Ch. 13

19.2K 488 35
                                    

Irish

Dahil sunday ngayon sinundo na ko ni Zancho sa bahay at papunta na kami sa condo niya. Ang dami pa nga ng habilin ni tita kagabi. Basta daw every weekend bibisita kami sakanila then sa amin din.

Pagdating namin tinulungan naman ako ni Zancho buhatin yung mga gamit ko. Isang bag lang kasi yung dala niya e ako isang shoulder bag tapos yung laptop ko pa tska yung isang bag ng mga damit ko.

"Dyosa ng buhay ko yung kwarto sa kaliwa yun yung kwarto mo."

"Okay bae."

"Pagkatapos mo mag-ayos sa restaurant na lang tayo mag dinner."

"Mag grocery na lang tayo. Ako magluluto."

"Hala! Marunong ka ba magluto?"

"Oo naman! Nagpaturo ako nuon kay manang Celia."

"Okay ikaw bahala. Antayin na lang kita dito sa sala."

Tumango na lang ako. Akala niya hindi ako marunong magluto. Bago mamatay si Jerome pinagluluto ko siya ng paborito niya. Dahil bestfriend ko si Zancho ipagluluto ko din siya.

Yung mga bagay na hindi ko na ginagawa simula ng mamatay si Jerome ngayon nagagawa ko na uli. At lahat ng yan ay dahil sa iisang tao. Si Zancho.

"Let's go bae. Bili na tayo ng pang one month natin."

"Okay ikaw ang boss!"

"Anong gusto mong kainin for dinner?"

"Uhhmm....pwede bang chicken adobo?"

"Osige basta ikaw maghuhugas mamaya."

"Keribels ko yan!"

Kwentuhan lang kami hanggang sa makarating kami sa supermarket. Siya yung humihila ng cart namin ako yung kumukuha ng kailangan namin.

Nagtatalo pa kami kung kukuha kami ng gulay. Hindi daw kasi siya kumakain ng gulay.

"Bae fish na lang tska pork and chicken."

"Bae kailangan healthy foods din kainin natin."

"Basta ikaw lang kakaen."

"E kung sapakin kaya kita ngayon din! Sa ayaw at sa gusto mo kakaen ka ng gulay."

Nakasimangot lang siya wala na din naman siya magagawa kasi ako ang boss.

Nakapila na kami ngayon sa counter para bayaran lahat ng pinamili namin. Napansin ko lang kanina pa siya nakikipagtitigan dun sa babae na nakapila din. Maganda ito kahit morena at sexy pa pero syempre MAS pa rin ako.

"Zancho yung mata mo nga tusukin ko yan e."

"Ang taray mo bae."

"Ewan ko sayo!"

"Tsk. Wag kana mainis mag smile kana."

"Ikaw kasi e."

"Sorry na bae. Ngingiti na yan ihhhhh."

"Hahaha leche ka talaga Zancho! Ayusin mo na next na tayo."

Minsan nakakainis siya pero madalas nakakatuwa siya. Nung nabayaran na ni Zancho umuwi na kami at magluluto pa ko ng paborito niya.

"Bae manuod ka na lang muna ng tv dyan tawagin nalang kita pag nakahain na ko."

"Okay bae."

Sinimulan ko na ang pagluluto. Nagsalang na din ako ng kanin sa rice cooker. Sabi sakin ni tita ang alam lang gawin ni Zancho ay kumaen matulog at maglagalag. Kaya ako ang magluluto para samin wala kasi siyang silbi hahaha.

"Bae halika na kaen na tayo."

Sumunod naman siya ay naupo na sinandukan ko na siya ng rice at ng ulam bago ko sandukan yung plato ko. Inantay ko muna na sumubo siya at tinignan ko kung anong reaksyon niya sa luto ko. Napapangiti ako kasi ang cute niya ngumuya.

"So how's the food?"

Nag thumbs up lang siya saken at super smile. Grabe wala man lang siyang sinabi busy pa rin siya sa pagkaen niya. Leche to hindi na ko inimik hanggang sa matapos na kami kumaen.

"Bae super sarap ng adobo mo. Bukod sa adobo ni mama yung adobo mo na yung paborito ko."

"Talaga lang ha?! Sarap na sarap ka nga e hindi mo nga ko pinapansin e."

"Sorry bae nag focus kasi ako sa pagkaen hahahaha. Pahinga ka na muna dun at maghuhugas lang ako."

"Sige shower na muna ko."

"Owkidowki!"

Nag shower na muna ko medyo natagalan ako alam niyo na some rituals. Nanunuod lang si Zancho kaya tinabihan ko siya sa sofa.

"Ako naman mag sshower."

"Sige pagtapos mo movie marathon tayo."

"Sige pili kana ng papanuorin natin."

"Etong insidious 2 na lang."

"Bae gabi na iba na lang. Yung detective conan na lang."

"Leche ka ang corny mo! Ayoko nun."

"E ayoko din niyan e."

"Takot ka lang e."

"Tsk. Oo duwag ako e! Ayoko ng horror! Kaya please iba na lang."

"Gusto ko to. Kaya ito papanuorin natin. Dali mag shower ka na."

=____= Ganyan yung mukha niya nung pumasok na siya sa cr. Saglit lang siya nag shower 30minutes lang samantalang ako isang oras inaabot ko.

Tahimik lang siya sa tabi ko habang nanunuod kami. Kapag intense na yung eksena nagtatakip siya ng mata duwag talaga leche!

Malapit na matapos pagtingin ko sa katabi ko tulog na kaya pinatay ko na. Ang cute ni Zancho matulog ang sarap niya titigan. Kung naging lalaki lang siguro siya malamang na inlove na ko sakanya kasi gwapo mabait maalaga at masarap siya kasama. Pero babae siya kaya malabong ma inlove ako sakanya.

"Bae gising."

"Uhhmmm."

"Dun ka na sa kwarto mo matulog."

"Tapos na?"

"Hindi ko tinapos. Tinulugan moko e."

"Sige tara tulog na bae. Goodnight."

Tumayo na siya at hinalikan niya ko sa forehead bago siya pumasok sa kwarto niya.

Ang init ng pakiramdam ko. Ngayon niya lang kasi ako hinalikan sa nuo lagi kasing beso ang ginagawa niya. Ipinilig ko na lang yung ulo ko at pumasok na rin sa kwarto ko.

------------------------

A/N: Gusto niyo na ba magka BS sila Zancho at Irish? Vote-Comment lang po. Thanks.

-Jujuming.

I'm Inlove With That Bitch (GirlxGirl)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora