Ch. 39

10.9K 265 21
                                    

A/N: Eto naaaaaa. Eto naaaa rakk na! Hahaha para ito kay @Zmochi3 ang sis ko haha at sa lahat ng masugid na nag-aabang sa bawat update ko maraming salamat mga bae. Vote-Comment lang po.

-Jujupets.

------------------------------

Irish


Sa mahigit isang linggong pamamalagi ni bae dito sa hospital sa wakas makakalabas na din siya pero naka bandage pa rin yung ulo niya. Yun nga lang dun siya ulit titira sa bahay nila at hindi sa condo namin kaya nalulungkot ako ng sobra dahil akala ko masosolo ko na siya pero hindi pala.

Andito na kami sa bahay nila bae at gaya ng palagi kong ginagawa sakanya pinagsisilbihan ko siya ng buong puso sabi nga ni tito para na akong asawa ni bae dahil lahat ng kailangan niya ako mismo ang gumagawa. Sigurado na naman ako sa sarili ko na si Zancho na ang papakasalan ko. Sakanya ko na ibinigay ang lahat lahat sa akin kaya dapat lang na panagutan niya ko diba? Hihi pag magaling na magaling na talaga si bae pipikutin ko na siya baka kasi maagaw pa siya ng iba.

"Bae anong iniisip mo?"

Tanong ko kay bae ang tahimik  niya lang kasi.

"Iniisip ko kung bakit bigla kang nalungkot."

"Hindi ako malungkot bae."

"Sabihin mo na sakin bakit ka biglang nalungkot?"

"*sigh* Kasi.....uhmm....kasi hindi tayo magkasama. Dati kasi dun tayo sa condo mo nakatira."

"Sige dito ka lang kakausapin ko lang sila mama at papa."

Bigla naman siyang tumayo kaya sinundan ko naman siya. Nilapitan niya sila tito at tita at kinausap.

"Ma. Pa. Pwede po bang duon na lang po ulit ako sa condo para po may kasama si Irish at isa pa po gusto ko rin po na unti-unting maalala ang mga bagay na hindi maalala ng memorya ko."

"Sigurado ka ba dyan anak?"

"Opo papa. Hindi rin naman po ako papabayaan ni Irish kung sakali."

"E honey ikaw ano sa tingin mo?"

"Sige payag na ako basta lagi kayong pupunta dito sa bahay."

Dahil napapayag nga ni bae sila tito at tita balik na ulit kami sa condo namin. Hindi ko mapigilan yung sayang nararamdaman ko kasi alam kong ito na yung paraan ni bae para maalala niya ako.

Ilang oras lang din ang itinagal namin sa bahay nila at saka kami umuwi. Sobrang na miss ko yung buong condo namin dahil maraming masasayang memories ang naganap dito. Naalala ko tuloy yung mga romantic moments namin ni bae kinikilig tuloy ako.

Kasalukayan akong nagliligpit nung mga damit namin dito sa kwarto ko dahil sa iisang kwarto nalang naman kami natutulog ni bae dati ewan ko lang ngayon kung gusto niya kong katabi.

"Ikaw pa rin...."

Napatigil ako sa ginagawa ko dahil bigla siyang nagsalita kaya humarap ako kung nasaan siya.

"Ang hanap ng pusong ligaw."

Dahan dahan siyang lumapit sa pwesto ko kinakanta niya pala yung lyrics ng pusong ligaw pero pinuputol niya kaya damang dama ko yung bawat salitang nagmumula sakanya.

"Ikaw ang patutunguhan at pupuntahan..."

Nung nakalapit na siya sa akin nagtititigan lang kaming dalawa tapos bigla niyang hinawakan yung waist ko at nagsalitang muli.

"Irish.....I'm sorry kung hindi ka man maalala ng utak ko...pero itong puso kong ligaw ikaw lang ang isinisigaw. Hindi ko man maibalik yung dati nating pagsasama pero sinisigurado ko sayo na ipaparamdam ko din sayo ang pagmamahal ko."

Naiiyak na ko sa mga sinasabi ni bae kasi tagos sa puso bawat katagang nagmumula sa labi niya.

"Wag ka ng iiyak....I am not John Legend to give you all of me. BUT I WILL PROMISE TO YOU THAT I WILL BE ED SHEERAN TO LOVE YOU TILL WERE SEVENTY."

Yung luha ko parang bagyo magpayong man kayo mararamdaman niyo. Halo-halong emosyon yung nararamdaman ko ngayon. Saya. Kilig lahat lahat na ng pwedeng maramdaman ng isang human being naramdaman ko na.

"Bae *sniff* mahal na mahal kita."

Kinikilig talaga ako gusto ko nga siyang kagatin sa balikat niya pero baka mabigla si bae kasi hindi naman niya naaalala na palagi ko yun ginagawa sakanya pag kinikilig ako.

Natulog kaming pareho na naka smile. Sobrang mahal ko si Zarell Jan Ochoco. Siya lang at siya at siya at siya lang wala ng iba.

I'm Inlove With That Bitch (GirlxGirl)Where stories live. Discover now