Ch. 60

23.9K 349 47
                                    

A/N: Waaaaaahhhhhh nakapag update din. Sorry talaga kung sooobranggg tagal marami lang talaga akong inatupag nung nakaraang buwan. Dahil wala na kong inspirasyon ngayon pangit na yung update ko. Hahahaha echos lang. Siguro may mga bagay o tao lang na hindi nakalaan para sa atin. Nga pala kung gusto niyo kong makita at makasama sa Pico de Loro at Mt. Batulao niyo lang ako matatagpuan. Kung trip niyo sumama samahan niyo kong akyatin yung tuktok niyan. Osiya eto na talaga yung ending sana magustuhan niyo maraming salamat. Enjoy!

-Ju.

--------------------------------

Irish





Hindi ko maipaliwang yung sayang nag uumapaw sa buong pagkatao ko. Kahit pagod ako sa mga nangyari kagabi ay maaga pa rin akong bumangon para maipaghanda ng almusal ang aking pinakamamahal na asawa. Ang sarap lang bigkasin nung 'asawa' kasi talagang AKIN NA si Zancho at wala ng pwedeng umagaw pa sakanya.



Bago ako tuluyang bumangon sa kama ay pinagmasdan ko muna ang maamong mukha ng aking asawa at saka ko siya dinampian ng isang mabilis na halik sa kanyang pisngi. Sa itsura ngayon ni Zancho parang siya pa yung pagod na pagod sa ginawa namin kagabi. Masyado kasi siyang hyper sa kama kaya naka ilang rounds din kami bago tuluyang nakatulog sa sobrang pagod.




Hinanda ko na yung mga gagamitin ko sa pagluluto. Gusto kong maging special ang unang breakfast na pagsasaluhan namin ni Zancho bilang mag-asawa. Nagluto ako ng bacon at tocilog ito kasi yung paboritong kainin ng asawa ko tuwing umaga. Nang matapos na ko sa aking pagluluto isinaayos ko na din ang table at inihain ko na ang breakfast namin ni Zancho saka ko siya pinuntahan sa kwarto para gisingin na.




Dahan dahan akong sumampa sa kama at pinatungan ko siya.




"Tsup. Gising na bae. Tsup. Breakfast is ready. Tsup. Bangon ka na dyan daliiiii. Tsup."







"Uhhmm...goodmorning my only one. I love you."







Ang aga aga pinapakilig na naman niya ako. Kaya mahal na mahal ko tong bakulaw na to e.





"I love you too. Lika na bangon na kakain na tayo."






Agad naman niya akong binuhat papuntang kitchen at marahan niya akong inupo. Nung nakaupo na siya umupo ako sa lap niya. Gusto ko siyang lambingin whole day.





"Bae saan mo gustong pumunta?"







"Kahit saan basta kasama kita."








"Mamaya uuwi na tayo ng Pilipinas gusto mo bang mag mountain climbing tayo? May alam akong magandang lugar sa Batangas."







Maganda nga yung naisip ni Zancho never ko pa din nagawang mag hiking. Ito pa lang ang unang pagkakataon kung sakali.






"Gusto ko sana yang idea mo bae kaso duwag ako. Takot ako sa heights."








"Bae wag kang matakot kasama mo naman ako. Alam mo kasi bae gusto kong matupad yung goal ko sa buhay.".








"E ano ba yang goal mo na yan bae?"







"Yung goal ko? Yun yung makasama ko yung taong mahal ko sa lahat ng bagay na gusto kong gawin. Tulad ng pag akyat ng bundok. Paglibot sa magagandang lugar. Pagkain ng kakaibang pagkain. Gusto kitang makasama sa mga lugar na gusto kong puntahan at sa mga bagay na first time kong gagawin."







I'm Inlove With That Bitch (GirlxGirl)Where stories live. Discover now