Ch. 36

11.1K 246 17
                                    

A/N: Yey! Ipapahanda ko na ang piging happy 3.33k mga bae. Hindi ko in-expect na magugustuhan niyo ang ginawa kong story. Maraming salamat sa suporta niyo. Lalo na kila @Riennce @Hey_Yow @weeeee223 @trixiermz sa umaapaw na votes at sa mga comments na labis kong ikinatutuwa. Salamat din kila @Zmochi3 @MhayeanneElpaladuaza @FantasyLover1499 pati na din sa mga nag add ng story ko sa reading list nila THANK YOU VERY MUCH FROM THE BOTTOM OF MY HYPOTHALAMUS. LOVE YOU GUYS. POV na ngayon ni Zancho sorry sa mga nabitin kagabi eto na po pambawi pero yung next next chapter maya naman gabi. May date ako ngayon sa ex boyfriend ko e kaya chix na naman ako ngayon haha. Sana magustuhan niyo lovelots.

-Jujupets.

----------------------------------

Zancho


Nagising ako na parang may nakadampi na malambot na bagay sa labi ko pagmulat ko isang babae. Isang magandang babae ang humahalik sa akin. Dahil na rin sa kakaibang pakiramdam ko gumanti na rin ako ng halik sakanya para makabawi na rin sa kapangahasang ginawa niya sa akin.

Nung maramdaman niya na gumaganti na ko ng halik iminulat na niya yung mata niya at gulat na gulat akong tinitigan sa aking mga mata.

Ilang sandali rin ang namayaning katahimikan sa amin bago siya nakapagsalita.


"Bae?"

Anong sinabi niya? Hindi maproseso ng utak ko. Anong bae? (-_____-)? Mura ba yun?


"W-who a-are y-you?"

Nagawa ko pa ring sabihin yan kahit nanghihina pa ako. Ngayon ko lang naramdaman at ininda ang sakit ng buo kong katawan. Para akong nakipag laban ng suntukan kay Manny Pacquiao bugbog na bugbog yung katawan ko at para akong isang nalantang gulay.


"Ako ang girlfriend mo."


Girlfriend? As in NOBYA? KASINTAHAN? NILOLOKO NIYA BA KO? May sapak ata ang ulo niya.

Ilang saglit pa at may pumasok na isang babae at lalaki at dali dali silang tumakbo palapit sakin para yakapin. Sila daw ang mga magulang ko pero bakit hindi ko sila maalala?

Pakiramdam ko isa akong nawawalang bata. Wala akong matandaan isa man sa mga kaharap ko. Puro lang kwento sa akin etong papa ko daw. Todo asikaso naman sa akin yung mama ko at yung girlfriend ko?

Pinipilit pa ako ni mama na ubusin ko daw yung pagkaen pero busog talaga ako. Kaya lang kinuha naman nung girlfiend ko yung pagkaen at hinimay himay iyon kaya malaya akong tinignan siya.

Maganda siya. Seryoso ba na girlfriend ko talaga siya? So lalaki pala ako dati? Ano ba naguguluhan na ko. Paano ko naging girlfriend ang isang maganda at kaakit akit na babaeng ito.

Natigilan lang ako sa pag-iisip ng bigla siyang magsalita at ngumiti sa akin. Biglang bumilis yung pagtibok ng puso ko. Parang kilalang kilala na siya ng puso ko pero hindi naman maalala ng utak ko.

Maya-maya may pumasok na naman na isang babae at isang lalaki sa tingin ko ka edad ko lang sila. Yung lalaki naka wheel chair pa kaya itinulak na siya palapit sa akin ng babaeng kasama niya. Mahigpit niya akong niyakap at umiiyak siya. Bading ba to?

Siya daw ang bestfriend ko. Paano ako nagka bestfriend na katulad niya? Ang pangit niya umiyak. Yung babae naman nagpakilala rin sa akin bestfriend ko din daw siya.

Ilang oras din sila namalagi dito at puro lang sila kwentuhan. Napag alaman ko din na naaksidente pala kami nung bestfriend ko daw na si Domeng kaya andito kami sa hospital.


Kung mahahalagang tao sila sa buhay ko bakit ni katiting na alaala kasama sila wala akong matandaan. Pakiramdam ko wala akong silbi bakit nakalimutan ko ang mga taong sobrang halaga sa akin.


Sa dami ng iniisip ko at sa sobrang lalim napagod na ako kaya minabuti ko ng magpahinga at matulog. Hinalikan naman ako nila mama at papa sa pisngi ko. Yung girlfriend ko naman hinalikan din ako sa forehead at sinabing.


"Goodnight bae pag gising mo bukas mahal pa rin kita."

At hinahaplos niya lang yung buhok ko. Itong simpleng paraan na ginagawa niya ay nagdudulot ng kakaibang saya sa buong sistema ko.  Ramdam ko sa bawat haplos niya sakin yung pagmamahal niya. Hanggang sa nakatulog na nga ako.

Umaga na ng magising ako at ang bumungad sa akin ay yung mama at papa ko. May hinahanap yung mga mata ko pero hindi ko siya makita. Nasaan siya.

"Goodmorning anak. ^____^ gusto mo na bang kumaen? Ipinagluto kita ng paborito mo."

"Ahm mamaya na lang po."

"Zancho anak sabi ng kuya Zedrick mo maari ka ng makalabas next week."

Masayang sabi sa akin ng papa ko. Parang kulang yung araw ko bakit wala siya?

"Anak si Irish nga pala ay pumasok na pero mamaya didirecho na yun dito."

Sabi naman ni mama habang inaayos yung breakfast ko.

"Ma? Uhm......to-totoo po ba na girlfriend ko siya?"

"Oo Zarell girlfriend mo si Irish."

"Ang ganda ng girlfriend mo anak nuh? Ang galing mo pumili mana ka talaga sakin. Ikaw talaga yung matinik kong sperm cell."

Pagkasabi nun ni papa kinurot naman siya ni mama natatawa ako sakanila. So kung ganun tanggap nila ang naging relasyon namin.

"Sorry po kung hindi ko kayo maalala.....pakiramdam ko po isa po akong batang sanggol na walang alam sa mundo."

Nakayuko kong sabi sakanila. Nahihiya kasi ako bakit kasi hindi ko maalala kung sino sila sa buhay ko? Miski nga pangalan ko hindi ko rin maalala wala akong silbi!

Niyakap naman nila ko pareho at ramdam ko din yung pagmamahal nila sa akin.

"Anak wag mong pilitin alalahanin ang lahat. Step by step process...darating din yung time na magbabalik na yung alaala mo kaya wag mo madaliin ha?"

"Tama ang mama mo anak. Andito lang naman kami palagi para sayo...mahal na mahal ka namin anak pati na ang mga kuya mo. Hayaan mo lang na kusang bumalik ang alaala mo kaya wag ka na mag isip ng kung ano ano."

Tumango naman ako sakanila. Hanggang kailan kaya ito? Sinasabi ng puso ko na kilala ko silang lahat sana pati tong lecheng utak ko maalala din sila. Maalala sana ng utak ko yung mga mahalagang tao na kinalimutan niya.

I'm Inlove With That Bitch (GirlxGirl)Where stories live. Discover now