Ch. 33

10.6K 262 9
                                    

Irish

Dalawang araw na din akong walang maayos na tulog dahil gusto kong updated ako sa mga nangyayari kay bae. Dahil friday na ngayon ililipat na siya sa isang private room dahil stable na rin daw ang kondisyon ni bae pero unconcious pa rin siya.

Andito na rin si tito. Inaantay na lang namin na mailipat si bae. Gustong gusto ko na siyang makita.

Ilang saglit lang dinala na si bae dito sa private room niya dahil na rin sa pagkasabik ko sakanya hinalikan ko siya sa labi niya. Hindi ko na alintana yung mga tao sa paligid ko alam kong nagulat din sila sa ginawa ko pero ayos lang naman yun sakanila. Girlfriend ako ni Zancho at karapatan ko yun.

Matapos kong halikan si bae nag give way naman ako kila tita dahil miss na rin nila si bae.

Tahimik lang akong nakaupo dito sa couch. Si kuya Zedrick nagpaalam muna dahil may duty pa daw siya ganun din si kuya Zandro kailangan niya rin i-meet yung kliyente niya.

"Irish ikaw na muna ang bahal dito magpapalit lang ako ng damit. Babalik din kami mamaya ng tita mo."

"Sige po tito ingat po kayo."

Kiniss ko na sila ni tita sa cheeks. Paglabas nila umupo ako sa tabi ng bed ni bae.

"Bae.....sabi mo pagbalik ko dito mahal mo pa rin ako. Andito na ko bae kaya gumising ka na dyan ha?"

Hinahaplos ko ang maamong mukha ni bae. Sobrang namiss ko siya sana pala hindi na ko sumama sa ojt na yun para kasama ako ni bae.

"Bae..pag gising mo mahal pa rin kita kaya dilat ka na dyan please."

Hindi ko napigilan yung pagtulo ng luha ko. Siya lang talaga yung iniyakan ko ng ganito. Masisisi niyo ba ko? Mahal ko e.

"Bae next month na yung graduation ko sabi mo may surprise ka sakin diba? Kaya wag ka ng matulog dyan."

Patuloy lang ako sa pagsasalita gusto ko na kasi na siya makausap. Gusto ko na makita yung matamis niyang ngiti.

"Bae pag gising mo papakasalan na kita ha? Gusto kong panagutan mo na ko."

Hinalikan ko ulit siya at kahit hindi siya gumaganti sa mga halik ko nagpatuloy pa rin ako.

"Bae gising ka na please. Mahal na mahal kita. Mahal na mahal."

Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako. Dala na marahil ng pagod at puyat.

Nagising na lang ako ng may tumatapik na sa balikat ko. Si tita. Dumating na pala sila ni tito.

"Irish kumaen ka muna may dala kaming pagkaen."

"Mamaya na lang po tita. Wala pa po akong gana."

"Hija magagalit si Zancho pag hindi ka kumaen. Tignan mo ang payat mo na. Gusto ni Zancho yung sexy kaya sige na kumaen ka na."

Napangiti lang ako sa sinabi ni tito. Totoong namayat nga din ako dahil na rin sa ilang araw kong puyat at hindi pagkaen ng maayos.

Kumaen na rin ako gaya ng sabi nila tito at tita. Nakakailang subo pa lang ako ng may kumatok at pinagbuksan naman ito ni tito. Si Dom ang bumungad sa amin na naka wheel chair.

"Tito..*sniff* s-sorry po. Patawarin niyo po ako."

Niyakap ni tito si Dom at hinimas himas ang likod nito.

"Sshh..aksidente ang nangayari wag mo na sisihin ang sarili mo."

Niyakap na din siya ni tita at inalo siya sa pag-iyak.

"Kasalanan ko po *sniff* k-kung...kung sana hindi *sniff* ko po siya inaya hindi po mangyayari ito."

"Wala kang kasalanan DomDom. Alam mo ba ang sasabihin sayo ng parekoy mo pag nakita ka niyang naiyak ng ganyan?"

Nagpunas ng luha si Dom at tinignan sila tito at tita.

"Alam ko po. Sasabihin po niya na baklang unggoy ako."

"Yun naman pala kaya wag ka ng umiyak dyan."

Itinulak ni tito yung wheel chair ni Dom palapit sa akin at hindi ko inaasahan na hahawakan niya ang kamay ko.

"Irish sorry..sorry...sorry talaga. Sana hindi na ko nagtampo kay bespren para hindi na siya nakonsensya na samahan ako. Edi sana hindi nangyari ito."

Niyakap ko din si Dom ramdam ko kasi yung bigat na nararamdaman niya ngayon.

"Wag ka na nga umiyak. Ang pangit mo!"

"Waaaahh Irish pareho talaga kayo ni bespren."

Pagkasabi niya nun kumalas na siya sa yakap ko at hinarap naman niya so bae.

"Hoy bespren! Leche ka talaga...dapat ako yung nakaratay dyan e. Pero dahil pinairal mo na naman yang kabutihang taglay mo ikaw tuloy ang andyan. Sabi ko naman sayo gamitin mo yung helmet ko....pero wangak ka talaga isinuot mo pa talaga sakin. *sniff* parekoy bumangon ka na dyan tutulungan mo pa ko mapasagot si Xylene diba? Diba? Diba? Kaya gising ka na miss na kitang bruha ka! Este brad pala sige na ohh."

Natatawa nalang kami nila tito at tita kay Dom abnormal nga talaga siya. Niyakap niya si bae at hinalikan sa forehead. Sana talaga gumising na si bae.

--------------------------

A/N: Sana magustuhan niyo. Tigang kasi yung utak ko ngayon dahil tinatapos ko pa yung kino-compose kong kanta hahaha. Ang kapal na ng kalyo ng daliri ko kakatipa ng gitara ko. Btw vote-comment lang po thanks din pala sa mga nag follow sakin pati na rin sa mga silent reader at higit sa lahat dun sa mga naging friends ko dito sa wattpad. SALAMAT ;)

-Jujupets.

I'm Inlove With That Bitch (GirlxGirl)Where stories live. Discover now