Ch. 30

11.7K 243 1
                                    

Irish

Second day na namin dito sa Bicol at sobrang namimiss ko na si bae. May mga lalaking nagpapapansin sakin pero dedma lang. Sorry sila taken na ko at mahal na mahal ko si Zancho.

Naglalakad lakad lang ako dahil nakakasawa rin naman kasi yung mga kasama ko. Napahinto lang ako nung may pumukaw sa atensyon ko. Hindi ko na sana papansinin pa kaya lang makulit siya.

"Hi miss."

Tinitigan ko lang siya. Sabi ni mommy don't talk to strangers.

"Ako nga pala si Antone. Ikaw anong pangalan mo?"

Hindi pa rin ako nagsasalita baka kasi masamang tao to mahirap na.

"Hindi ako masamang tao kung yan ang iniisip mo."

"Kailangan ko ng umalis."

"Manileña ka noh?"

"Oo."

"Gusto mo bang ikuha kita ng buko? Masarap ang buko dito."

"Hindi na salamat na lang."

"E pili gusto mo? O kaya naman tam-is."

"Wag ka na mag-abala pa."

"Pasensya ka na kung nakukulitan ka na sa akin. Gusto lang naman kita maging kaibigan."

"Hindi ako nakikipag kaibigan kahit kanino."

"Ayy bakit naman?"

"Dahil nadala na ko makipag kaibigan."

"Bakit hindi mo subukan muli na magtiwala?"

"Dalawang tao lang ang pinagkakatiwalaan ko maliban sa parents ko."

"Maari ko bang malaman kung sino?"

Mataman ko siyang tinignan sa mata at nakita ko ang sinseredad mula ruon.

"Ang bestfriend ko pero namatay na siya. At ang taong mahal ko na totoong nagmamahal sakin."

"May kasintahan ka na?"

"Oo."

"Kaswerte naman ng iyong kasintahan. Bihira lang ang mga babaeng kagaya mo."

"Ako ang ma swerte sakanya dahil sa kabila ng mga kamalian ko tinanggap niya pa rin ako ng buong puso."

"Hangad ko ang iyong kaligayahan kaibigan."

Nag smile siya sa akin ng buong puso kaya ginantihan ko din siya ng isang matamis na ngiti.

"Lika na hatid na kita. Palubog na ang araw maghahapunan na."

Tinignan ko yung wrist watch ko 5pm pa lang naman ang aga pa.

"Maaga pa naman."

"Ayy ganto talaga dito maagang kumakaen ng hapunan at lahat ng mga tao ay namamalagi na lang sakanilang mga tahanan."

Masyado siyang matatas magsalita ng tagalog. Alam kong sinusubukan niya mag tagalog para magkaintindihan kami dahil habang nagsasalita siya may punto pa rin.

"Tiga saan ka ba?"

"Ayy duon pa ako sa kabilang ibayo. Napadako lang ako dito dahil inutusan ako ni mama na magpunta sa ante ko para ibigay yung tuwad tuwad at lawlaw."

(-_____-)? Wtf! Anu yun? Ambastos! Pagkaen ba yun?

"A-ano yun?"

"Ahh yung tuwad tuwad yun yung may shell na pagkain. Tapos yung lawlaw isda yun."

Pwe! Yun pala yun kakaiba naman kasi mga pangalan dito langya!

"Ahh. Yun pala yun."

Nag-uusap pa rin kami habang naglalakad pabalik sa tinutuluyan ko.

"Sino nga mga kasama mo?"

"Yung mga classmates ko pati yung prof namin."

"Hanggang kailan naman kayo dito?"

"Hanggang saturday."

"Ayy kadali naman ng inyong bakasyon. Alam mo bang masaya dito pag Mayo dahil pyesta dito. Isang linggo nga yung kasiyahan dito."

"Talaga?"

Hindi pa ako nakakapunta sa mga pyestahan kaya hindi ko alam kung masaya nga yun.

"Ayy oo masaya dito pag pyesta.

Nakarating na kami ang bait niya dahil ang tyaga niyang kausapin ako kahit na hindi ko siya pinapansin kanina.

"Sige dito na ko. Maraming salamat ha."

"Walang anuman yun kaibigan. Sige mauna na ako hanggang sa muli."

"Irish. Irish ang pangalan ko. Bye ingat ka!"

Nag smile siya ulit sa akin at kumakaway pa siya habang naglalakad ng patalikod.

Pagpasok ko inaantay na pala nila ako. Napasarap pala yung pag-uusap namin ni Antone. Dumulog na ako sakanila at kumaen.

Natapos yung dinner namin at puro kwentuhan pa rin silang lahat. Minabuti ko na lang na tawagan si bae para ibalita sakanya yung mga nangyari sa akin ngayong araw na ito.

Ringgg....

"Ang gwapings na nilalang na inyong tinatawagan ay busy kakaisip sa isang magandang dyosa."

Napangiti ako dahil pinapakilig na naman niya ko.

"Yung magandang dyosa ba na iniisip mo Irish ang pangalan?"

"Tumpak! Paano mo nalaman?"

"Hmm? Nahulaan ko."

"Binibini kung kilala mo ang dyosang tinutukoy ko maari bang ipaalam mo sakanya na mahal ko siya at sobrang miss ko na siya."

"Makakarating. Pinapasabi ni mahak ka din niya at miss na miss ka na niya."

"Pakisabi kinikilig ako."

"Haha. Baliw ka talaga bae."

"Baliw na baliw sayo bae."

"Yiie i love you. Nasaan ka?"

"I love you too bae. Andito ako sa condo kasama sila Dom at Xylene pati yung tatlo pa naming classmates. Nagawa kami ng presentation."

"Ilan yung babae dyan maliban kay Xylene?"

"Dalawa bae."

"Mag behave ka dyan."

"Behave lang naman ako dito. Ayy bae maya na lang tawag ako kasi binabato na ko ng mga walangya dito."

"Okay tawagan mo ko ha? Kumaen ka na dyan wag lalandi. I love you."

"Opo bae. Pagbalik mo dito mahal pa din kita bye."

Ibinaba na niya yung tawag kaya nagpahinga na muna ako. Gusto ko na umuwi para mayakap at makapiling ko na si bae.

---------------------------

A/N: Nagustuhan niyo ba? Vote-Comment na lang po thanks.

-Jujupets.

I'm Inlove With That Bitch (GirlxGirl)Where stories live. Discover now