Ch. 20

18.1K 386 21
                                    

A/N: Para sa inyo ang chapter na ito dahil sa pagsuporta niyo sa storyang ito lovelots. Thanks. @MhayeanneElpaladuaza at @zmochi3

-Jujuming.

----------------------

Irish

Dahil sa ginawa ni Zancho nag trending agad iyon. Alam na rin ng mga studyante ang tungkol sa amin at wala akong pakialam sakanila. Si Zancho lang ang mahalaga sa akin.

Sa mall na kami kumaen ng lunch at nag grocery dahil paubos na yung stocks namin sa ref. Dahil sa bagong itsura ni Zancho marami ang napapatingin sakanya lalo na yung mga babae. Nakakainis hindi ba nila nakita na andito yung girlfriend?!

"Bae bakit ba nagpagupit ka?"

"Hindi ba bagay sakin bae?"

"Bagay! Kaso andami naman tumitingin sayo. Hmp! Naiinis ako."

"Naku naman. Gwapings kasi yung kasintahan mo bae."

"Ewan! Basta naiinis ako."

Huminto ako sa paglakad dahil kumanta siya bigla.

"Sampung mga daliri. Nawala ang lima..."

Dahan dahan niyang hinawakan yung kaliwang kamay ko ginaya niya yung ginawa ni Xian Lim sa the Reunion. Ang galing niya talaga magpakilig.

"Hinanap ko hinanap ko nasayo pala."

Ni-lock niya yung kamay niya sa kamay ko at hinalikan niya yung kamay ko. Yung mga nasa paligid namin nakatingin pa rin. Well maiinggit sila. Sweet yung bae ko.

"Bae wag ka na mainis mag smile ka na. Dalinaaa."

"Oo na po. Tara na nga para makauwi na tayo agad."

"Ako ay pinagpala natagpuan ko na ang hinahanap kong dalaga. Ikaw ang dyosa ng buhay ko. Wag kang magtaka kung bakit mahal kita dahil sakanila ay ibang iba ka."

Shit! Kinikilig akoo! Tunaw na tunaw na ko sakanya. Hindi talaga siya pumapalya sa pagpapakilig sa akin. Wala na kong mahihiling pa ang swerte ko sakanya. I have a best friend. Best partner. Best lover and SHE'S MY BETTER HALF.

Kaya ngayon nakakaramdam na ko ng takot na hindi ko naman naramdaman simula nuon dahil isa nga akong matapang at palaban pero ng dumating si Zancho takot na ako na mawala siya sakin at iwan ako. Hindi ko kakayanin pag ganun.

"I love you bae. I love you to the nth power!"

"Mas mahal kita Irish Salazar."

"Wag mo kong iiwan Zarell Ochoco."

"Hinding hindi. Halika na nga at pumila na tayo sa counter para makauwi na tayo alam kong pagod ka."

Magkahawak pa rin kami ng kamay hanggang sa makauwi na kami sa condo. Ipinagluto ko lang siya ng caldereta nag crave kasi ako bigla.

Magshower na dapat ako kaya lang pinigilan ako ni Zancho at alam kong may ginugusto na naman siya pero hindi ako dapat matutukso. Ayoko naman sanayin si Zancho sa mga ganyang bagay baka kasi bigla na lang siya magsawa sakin dapat manabik pa rin siya sa alindog ko.

"Bae wala ako sa mood ngayon. Next time na lang."

"Pero diba bae sabi mo ikaw ang bahala sakin sa gabi-gabi?"

"Oo nga. E diba nga nilimliman naman kita kagabi. So next time naman. Shower na ko ha?"

Dumirecho na ko sa cr at ni-lock ko ito kaya wala naman na siyang nagawa. Isang oras akong nagbabad kaya paglabas ko wala si Zancho sa sala. Nagbihis muna ko sa kwarto ko atsaka ko pinuntahan ang kwarto niya.

Andun nga siya nakahiga na sa kam niya. Ayy nakow nagtampo ang bae ko. Dahan dahan akong lumapit sakanya at tinabihan ko na siya. Niyakap ko siya ng sobrang higpit kasi nakatalikod siya sa akin.

"Bae....uyy wag ka na magtampo."

Humarap na siya sakin at tinitigan ako sa mga mata ko.

"Sorry. Hindi kita pipilitin sa mga bagay na ayaw mo. Matulog na tayo goodnight."

Hinalikan niya ko sa forehead pero hindi ko matanggap parang sumakit yung puso ko may kulang kasi sa sinabi niya.

"Bakit ganyan ka magsalita?"

"Trip ko lang."

"Nakakainis ka! Bakit kulang?!"

"Anong kulang?"

Tinalikuran ko siya. Hindi ko lang siya pinagbigyan mag sex ngayon tapos ganyan na siya. Hindi man lang niya sinabi na 'goodnight bae iloveyou.' Nayayamot ako sakanya.

"Gabi na ang sungit mo pa rin. Harap ka nga sakin."

Hindi ko siya pinapansin manigas siya diyan.

"Uyy bae ano bang problema mo? Hindi na nga ako mangungulit sayo e. Harap ka na kasi."

Dedma pa rin ako sakanya.

"Tsk. Sorry kung ano man yung nagawa ko na nagpainit na naman ng ulo mo."

Tumayo siya at akmang lalabas ng kwarto nang magsalita ako.

"Sige lumabas ka galitin mo pa ko lalo!"

Pero lumabas pa rin siya kaya bumangon na ko para sundan siya. Paglabas ko palapit naman siya sakin at binigyan ako ng limang itlog kaya inabot ko na ito mula sakanya.

"Leche ka Zancho! Kakasagot ko pa lang sayo tapos ginagalit mo na ko."

Binato ko siya ng itlog sapul sa mukha.

"Hindi ka man lang nagsabi ng iloveyou sakin gago ka!"

Binato ko ulit siya sa mukha.

"Tapos hindi mo rin ako tinawag na bae!"

At binato ko pa ulit sa mukha nanaman.

"Hindi lang kita pinagbigyan tapos nagtampo ka na agad!"

Sa ikaapat na pagkakataon binato ko ulit siya sa mukha. Trip ko kasi puntiryahin yung mukha niya. Masyado akong nahuhumaling sa mukha niya.

"Okay ka na ba?"

Tumango lang ako sakanya at niyakap ko siya ng sobrang higpit.

"May isa pang natirang itlog. Bat di mo pa binato yan sakin?"

"Tama na yung apat na beses. Masakit ba?"

"Oo tinarget mo yung gwapings kong mukha e. Shower lang ako punasan mo na rin sarili mo bae. Tapos sunod na ko sa kwarto after ko mag shower."

Sinunod ko na lang siya. Ilang minuto lang ang itinagal niya sa cr at tumabi na ulit siya sakin.

"Sorry bae. Mahal kita kahit ang sungit mo. Mahal kita kahit ang taray mo. Mahal kita kahit ang selosa mo. Mahal kita kahit ang brutal mo. Mahal kita ikaw lang Irish."

"Mahal na mahal na mahal kita Zancho ng buhay ko."

Lahat ng inis at tampo ko sakanya kanina nawala lahat. MAHAL NIYA KASI AKO.

I'm Inlove With That Bitch (GirlxGirl)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें