Ch. 52

10.7K 238 6
                                    

A/N: Eto na yung update ko. Patawarin niyo ko ngayon ko lang naisipan hahahaha. Nais ko lang magpasalamat sa lahat ng mga sumuporta sa story kong ito. Sa mga naging kaibigan ko dito na lagi kong  nakakausap MARAMING SALAMAT. Sa lahat ng nag vote. Nag comment. Sa mga kinilig. Sa mga sumuporta sa loveteam ni Zancho at Irish MARAMING MARAMING SALAMAT. Hindi ko na iisa-isahin ang dami kasi basta loves na loves ko kayo. Dun pala sa nanghihingi ng number ko #5 hahahaha. Ibibigay ko din sayo sa takdang panahon yung fb ko alam mo na andun yun hahaha. Osiya masyado ng mahaba ayoko na paikliin pa hahaha. Sana magustuhan niyo vote-comment lang kayo pwede niyo din ako i-message magkumustahan tayo dun hahaha. Salamat. Enjoy!


-Ju.

-----------------------------------

Irish







Nasaan na ang pangako mo








Nuong sinusuyo ako








Anong tamis anong lambing








Binibigkas ng labi mo







Magkahalong saya at lungkot ang nararamdaman ko ngayong oras na ito. Masaya ako dahil naka graduate na din ako at kasama ko ngayon ang parents ko. Malungkot dahil wala siya sa tabi ko. Kahit papaano unti-unti ko ng nabubuo yung sarili ko. Syempre andito pa rin yung sakit at unti-unti na rin itong naghihilom. Darating ulit ang oras na handa ulit akong sumugal sa ngalan ng pag-ibig. Sana tuparin niya ang sinabi niya sa akin na pagbalik ko mahal na mahal niya pa rin ako. Dahil ako siya pa rin ang mahal na mahala ko wala ng iba pa.








"Princess hind ka namin masasamahan ng mommy mo sa bakasyon mo."







"It's okay dad. Alam ko naman po na busy kayo sa  business natin kaya ako na lang po mag-isa.....kailangan ko din naman pong mapag-isa..kailangan ko pong hanapin ang sarili ko."






"Tumawag pala kanina sa akin si tita Zandra mo..congratulations daw hindi daw sila makakapunta ngayon sa party mo kaya tumawag na lang sa akin."





Nginitian ko lang si mommy at inasikaso ko na yung mga bisita ko. Wala naman akong sama ng loob sa pamilya ni Zancho after all naging mabuti sila sa akin at isa pa labas sila sa hindi magandang nangyari sa amin ng anak nila. May communication pa rin naman kami nila tita kaya alam ko pa rin ang nangyayari sakanila. Iniiwasan nga lang nilang isama sa usapan si Zancho.






"Congratulations hija."








"Thanks auntie Ynna ^___^"








"So what's your plan Irish hija?"








"Uhm pinag iisipan ko pa po auntie."






Sa totoo lang wala pa akong plano. Ang sabi ni dad ittrain niya na ako sa company namin. E ano naman alam ko sa negosyo? Tourism nga yung course ko e.




Wala akong ibang ginawa kundi asikasuhin lahat ng bisita. Ang sabi ko naman kasi kila mommy simpleng graduation party lang yung kami kami lang ng pamilya. Kaso pati yung mga business partners ni dad andito maging ang mga kapwa abogado ni mommy. Yung totoo sila yung may party? Wala na rin naman akong nagawa dahil mapilit sila sa party na ito.






Hindi maalis sa isip ko kung ano na ba ang pinag gagawa no Zancho. Sana man lang kahit simpleng congratulations sinabi niya sa akin. Napaka masunuring nilalang niya kasi sinunod niya yung gusto ko.







Siguro kung hindi kami nagkaroon ng confrontation sa bar malamang hanggang ngayon patapon ako. Hindi ko na kasi naisip pa ang mga kahihinatnan ng mga pinag gagawa ko kaya naman hindi ko na inisip ang sarili ko dahil manhid na kasi ako sa sakit. Ganun pala talaga iyon. Pag nasaktan ka ng paulit-ulit magiging manhid ka na sa lahat ng sakit sa puso mo.







"Penny for your thoughts."





Yung pinsan kong si Irvin. Ahead ako sakanya ng dalawang taon hindi kami madalas magkita pag may mga ganitong pagdiriwang lang talaga nagtatagpo ang landas namin.






"Hey."








"Ang lalim naman ng iniisip mo..baka malunod ka niyan."







"Sasagipin mo naman ako diba?"






Umupo siya sa tabi ko at ngumiti sa akin ng bahagya.






"Depende kung gaano kalalim na yung nalangoy mo."







"Nagmahal ka na ba?"








"Ate Irish naman anong tingin mo sakin walang puso.".




Hindi ko maiwasang matawa sa inakto ng pinsan ko.






"Hindi naman sa ganun. Alam ko kasing hindi ka nagseseryoso sa mga naging girlfriends mo."






Bigla siyang natahimik at seryosong tumingin sa akin. Ngayon ko lang nakitaan ng pagiging seryoso tong bakulaw kong pinsan. Napaka alaskador kasi nito at hindi marunong magseryoso sa buhay.






"Alam mo ate minsan na akong nasaktan dahil nagmahal ako ng tunay."







WHOGOAT! Hindi ko akalain na may malalim pa lang pinaghuhugutan ang pinsan ko.





"Bakit hindi ko yun alam?"








Ibinaling na niya ang tingin sa kalangitan at mapait siyang ngumiti.






"Hindi ko na ipinaalam dahil masyadong masakit.....akala ko siya na pero hindi pa pala."







"Napaka bata mo pa Irvin--"










"Ate para sa inyo bata ako. Pero alam ko na ang tama sa mali....sakanya umikot ang mundo ko....alam mo ba yung feeling ate na gigising ka ng umaga na siya ang dahilan..yung feeling na siya yung bumubuo sa araw-araw mo."







"Naiintindihan kita..nararamdaman ko yung sakit kasi naranasan ko din yan. Pero sinaktan lang ako ng taong mahal ko."







"Hindi niya ko sinaktan ate....ang pagkakaton ang nanakit sa akin.








"(-____-)? Anong ibig mong sabihin?"








"Kinuha na ang pinakamamahal ko...hindi man lang ako binigyan ng pagkakataon kahit saglit lang.....kaunting oras at panahon lang ang hiniling ko pero hindi ako binigyan ng pagkakataon."





Hindi ko inaasahan na iiyak ang pinsan ko dahil alam kong kolokoy talaga siya. May malalim pala siyang sakit na nararamdaman pero kahit kelan hindi namin nalaman iyon.






"I'm sorry to hear that Irvin."








"Okay lang ate.....kaya ikaw wag mong sayangin ang pagkakataon..mabilis lumipas ang oras kaya pahalagahan mo na kung anong meron ka mahirap makipaglaban sa pagkakataon dahil malamang ikaw ang matatalo....sige ate party party muna ko sa loob."





Naiwan akong mag-isa may point ang pinsan ko. Marami na ring nasayang na pagkakataon sa amin ni Zancho. Siguro nga kailangan ko na rin harapin siyang muli dahil ayoko ng masayang pa ang pagkakataon dahil baka mahuli na naman ako.

I'm Inlove With That Bitch (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon