Ch. 28

13K 245 2
                                    

Zancho

Ilang nonths na lang at graduate na si bae kaya masyado siyang busy ngayon dahil nag ojt na rin siya. Sa sobrang busy niya wala na kaming time para sa isa't-isa hindi na kami nakakapag romansang dalawa mahigit dalawang linggo na din. Ayoko naman pilitin siya dahil baka masaktan niya lang ako.

Ngayon nga ang alis niya papuntang Bicol one week din sila dun kaya sobrang mamimiss ko siya. Ano kayang gagawin ko sa buhay ko ng isang linggo?

Nakakaiyak wala si bae. Wala akong kalandian.

Tapos na siyang mag ayos ng mga gamit niya kaya kumaen na kami dahil 6am ang call time nila.

"Bae wag mo papabayaan sarili mo dun ha?"

"Yep. Basta ikaw din dito kumaen ka ng maayos ha. Yung mga healthy foods ang kainin mo."

"Opo mahal kong dyosa."

Umupo siya sa lap ko at sinubuan niya ako. Isa ito sa mga mamimiss ko sakanya super sweet niya kasi sa akin talaga kaya naman mahal na mahal ko siya.

"Wag kang mambababae dito kundi sasapukin kita. Direcho uwi ka na pag galing sa school ha? Wag ka ng sumama sa pag gala nila Dom. Ayusin mo yung buhay mo kundi masasaktan ka sakin pag-uwi ko. Lagi kitang tatawagan kaya dapat wag mo i-silent yung cellphone mo."

Andami niyang habilin nuh? Ganyan niya ko kamahal.

"Tatandaan ko yan lahat bae."

Masuyo ko siyang hinalikan sakanyang labi. Pero tumigil siya sa paghalik at hinawakan yung kwelyo ng damit ko at hinigpitan ang kapit dito.

"Zancho wag na wag kang mag-uuwi ng babae dito sa condo natin sasakalin talaga kita."

Ang sweet niya maglambing sakin nuh? Cariño brutal mga dude. Nakakamatay yung sweetness niya.

"Bae alam mo naman na loyal ako sayo."

"Wag na wag kang magpapahalik kahit kanino. At higit sa lahat pag nalaman kong may ikinama kang babae gigilitan kita. Tandaan mo yan mata mo lang ang walang latay."

"*gulp* Grabe ang scary mo talaga bae."

"Mabuti ng alam mo. *smirk*"

Tumayo na siya sa lap ko at inayos yung sarili niya tapos inayos niya din yung damit ko na ginusot niya.

Kapit kamay naming tinungo ang kotse ko at tahimik lang akong nag drive papunta sa school. Bago kami bumaba pinasadahan muna namin ng isang mainit na halik ang bawat isa. Bitbit ko yung maleta niya dahil sasakay na sila ng bus.

"Bae yung mga bilin ko sayo wag mo kalimutan."

"Hinding hindi ko kakalimutan bae. Mag-ingat ka dun wag mo kong ipagpapalit papakasalan pa kita."

"Sus! Alam mo namang ikaw lang ang nakabihag sakin. At dapat pagbalik ko magpakasal na tayo."

"Haha. Pag stable na tayo bae alam mo naman hindi pa ko nakaka graduate. Wala pa kong sapat na ipon para buhayin ka."

"Next month gradute na ko kaya ako na ang bubuhay sayo bae."

Hinalikan ko yung ilong niya ang ganda talaga ng bae ko hindi ako magsasawang ibigi siya.

"Bae wag mo muna ko pikutin. Gusto ko bongga yung kasal natin at isa pa kailangan ko pag-ipunan yung baby natin pati na magiging bahay natin."

"Talaga bae? Gusto ko magka baby tayo."

Lahat naman ng babae tatlong bagay lang ang gusto. Una ang maikasal at makapaglakad sa altar kasama ang kanilang magulang. Ikalawa ang magkaron ng anak na siya mismo ang magdadala sakanyang sinapupunan. At ikatlo ay ang mahalin sila ng buong puso ng taong minamahal nila ang iingatan at aalagaan sila hanggang pumuti na ang buhok at kumulubot na ang kanilang balat.

"Oo bae kaya nga pag-iipunan ko yun e mahal kasi ang sperm."

"I love you so much bae. Basta antayin mo pagbabalik ko papaligayahin kita."

"Oo bae. Sige na akyat ka na ingat ka dun pagbalik mo dito mahal na mahal pa rin kita."

Niyakap niya ko ng mahigpit bago siya sumakay ng bus. Nag wave na muna ko sakanya tsaka ako pumasok sa kotse. Dahil wala naman kaming klase pupunta na lang muna ako sa gym para makipag sparring matagal tagal na rin ng huling punta ko dun.

Next month pa ang balik ni papa nasa London kasi sila ngayon naglalayag. Alam niyo na buhay marino. Buti na lang sobra sobra ang pagmamahal ng papa ko kay mama. Hindi naman kasi lingid sa aking kaalaman na ang mga seaman ay may mga babaeng pinaparausan sa mga puerto. Nakwento na rin yun sa amin ni papa dahil yung mga kasamahan niya ay nangungulila sa kani kanilang mga karelasyon. Kaya maraming mga marino ang may anak sa iba't-ibang lahi. Mas gusto din nila yung mga Brazilian dahil iba ang ganda ng mga ito.

Ilang saglit lang ay andito na ako nakipag kamustahan muna ako sa mga trainor dito bago ako sumalang. Nagpalit na ko ng damit at inayos ko na yung head gear ko pati na yung gloves ko.

Ang ka sparring ko ay si kuya Brando regular na siya dito kaya naging close ko na din siya. Sa unang birada ko sakanya pinagbibigyan niya lang ako pero nung nakabawi na siya sunod sunod na yung patama niya sakin kaya bumagsak ako.

"Mukha hindi ka na nakakapagsanay Zancho."

"Ngayon na lang kasi ako nagawi dito kuya Brando."

"Puro kasi babar inaatupag mo."

"Haha baliw ka talaga kuya Brando. Tara libre mo ko."

After ng sparring namin ni kuya Brando nagpunta muna kami sa isang restau at inilibre niya nga ako. Bigtime kasi si kuya kaya umorder ako ng marami.

Pagtapos namin kumaen nagpaalam na rin ako sakanya para umwi nagtext naman ako kay bae dahil tumawag pala siya pero hindi ko nasagot. Nakakalungkot ang tahimik ng condo walang maingay na dyosa. Miss ko na siya.

--------------------------

A/N: Nagustuhan niyo ba ang update ko? Sorry masydong masabaw bawi na lang ako next chapter. Thanks loves.

-Jujuming.

I'm Inlove With That Bitch (GirlxGirl)Where stories live. Discover now