Ch. 6

22K 457 16
                                    

Irish

Hindi lahat ng bagay nabibili ng pera. Yung oras at pagmamahal yun ang kailangan ko. Yes I always get what I want. I have money. Looks. Boyfriends and supportive parents. Nasa akin na nga ang lahat pero may kulang pa rin sa buhay ko.

Lagi akong laman ng mga bar. Lahat ng lalaking kindatan ko nahuhumaling na agad sakin. Katawan ko lang naman ang habol nila e. Lahat ng boyfriend ko naka make out ko na pero kahit kailan hindi nila nakuha ang V-card ko hanggang half body lang sila pag lumampas sa boundary break na agad. Ganyan ang naging takbo ng buhay ko simula ng mamatay ang bestfriend kong si Jerome. Ang bukod tanging tao na nakakaintindi sa akin. Nasangkot siya sa isang car accident. Kasabay ng pagkawala niya ang pagbabago ko.

"Baby one week kaming mawawala ng daddy mo."

Maiiwan nanaman ako. Ako nanaman mag-isa. Naiintindihan ko naman sila. Pag bumabalik naman sila nagkakaron kami ng family get together kasama ang family ni Jerome.

"Okay mom. Happy trip! I gotta go."

Nagpaalam na ko dahil nagtext na sakin si Zancho.

"Hi goodmorning."

Nakangiti niyang pagsalubong sakin. Kaya hindi ko rin napigilan ang pag ngiti.

"Let's go bae."

"Lalo kang gumaganda pag yung totoong smile yung pinapakita mo."

"Kaya dapat lagi kitang kasama.'

Hindi ko alam kung bakit yun ang nasabi ko pero nakita kong ngumiti nanaman siya. Nakaka goodvibes lang sa umaga.

"Ahm bae... Bakit ako? Bakit ako yung pinili mong maging bestfriend mo. Marami naman ang gustong makipag kaibigan sayo."

"Dahil ikaw lang ang totoo sa kanilang lahat."

Totoo naman e marami nga ang gustong makipagkaibigan sakin pero lahat sila plano lang na siraan ako. Nadala na kong makipagkaibigan pa sa mga lecheng mapagkunwari.

"E ikaw bakit ka pumayag na maging bestfriend ko?"

Inaantay ko yung sagot niya dahil busy siya sa pag park ng kotse niya hanggang sa nakababa na kami hindi pa rin siya sumasagot.

"Uyy bae sagutin mo yung tanong ko."

Tinignan niya muna ko saka siya tumigil sa paglalakad.

"*sigh* dahil alam kong kailangan mo ko. At alam kong kahit isang matapang at mataray na maskara ang pinagkukublian mo andun ang isang babaeng mahina. Isang babaeng lihim na umiiyak. Isang babaeng kailangang intindihin at yakapin."

Kakaiba talaga siya nagagawa niyang paamuhin ang mailap kong puso. Dahil sa sinabi niya hindi ko napigilang mapaluha at yakapin siya.

"Wag mo kong iwan ha bae?"

"Hindi kita iiwan. Tahan na."

Pinunasan niya yung luha ko gamit yung thumb niya. Naglakad na kami papasok ng campus hawak hawak ko yung kamay niya feeling ko kasi safe ako paghawak ko siya at andyan lang siya sa tabi ko. As usual lahat nanaman ng mata ay nakatingin pero wala akong pakialam sakanila. Hinatid niya ko hanggang sa room ko at dumirecho na siya sa building nila.

-------------------------

A/N: Sa side po si laboching Francoise Denyse Fainsan siya yung ginawa kong Irish kasi crush ko din siya. Sana magustuhan niyo yung update. Vote-comment lang po.

-Jujuming

I'm Inlove With That Bitch (GirlxGirl)Onde histórias criam vida. Descubra agora