Ch. 46

10.9K 215 12
                                    

Irish



Araw ng pag ggrocery namin ngayon kaya pupunta kami ng mall ni bae. Last week pa siya pumasok sa school naging maayos naman ang lahat at napapansin ko lang ang ilang pagbabago sakanya. Ayokong maghinala sakanya pero malakas talaga ang kutob ko.




"Bae I love you."





"Mahal din kita Irish."





"Bae bakit ayaw mong sabihin sakin?"





"Huh? Ang alin?"





"Yang bumabagabag sayo...."




Natigilan saglit si bae kaya mas hinigpitan ko pa yung kapit ko sa braso niya. Gusto kong malaman kung anuman yung gumugulo sa isip niya. Kasama ko nga siya pero ang layo ng nilalakbay ng isip niya.




"Wala to bae. Ayos lang ako."



Alam kong nagsisinungaling siya sakin. Mula sa paghinga at pag utot niya alam ko ang ibig sabihin kaya pag sinabi niyang wala ang ibig sabihin nun meron.



Hahayaan ko na lang muna siya. Kung ayaw niyang sabihin sa akin ako ang kusang aalam nun. Sana lang talaga hindi niya ko niloloko dahil kahit mahal ko pa siya ipapatikim ko pa rin sakanya ang lupit ko. Mata niya lang talaga ang walang latay pero hinding hindi ko siya bibitawan. Kahit naman kasi baliktarin ang mundo. Mawala ang pluto. Maubusan ng bigas ang Pilipinas at magtaas ang presyo ng gas mahal ko pa rin siya hindi na yun magbabago.




"Bae mahal na mahal kita."




Napatigil siya sa paglalakad at matiim niya akong tinitigan sa mga mata marahil naramdaman niyang seryoso ako sa sandaling ito.



"Zancho handa kong ibigay lahat ng sa akin....titiisin ko ang lahat para lang ika'y mapasaakin...bae ikaw lang dahilan ng aking paghinga. Kaya nga hinihiling ko sa maykapal na hindi ka niya kunin sa akin...dahil....dahil hindi ko kakayanin."



Masuyo niya akong hinalikan sa aking forehead at niyakap ng may pagmamahal. Pagdating sakanya nanghihina talaga ako lahat ng naipon kong lakas ay unti-unting nawawala dahil sakanya.





"Irish ikaw lang ang dahilan kung bakit ako nabuhay sa mundong ito. Patawarin mo ako sa mga pagkukulang ko sayo.... Pati na rin sa mga kasalanang nagawa ko...ikaw lang yung tanging hiling ko. Ikaw lang."





Sapat na yung mga narinig ko mula sakanya para maniwala ramdam ko naman na mahal niya din ako pero hindi nga lang katulad nung hindi pa siya naaksidente. Para kasing may kahati na ako kay Zancho hindi ko lang alam kung tama nga ako sa hinala ko. Alam ko naman na sinusubukan niya talagang maibalik yung alaala niya pero may kakaiba talaga.




"Kahit anuman ang kasalanan na gawin mo bae tatanggapin pa rin kita...dahil ikaw lang ang nakabihag sa akin......pero tandaan mo mata mo lang ang walang latay pag ako niloko mo."




Pilit ang ngiting ibinigay niya sa akin bago niya ako hinalikan sa aking labi at naglakad na ulit kami para makabili na ng mga kailangan namin.



Pero napahinto na naman ako dahil kinalas niya pagkakahawak ko sa braso niya at naglakad palayo sa akin. Pero nakatingin pa rin siya sa akin at huminto din siya sa tapat nung nagbebenta ng magic sing at hiniram niya yung mic. Ano na naman kayang trip ni bae?


Diwata
Jireh Lim



Ilang oras pa lamang
Nang tayo'y nagkita
Sayong mga yakap
Agad nangulila
Ikaw ang diwatang tumapak sa lupa
Na wala ng papantay


Lahat ng taong napapahinto at pinapanuod siyang kumanta. Nagkaron tuloy ng live concert dito sa mall dahil kay bae.


Ang yong mga labi'y humahalimuyak
Pag nasisinagan parang ginto at pilak
Ikaw ang diwatang humahaplos sakin
Pag ako'y nalulumbay




Naglakbay na naman ang kilig sa buong skeletal system ko. Wala pa rin siyang palya sa pagpapakilig sa akin.




Dalangin ko ay mahagkan ka
Sa paglipas ng panahon
Ang tinig mo'y parang agos ng sapa
Hinding hindi magwawakas
Ang pag-ibiggg....mahal kita.


Yung mga tao sa paligid namin kinikilig din lalo na yung mga kababaihan. Hampasin ko kaya sila ng cactus! Ako kaya yung hinaharana feeling nila sila.

Ibinalik naman niya yung mic at naglakad na muli pabalik sa akin. Nagpalakpakan naman yung mga tao kaya nginitian niya lang ang mga ito.



"Mahal kita Irish. Ang aking diwata."


Hinalikan niya ko ulit sa lips at hinila na niya ako ng may pag-iingat para makaalis na kami dahil sa mga umuusyoso sa paligid namin.




--------------------------------

A/N: Kilig moments muna. Sana nagustuhan niyo yan kasi yung kinanta ko dun sa crush ko kaso nag smile lang siya sakin. Mamaya naman yung sunod na update para isang bagsakan na lang dahil bukas maglalagalag na naman ako. Mag paparty party kasi ako bukas alam niyo na twenteen na ko. Hahahaha osiya vote-comment lang mga bae loveyou!

-Jujupets.

I'm Inlove With That Bitch (GirlxGirl)Where stories live. Discover now