Chapter Thirty

11.8K 244 3
                                    

Muli niyang tinungga ang alak sa baso niya.

He have proven to his father that he deserve another chance to Marie. But he knows that he still have to prove to Marie that he really deserve that chance.

Kahit naging abala na siya noon sa pag ttrain sa kumpanya nila ay nakakagawa pa din siya ng paraan para mapuntahan ito sa Paris. Kahit sa malayo lang ay nababantayan niya ito.

Kaya hindi siya agad kumuha ng Masteral desgree niya ay dahil naging abala siya sa negosyo at pagbabantay dito. Pabalik balik siya sa Paris para lang makita ito at masiguro na maayos lang iyo doon, kahit na may binayaran siya para magbantay dito ay mas gusto pa din niya na nakikita niya ito.

Kaya naman ng lumipat ito sa New York ay napag desisyunan niyanh ddon nalangnkumuha ng Masteral degree habang minamanage ang restaurant nila doon. Lingid sa kaalaman nito ay magkatabi lang ang apartment building nila.

Now that she is back, gagawin niya ang lahat para mahalin siya nito ulit. Para mapatawad siya nito. He is willing to wait hanggang sa maging handa na ito na tanggapin ulit ang pagmamahal niya.

He wont let her na umalis ulit sa buhay niya.

Napatingin siya sa cellphone niya na nasa table niya ng tumunog iyon hudyat na may tumatawag sa kanya. Agad siyang lumapit doon at tinignan kung sino ang tumatawag ng makitang si Stephen ang tumatawag ay agad niyang sinagot iyon.

"Dude.."bati niya sa kaibigan.

"Hey dude. Where the fuck are you?" Tanong nito sa kanya. Malakas ang tunog sa back ground kaya alam niya na nasa bar na naman ito at malamang ay nambababae na naman ito.

"Nasa office." Maikli niyang sagot dito. Niluwagan niya ang suot na neck tie at umupo sa kanyang swivel chair.

"Dude if I were you, you should get your ass here."
"Stephen Im not in the mood para pumunta kun saan man bar na iyan."

"Oh kahit sabihin ko sa iyo that your chick is so wated right now. At naghihintay lang ng tyempo ang ibang lalaki dito to get her."

Napatayo siya sa sinabi nito. Agad niyang kinuha ang susi ng kotse niya at lumabas sa opisina niya.

"What the fuck are you talking about?"

"Dude nandito yung Marie mo sa bar, and she is drinking herself to death."

"Where the hell is that?" Salubong ang kilay na tanong niya dito.

"Club Zoo dude."

"Damn it Stephen watch over her. Papunta na ako." Halos takbuhin niya ang kotse niya sa parking lot at agad na pinasibad ang kanyang kotse papunta sa club na iyon.

"What dude itutulad mo pa ako sa iyo na stalker?" Natatawa nitong sabi sa kanya.

"Fuck you dude kapag may nanggyaring masama o may humawak man lang kay Marie ikaw ang unang una kong papatayin." Sigaw niya dito habang minamaniobra ang kanyang sasakyan.

"Okay fine. Bilisan mo nalang. She is so wasted, at alam mong hindi ko kayang pigilan lahat ng mga lumalapit sa kanya. Panira ka talaga ng gabi dude. You owe me one." Anito

"Thank you dude." Sabi niya bago pinatay ang tawag.

Inis na inis siya dahil naabutan pa siya ng traffic. Kung saan saan na ang short cut na tinahak niya para lang makarating kaagad sa Club Zoo.

Basta nalang niya ipinarada ang kotse niya pagkadating niya sa club.

Agad siyang pumasok at iginala ang mga mata. Madami ang tao ngayon dahil friday. Nahirapan siya sa paghahanap dahil sa dami ng mga taong nasa bar idagdag pa na may kalakihan ang bar na ito. Una niyang nakita ang kaibigan niya na may kahalikang babaeng halos pumatong na dito. Nilapitan niya ang mga ito

His Personal Assistant slash Bedmate (completed)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن