Ch. 4

24.6K 566 135
                                    

Zancho

Maaga akong nag-aabang dito sa isang bench para lang masilayan ang pinakamamahal ko. Isang oras na din akong matyagang nakaupo dito.

Ilang sandali pa at nasilayan ko na siya. Natulala na naman ako sa kariktan niya. Yung buhok niyang sumusunod sa bawat galaw niya. Yung bilugan niyang pwet ay umiindayog sa bawat paglakad niya. Isa talaga siyang dyosa!

Habang patuloy ako sa pagpapantasya ko sakanya bigla naman akong napasinghap na bigla siyang lumapit papunta sa pwesto ko.

"Hey you!"

*gulp*

"Y-yes?"

"Ikaw yung nakabangga sakin sa cr diba?"

"Ah oo. Sorry talaga."

"Sabi ng kaibigan mo bitch ako at alam kong totoo yun. Ikaw anong tingin mo sakin?"

Tumayo ako sa pagkakaupo ko at tinitigan ko ang magaganda niyang mata. Medyo matangkad ako sakanya kaya nakatingala siya sakin.

"Hindi ko alam ang totoong ikaw. Ang totoong pagkatao mo kaya wala akong karapatang husgahan ka base sa sinasabi nila patungkol sayo."

Pagkasabi ko nun nasilayan ko ang matamis niyang ngiti. Yung totoong ngiti na ngayon ko lang nakita mula ng mahalin ko siya ng palihim.

"Be my bestfriend. Or else I will kick you."

Whoa! Ang hard naman niya makipag kaibigan. Pero kinikilig ako kasi napansin niya na ko. Yahooo!

"Zarell Jan Ochoco. Zancho for short ang bestfriend mo."

"Jasmine Irish Salazar. Dahil bestfriend na kita treat me for lunch. Kbye!"

Nakipag shake hands siya sakin at naglakad na siya papunta sa building nila. Kaya naman pumunta na rin ako sa building namin. Ang saya-saya ko ngayon siya ang gumawa ng first move!

"Hi babe goodmorning. Ang saya mo ngayon." - Xylene.

"Baka nasilayan na naman niya si Irish." -Domeng.

Nginitian ko lang sila pareho wala akong pakialam kung mukha na kong baliw basta masaya ko.

"Babe ano ba wag ka na nga ngumiti dyan. Nakakatakot ka na ha."

"Tsk. Parekoy mamaya samahan mo pala ko mag bar manchix tayo."

"Dom tigilan mo nga si babe. Wag mo siya isama sa mga ganyan."

"E kung hindi mo kasi ko binasted hindi naman ako magbabar."

"Ang ingay niyo. Mag review na lang kayo."

Tumahimik din sila at sinunod yung sinabi ko. Ilang sandali lang at pumasok na din yung prof namin nag-umpisa na kaming mag quiz.

Dahil wala yung prof namin sa last subject nagkanya kanya ng pulasan yung mga classmates ko. Etong dalawa naman nag aya ng kumaen. Naalala ko bigla si Irish ililibre ko pa nga pala siya ng lunch.

"Babe. Parekoy. Una na kayo may dadaanan lang ako."

"Samahan na kita babe."

"Wag na babe. Saglit lang naman ako susunod din ako."

"Okay sige bilisan mo ha."

Tumango na lang ako at naglakad na palayo sakanilang dalawa. Pumunta ko dun sa bench na tinambayan ko kanina habang inaabangan ang pagdating ni Irish.

"Hey kanina ka pa?"

"Hindi naman masyado."

"Let's go bae."

"Bae? (-__-)?"

"Yep bae. Before Anyone Else."

"O-kay?"

Hinila niya na ko papunta sa cafeteria. Lahat ng tingin ay sa amin. I mean sakanya lang pala. Yung iba yung tinging ipinupukol nila sa amin ay pagtataka. Ang isang Jasmine Irish Salazar kasama ang isang nobody na katulad ko.

"Babe bakit kasama mo yan?"

"She's my BAE!"

Oh-oh trouble to dre!

"Ahh babe kasi--"

"Bae! Wag mo nga siya tinatawag na babe. It's gross!"

Bigla akong hinila ni Xylene palapit sakanya.

"Hoy! Akin si babe. Ako nauna sakanya. Pwede ba wag mo nga siya matawag tawag na bae!"

Si Domeng nakatulala lang sa dalawang magagandang babae na nag-aaway sa harap namin. Wala talagang silbi to.

"I don't care! She's mine and MINE ALONE!"

Pagkasabi niya nun bigla na lang niya kong hinila palapit naman sakanya. Shit! Baka mapunit yung damit ko neto.

"Girls utang na loob wag kayo mag-away andito naman ako."

Biglang sabat ng unggoy kong bespren! Sana makatulong siya nuh?! Pero tinignan lang siya nung dalawa.

"Xylene. Irish. Tama na please."

Nagawa ko pa ring sabihin yan para mapatigil ko lang sila sa paghatak sakin dahil sobrang nalalanta na ko kakahila nila.

Hinila ko sila paupo at ako ang nasa gitna nila. Yung mga studyante nakatingin pa rin sa bawat galaw nami. Naiilang tuloy ako.

"Xylene. Domeng si Irish bestfriend ko. Irish si Xylene at Domeng bestfriends ko din."

Hindi ko na tinignan yung reaksyon nila at kumaen na lang ako. Pakshet! Nakakagutom yung pinag aagawan ka. Nawala lahat ng energy ko dun.

I'm Inlove With That Bitch (GirlxGirl)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora