Thankyou, sir." nakangiting dagdag ni Celine.

Napangiti ang driver sa amin.

"You're most welcome, sir, ma'am.." tugon niya.

I offered my hand to her, and I smiled when she accepted it.

Naglakad kami ng magkahawak kamay.

She's wearing a black dress, with her red lipstick on.

Goodness, she's so alluring at this moment. Ang kaso, mamaya pa yun, eh. Hahaha.

Magpaka-romantic muna tayo ngayon. Mamaya na tayo umiskor.

"S-Shaun ... Seriously ? Here ?" I know she will be surprised.

I smiled to her. "Yes, baby."

Nabitawan niya ang kamay ko at naunang maglakad para suriin ang paligid, at hindi ko maiwasang mapangiti ng makita ko kung gaano siya nasorpresa, pero masayang-masaya sa kung saan kami ngayon.

"Oh my god !" halos napapatili na ang asawa ko sa saya.

"I so love this place !" sabi pa niya at kasunod na nun ang mga halakhak na ikinatawa ko na rin. Ang cute lang tumawa nitong lampa na to, eh.

Mamaya, matapilok pa siya sa paglalakad niya ng mabilis eh ang taas-taas pa naman ng heels niya.

"Be careful, baby. You're wearing high heels." pagpapa-alala ko sa kanya.

Humarap siya sakin.

"No, I'm fine !" at nagulat ako ng makita ko siyang tumatakbo, palapit sakin.

Oh my goodness. Kapag madapa ka talaga ngayon, baka umiyak ka na naman dahil dyan.

Sinalubong ko na agad siya para naman maaalalayan ko agad siya.

At hindi ko inaasahan na yayakapin niya ako. Ng mahigpit, sobrang higpit.

You Are Mine (Published Under LIB)Where stories live. Discover now