Ch. 38

10.5K 248 27
                                    

Zancho


Patuloy pa rin sa pagkkwento si papa hanggang sa dumating si Irish. Ang girlfriend ko. Naka smile siya sa akin habang papalapit sa pwesto ko at hindi ko inaasahang hahalikan niya ako sa labi ko. Kissing monster ba siya? Sa tuwing lalapit kasi siya sakin yun ang palagi niyang ginagawa.


"Hi bae. Kumusta pakiramdam mo? Kumaen ka na ba? May gusto ka ba bae?"

Andami niyang tanong. Ganto ba talaga ang magka girlfriend?


"Irish chill ka lang ayos lang naman si Zancho. Ikaw ba ay kumaen na?"


"Hindi pa nga po tito gusto ko po kasi na sabay kami ni bae kumaen."


"Osya sige maiwan mo na namin kayo. Ikaw na muna ang bahala kay Zancho sa labas muna kami ni tita mo."

Lumabas na nga sila papa at naiwan na lang kami ni Irish. Hindi ako nagsasalita wala naman kasi akong sasabihin.


Nung nahanda na ni Irish yung pagkaen umupo na siya sa tabi ko at sinusubuan niya ako.


"Ahm ako na lang kaya ko naman."


"Ayoko gusto ko ako magsusubo sayo. Dali nganga!"


"Sige na ako na lang."


"Ayoko! Ito naman yung lagi kong ginagawa ang pagsilbihan ka."


Hindi na ako nakapalag pa. Masyado talaga siyang mapilit kaya sumubo na rin ako. Pagkasubo ko siya naman ang sunod na sumubo. May laway ko na yun tapos dun pa siya sumubo.


"Ahm kainin mo na lang yan busog pa naman ako."


"Ayaw mo ba ng food bae? O naiilang ka? Kasi share tayo. Lagi naman tayong share at yung laway mo lang yung gusto kong tikman."


Tapos binigyan niya ko ng nakakaakit na ngiti napapalunok na lang tuloy ako. Paano ko ba naging girlfriend ang isang magandang dilag na ito para kasi siyang isang DIWATA. Kaya nakakapagtaka talaga.


"Bae wag ka na mag-isip ng kung anu-ano dyan basta pag nagbalik na yung alaala mo mahal pa rin kita."


"Bakit mo ko mahal?"

Hindi ko na mapigilan ang magtanong gusto ko rin kasi malaman.

"Wala akong maisip na sagot kung bakit kita mahal."


"Huh? (-____-)?"


"Hihi ang cute mo talaga bae."


O______O

Hinalikan na naman niya ko sa lips. Nakakarami na talaga siya sakin hindi ko naman siya masaway kasi baka ginagawa nga namin lagi yun dati.


"Zarell Jan Ochoco mahal kita kasi yun ang nararamdaman ng puso ko."


"Sorry kung hindi kita maalala. Sorry kung--"


"Sshh....hindi man ako maalala ng isip mo alam ko ako lang ang nagmamay-ari sa puso mo. AKO LANG WALA NG IBA."


"Ahmmm......naging *gulp* naging mabuti ba ko sayo?"


"Hmn....oo bae naging mabuti ka sakin ikaw ang dahilan ng pagbabago ko kaya mahal na mahal kita."


"Pwede bang tulungan mo kong maalala kita? Gusto kong maalala yung sa ating dalawa kung paano kita minahal. Kasi.....kasi ayokong nakikita kang nalulungkot."


Nakikita ko kasi sa mga mata niya yung lungkot itinatago niya lang yun sa pamamagitan ng pag ngiti.


"Oo naman bae. Yun naman talaga ang gagawin ko at isa pa hindi na ako malulungkot kasi kasama na kita ulit. Hinding hindi na kita iiwan. Ayoko ng umalis sa tabi mo."


Niyakap niya ako ng mahigpit at sa sobrang higpit hindi na ako makahinga. Hinayaan ko na lang siya dahil ramdam ko yung pangungulila niya sa akin. Ayoko siyang nakikitang malungkot o umiiyak kasi nasasaktan din ako. Alam niyo ba yung feeling na parang kalahati ng pagkatao ko ay pag-aari niya. Ganun yung nararamdaman ko unti-unti na akong naniniwala na girlfriend ko nga siya.


"Irish. Ayokong mangako ng kahit ano sayo pero gagawin ko na lang ang lahat sa paraang alam ko."

"Sapat na yun sa akin bae i love you so much."

Hinalikan na naman niya ako kaya gumanti na rin ako sakanya ng halik at ninamnam ko lang ang malambot at matamis niyang labi.

Pamilyar sa akin ang ganitong sensasyon na ibinibigay sa akin ni Irish. Kaya yung puso ko naging abnormal nanaman ang pagtibok marahil si Irish nga ang may-ari nito at siya lang ang pwedeng umangkin.

----------------------------

A/N: Sorry hindi ko kayo napakilig ngayon babawi na lang ako sa mga next chapter. Vote-Comment lang po kung nagustuhan niyo. Pag sinipag ako susundan ko agad ng isa pang ud para hindi kayo mabitin. Osiya enjoy! Happy weekends. Lovelots.

-Jujupets.

I'm Inlove With That Bitch (GirlxGirl)Where stories live. Discover now