Ch. 3

27K 543 60
                                    

Zancho

Araw-araw na namin kasama si Xylene naging close na rin naman kaming dalawa kaya umamin na ko sa kanya tungkol sa pagkatao ko. Tanggap niya kung ano ako hindi niya ko hinusgahan o pinandirihan.

"Parekoy tulo laway ka na naman sa alindog ni Irish."

"Tantanan mo nga ko Domeng ha!"

"Babe ano ba nagustuhan mo sakanya?"

Biglang tanong sakin ni Xylene habang naka sandal siya sa balikat ko.

"Lahat lahat sakanya."

"Nakow! Hayaan mo na nga lang yan Xylene. Bulag kasi yan e."

Hindi ko na lang pinansin ang sinabi ni Domeng. Masyado akong abala sa pagtanaw sa aking mahal kahit sa malayo lang. Kausap niya ngayon yung bago niyang boyfriend. Sana kahit saglit lang mapansin niya rin ako.

Ilang buwan pa ang lumipas at mas lalo kaming naging malapit ni Xylene sa isa't-isa. Nagpagupit na rin pala ko ng buhok kung dati chix na chix ako ngayon mas pogi na ko kay Domeng. Dumami na rin ang nagpapapansin sakin lalaki man o babae.

Palabas na kami ngayon ng cr ni Xylene ng aksidente kong mabunggo ang dyosang sinisinta ko.

"Shit!"

"Naku. Sorry. Sorry talaga."

"Next time pakitignan yung dinadaanan mo. Psh!"

"Sorry talaga."

Tinarayan niya lang ako. At yung abnormal kong puso lalong bumilis yung tibok. Ang saya ko lang kasi tinarayan niya ko. Whoa! Thankyou Lord.

"Buti nga nag sorry pa sayo yung babe ko e."

"So?"

"Xy tama na. Let's go."

Pero kahit pinipigilan  ko na si Xylene ayaw pa rin niya magpatinag nakipag tarayan din siya sa dyosang nasa harapan ko.

"Who do you think you are?!" - Xylene.

"Oh! You don't know me?"

"One thing I know about you. You're a bitch!" - Xylene.

"Shut the fuck up! You don't even know me. If I were you you'd better go now or else... Your dead."

Alam kong seryoso ang dyosang ito sa mga sinasabi niya. Ilang mga studyante na rin ang nagtangkang lumaban sakanya pero lahat ng mga yun ay biglang nawala. Yung iba lumipat ng school. Iba kasi magalit ang isang Jasmine Irish Salazar lahat siguro ng barubal na paraan kaya niyang gawin.

"Sorry talaga."

Pagkasabi ko nun hinila ko na si Xylene. Na stress ako ng bongga sa eksenang yun. Palaban pa naman tong si Xylene at alam kong hindi niya uurungan si Irish dahil nagmula din siya sa prominenteng angkan.

"Dapat hindi mo ko pinigilan babe."

"Tsk. Bakit mo naman kasi sinabi yun sakanya babe? Pani pag pinagtripan ka niya. Anong gagawin mo ha?!"

"I don't care."

Napalo ko na lang yung noo ko dahil super tigas din ng ulo niya.

"Antagal niyo naman mag cr. Nagugutom na ko tara na."

Tahimik na lang kaming sumunod kay Domeng. Dahil sa ginawa ni Xylene mukhang malabo na mapalapit pa ko sa babaeng nagpatibok sa pihikan kong puso. Yung love story ko mauudlot pa dahil sa kapangahasan ni Xylene.

Pagkagaling namin sa mall umuwi na rin ako sa bahay namin. Gabi pa dadating yung dalawang kuya ko kaya si mama lang maaabutan ko sa bahay.

"Hi ma. Ano po yang niluluto niyo?"

"Chicken pastel. Malapit na rin ako matapos dito kaya magbihis kana."

"May itatanong po muna ko sa inyo."

"Ano naman yun?"

"Pag pinakilala ko po ba sa inyo yung babaeng mahal ko. Tatanggapin niyo po ba siya?"

"*sigh* Babae man o lalaki ang dalhin mo dito sa bahay tatanggapin ko. Tatanggapin namin ng papa mo. Dahil dun ka magiging masaya dahil mahal ka namin kasi anak ka namin."

"Thank you ma. I love you. Sorry po alam kong disappointed kayo sakin kasi---"

Lumapit sakin si mama at niyakap niya ko.

"Sshh.. Proud kami pareho ni papa mo sayo. Kahit kailan hindi ka naging disappointment samin."

"Thank you mama."

"Sige na panhik ka na sa kwarto mo at magbihis ka na. Sa monday na pala ang uwi ni papa mo kaya agahan mo ang uwi."

Nginitian ko lang si mama at hinalikan sa pisngi saka ako umakyat papuntang kwarto ko. Maswerte ako sa mga magulang ko kahit sa una nasermunan pa nila ko atleast ngayon tanggap nila ko at sobrang mahal pa nila ko. Isa na lang talaga ang hiling ko yun ay ang mapaibig ang dyosang si Jasmine Irish Salazar.

I'm Inlove With That Bitch (GirlxGirl)Where stories live. Discover now