Ch. 42

9.8K 211 1
                                    

Zancho



Hindi ko alam kung naiintindihan ba ako ni Ariele dahil ini-insist niya pa rin yung gusto niya. Sinabi ko na sakanya na ayokong lokohin at saktan si Irish pero nagmamakaawa talaga siya sa akin.


Andito kami sa isang park kanina pa nga kami nandito at gusto ko ng umuwi dahil baka hinahanap na ako ni Irish.

"Zancho alam mo ba lagi tayo nandito. Dito nangyari yung first kiss natin."


"Ariele pahalagahan mo yung sarili mo."

Mataman niya akong tinitigan bago siya nagsalita.


"Mahalaga ba ako sayo?"


"Ariele---"


"Zancho please. Please love me like you did before....minahal mo naman ako dati e at alam ko magagawa mo pa rin akong mahalin."


Ganyan ba siya kadesperada na mahalin ko din siya? Kulang na lang lumuhod siya sa harapan ko para lang masuklian ang pagmamahal niya.

"Kagaya ng sinabi ko sayo kanina at uulit ulitin ko yun sayo. Ayokong lokohin si Irish."


"At kagaya rin ng sinabi ko sayo at uulit ulitin ko din sayo Zancho handa akong makihati kay Irish. Kahit hindi buo ang ibigay mong oras at pagmamahal sakin Zancho ayos lang.....please sobrang mahal talaga kita Zancho. Sobra sobra."


Hindi ko nalang siya kinibo dahil kanina pa siya umiiyak mugto na nga yung mga mata niya. Hinatid ko na lang siya sa bahay nila at umuwi na rin ako. Nung una ayaw pa niya akong paalisin pero nagpumilit ako dahil baka nasa condo na si Irish.

Ilang saglit lang at nakarating na din ako ng matiwasay sa condo. Pagbukas ko pa lang ng pinto bumungad agad sa akin ang isang diwata may bitbit siyang cake.

Birthday niya ba?


"Tandaan mo na lang ang sasabihin ko sayo."


Maganda pala ang boses ni Irish kasing ganda niya.

"Ang pag-ibig kong ito'y di magbabago."

Nakangiti siyang palapit sa akin. Ano bang selebrasyon ang meron?


"Kahit malayo ka sa piling ko."

Napansin ko lang na may nakaipit na gumamela sakanyang kanang tenga. Nagpapatunat ito na isa nga siyang diwata.



"Umulan bumagyo ayos lang."

Palapit na siya ng palapit sa akin at autimatic na naman na bumibilis ang pagtibok ng puso ko. Para akong sumali sa iaang karera sa sobrang bilis nito.

"Wag kang mangangamba ayos lang."


Konting hakbang na lang at malapit na siya sa akin.

"Kumusta ka mahal ko okay ba? Sana hindi pa rin magbabago."

Nung nakalapit na siya sa akin hinalikan naman niya ako sa aking labi kaya sino ba naman ako para tumanggi sa kagandahang nasa harap ko.


"A-anong meron? Birthday mo ba?"


Nag smile siya sa akin at pinunasan ang labi ko gamit yung thumb niya nalalasan ko yung pink lipstick niya.


"Hindi ko birthday ngayon. Gusto ko lang i-celebrate yung ika 100 days natin as a couple. Happy 100 days bae i love you."


"Happy 100 days bae. I love you too."


Alam ko naman na yun ang gusto niyang marinig mula sa akin kaya todo smile siya nung marinig niya yun mula sa akin.


Hindi ko na sinabi sakanya yung mga nangyari sa akin ngayong araw na ito dahil ayoko naman na mag-alala pa siya hanggat kaya kong i-handle yung sitwasyon hindi ko muna ipapaalam sakanya at isa pa hindi rin naman ako pumapayag sa gusto ni Ariele pero naaawa talaga ako sakanya. BAHALA NA.

--------------------------------

A/N: Dahil may mga nabitin kanina sa ud ko eto na yung karugtong hindi ko kayo matiis e hahaha. Vote-comment lang po kayo kung ano na gusto niyong kasunod dyan haha. Lovelots sana magustuhan niyo.

-Jujupets.

I'm Inlove With That Bitch (GirlxGirl)Where stories live. Discover now