Ch. 41

9.8K 223 4
                                    

A/N: Yea baby! Let's get it on haha. Dahil sa linggo na ang birthday ko ito na muna ang ibibigay kong update sa inyo mga bae. Medyo magiging busy lang kasi ako ng konti pero I will update once in awhile pag nakaluwag ako. Ano sa tingin niyo ang gagawin ni Zancho? Vote-comment lang mga bae. Maraming salamat.

-Jujipets.

--------------------------------------

Zancho


Dahil sa monday pa ako papasok mag-isa na naman ako dito sa condo. Nakakainip na kaya tinawagan ko si Irish para magpaalam na lalabas muna ako.

Sa unang pagbanggit ko pa lang katakot takot na 'HINDI' na naman ang natanggap ko sa kabilang linya. Tatlong araw na akong nabuburyo dito sa condo kaya gusto ko lumabas at makakita ng tao at makalanghap ng polusyon.

Pero mapilit talaga ako kaya naman napapayag ko ulit siya sa ikalawang pagkakataon. Alternation ang pagpapaalam ko kasi ayoko naman bumulusok si Irish kaya baka sa sunod na bukas naman ako lumabas pero siguro kasama ko na siya kasi saturday na nun.

Katulad nung isang araw nagliwaliw lang ako sa mall. Kaya lang may nakakilala na naman sa akin.

"Zancho? Hi kumusta ka na?"

(-_____-)? Ganyan lang yung mukha ko dahil hindi ko siya maalala.

O________O Pero naging ganito yung mukha ko ng lumapat na yung labi niya sa labi ko. Anong nangyayari? Bakit niya ko hinalikan? At sa maraming tao pa talaga. Sino ba tong babaeng to? Nakuu naman baka malaman pa to ni Irish ayokong lokohin siya.

"Zancho I love you so much."


"W-wait miss. I-I don't know you."


"What the fvck! Lagi mo na lang akong sinasaktan pero ganun pa man mahal na mahal kita. Bakit ba hindi mo makita ang halaga ko?!"

Pakshet! Umiiyak siya at ayokong nakakakita ng babaeng umiiyak nadudurog ang puso ko kaya niyakap ko na lang siya. Wala na akong pakialam sa mga matang nakatingin sa amin.

"Ssshh......wag ka na umiyak..sorry hindi talaga kita maalala naaksidente kasi ako."

Bigla naman siyang kumalas sa pagkakayakap ko at mariin akong tinignan sa mata.

"So.....m-may amnesia ka?"

Napatango na lang ako sa sinabi niya dahil yun naman talaga ang totoo. Ang sabi nila saakin wag ko daw pilitin alalahanin ang lahat dahil kusa naman daw magbabalik ang alaala ko.

"*sigh* ako si Ariele..Ariele Mondejar. Ang bestfriend mo slash ex girlfriend."

Shock! As in S-H-O-C-K-S! EX GIRLFRIEND KO ANG MAGANDANG BABAENG ITO?! Ganito ba ako ka swerte sa buhay pag-ibig? Napapalibutan ako ng mga nag gagandahang nilalang pero kahit ganun pa man wala pa ring papantay sa kagandahang taglay ni Irish.


Dahil nga sa pagkagulat ko hinila na lang ako ni Ariele hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin. Ginawa niya akong bata at siya ang nanay ko dahil karay karay niya ako.

"Ahm Ariele saan tayo pupunta?"


"Dyan lang sa tabi-tabi gusto ko kasing masolo kita."


"Ariele kasi hindi ako pwedeng magtagal dahil hahanapin ako ni Irish."


"Saglit lang tayo. Gusto ko lang talaga na makasama kita at gusto kong malaman mo na sobrang mahal kita."


"P-pero kasi may girlfriend na ako."


"Alam ko.......handa ako Zancho..handa akong maging kahati ni Irish sa pagmamahal mo please pagbigyan mo naman ako. Please I'm begging you."

Ano bang pinagsasabi niya? Bakit niya nililimos ang pag-ibig ko? Sa angkin niyang ganda panigurado akong maraming umaasam na maangkin siya pero bakit sa akin pa siya nagmamakaawa?


"Ariele I can't."



"Please Zancho please......hayaan mo lang akong mahalin ka. Please."


Lumuluha na naman siya. Ano bang gagawin ko? Ayokong lokohin si Irish.

Mas masasaktan ko siya pag niloko ko siya. Ayoko din naman makasakit ng damdamin ng ibang tao. AYOKO NA NAHIHIRAPAN AKO. GULO TONG PAPASUKIN KO. ANO BANG GAGAWIN KO? NAKAKAIYAK NAMAN TO.

I'm Inlove With That Bitch (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon