Ch. 9

18.6K 435 16
                                    

Zancho

Pinagmamasdan ko lang si Irish kanina pa siya tahimik simula nung sinabi ni Ariele na ex-girlfriend ko siya. Sana hindi ako layuan ni Irish.

"Anak dun na lang tayo kumain sa restau nila Ariele. Na-miss ko rin kasi makipag kwentuhan kay pareng Albert."

"Ayy naku tito Jan sobrang namiss din po kayo ni papa."

Nagkwentuhan lang sila papa at si Ariele. Kay papa na rin sumabay si Ariele kaya kami na lang ni Irish ang naiwan dito.

"Bae."

"Bakit hindi mo sinabi sakin?"

"Hindi pa kasi ako handa na sabihin sayo ang pagkatao ko. Baka kasi...baka layuan mo ko."

"Tinanggap mo ko bilang bestfriend mo kahit alam mong masamang babae ako. Kahit alam mong bitch ako hindi ka nag-alinlangan sakin. Kaya bakit naman kita lalayuan kung ganyan ka?"

"Sigurado ka ba? Irish bisexual ako. Pano pag nalaman ng mga nakakakilala sayo na may kaibigan kang kagaya ko? Baka kutyain ka nila."

"I don't fucking care about what they say. They don't know about me. They don't know about you. They don't know about us."

"Thank you."

Niyakap ko na lang siya. Ramdam ko mahalaga ko sa isang Jasmine Irish Salazar. Nakakatuwang isipin na tanggap niya ko.

"Anak nag-order na ko antagal niyo kasi dumating."

"Sorry pa may pinag usapan pa po kasi kami ni Irish."

"Ganun ba. Ahh Irish gusto ko sana pumunta ka sa bahay sa saturday para makilala mo din yung reyna ng buhay namin ni Zancho pati na mga kuya niya."

"Pa baka busy si Irish next time na lang po."

"Okay lang bae. Sige po tito sa saturday po pupunta po ako. Magpapasundo na lang po ako kay Zancho."

"Tito Jan. Ako po pwede rin po ba kong pumunta?"

"Aba'y oo naman Ariele. Nagtatampo na nga si tita Zandra mo dahil hindi ka bumibisita sa bahay."

"Nagmomove on pa po kasi ako sa anak niyo nun tito. Sorry po."

"Patawarin mo na sana tong bunso ko."

"Pag-iisipan ko po yan tito. Haha."

Tch. Baliw talaga to si Ariele. Childhood friend ko kasi siya tapos nung nalaman niya na bisexual ako kinulit niya na ko na subukan daw namin dalawa. Pinagbigyan ko naman siya kasi gusto ko rin malaman kung masaya ba magka girlfriend. Two years din kami pero nakipag break na ko sakanya kasi nasasakal na ko at isa pa napagtanto ko rin na hanggang kaibigan lang talaga kami.

"Pa ihahatid ko lang po si Irish. Ingat po kayo."

"Osige mag-ingat ka din. Bye Irish!"

Hinalikan na namin si papa sa pisngi. Nagpaalam na din ako kay Ariele bago kami tuluyang umalis.

"Bae...mahal mo pa ba si Ariele?"

"Bat mo naman natanong?"

"Just answer my fucking question!"

"Bakit sumisigaw ka? Tapos nagmumura ka pa."

"Sagutin mo na lang kasi. >__<"

"May minamahal na ko. Kaibigan lang para sakin si Ariele."

"Sino naman yun?"

"Hmm?"

"Sino yung mahal mo?"

"Yung mahal ko hindi niya ko mahal kaya wag mo na alamin bae."

"Alam ba niya na mahal mo siya?"

"Hindi."

"Bakit hindi mo sinabi sakanya? Malay mo mahal ka din niya."

"Malabong mahalin niya ko. Babae din ako e. Lalaki hanap niya."

Hindi na siya umimik hanggang sa mahatid ko na siya sa bahay nila. Ayokong sabihin na mahal ko siya dahil baka mawala na siya sakin. Mas gugustuhin ko na lang na ganto muna kami saka na ko gagawa ng hakbang pag handa na ko.

I'm Inlove With That Bitch (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon