Ch. 24

13.6K 304 4
                                    

Irish

Nung sinabi niya sakin lahat yun napaiyak na lang ako. So wala palang kwenta yung pagseselos ko. Tatlong linggo ko siyang tiniis na hindi kausapin dahil nasaktan talaga ko mula nung hinalikan siya nung Ariele na yun halos sumabog na yung puso ko. Kaya mabilis akong umalis sa lugar na yun. Tapos nakita nga ako nung si Ivann na umiiyak. Siya yung nag comfort sakin. At simula nun lagi na siyang nakadikit sakin at nililigawan na nga niya ako. Pero hindi ako pumayag nag sinungaling lang ako kay Zancho nung sinabi ko yun sakanya.

Mahal na mahal ko si Zancho kaya ako na ang lalapit sakanya. Sinundan ko siya at nakita kong naupo siya sa dulo. Lalapit na sana ako kaya lang may isang babae ang lumapit sakanya. Gusto ko silang sugurin pero pinigilan ko yung sarili ko. Lumabas na ko at pumunta sa kotse ko inaantay ko yung paglabas niya pero ang tagal niya. So busy siya dun sa babaeng lumapit sakanya ganun?!

Nag-antay pa rin ako sakanya at mabilis na siyang lumabas at pinatakbo ang kotse niya. Gaya kanina sinundan ko pa rin siya pauwi sa condo namin. Sobrang miss ko na siya. Yung yakap at halik niya namimiss ko na. Yung mga haplos niya na nagdudulot sakin ng kakaibang kuryente. Siya mismo namimiss ko.

Uuwi na sana ako kasi baka nagpapahinga na siya. Bukas ko na lang siya kakausapin pero nakita kong lumabas siya kaya nagtago ako sa may fire exit. Bihis na bihis siya saan naman siya pupunta?

Mabilis naman akong bumaba ng hagdan para maabutan ko siya. Sinunsundan ko lang siya kung saan siya magpunta.

Huminto yung kotse niya dito sa fast food na pinuntahan niya kanina. At nag order siya ng pagkaen niya. Ako naman nagtatago lang ako dito sa dulo para hindi niya makita. Kawawa naman ang bae ko lagi na lang siguro siya sa mga fast food kumakaen.

Tatlong oras na kaming andito pero wala pa rin siyang balak umuwi. Magpapakita na ko sakanya kaso may lumapit na babae sakanya. Yung babae kanina. Sino ba yun? Bakit inantay siya ni Zancho?

Lumabas na sila kaya sinundan ko na naman sila baka kung ano pang gawin nilang dalawa.

Hinatid niya yung babae sa isang subdivision hindi ganun kalaki yung bahay pero maganda naman siya sa labas.

Tapos nagpunta siya sa isang bar. Wala ba siyang planong pumasok bukas?

Kakaupo pa lang ni Zancho sa bar counter pero may lumapit na agad sakanya. Halos kita na yung kaluluwa ng malanding to. Inaakit niya pa si Zancho leche siya.

Hindi ko na kaya dahil hinalikan na siya nung malanding babaeng to. Hinila ko yung babae palayo kay Zancho.

"Hey!"

"Don't you dare to kiss her again. She's mine. So back off!"

Mukhang natakot naman siya sakin kaya umalis na siya.

"So pag wala ako kung kani-kanino ka nakikipaglandian."

"Anong ginagawa mo dito?"

"Mas masarap ba sila kesa sakin ha Zancho?! Sumagot ka!"

"Ano bang pinagsasabi mo Irish? Umuwi ka na nga gabi na."

Aww. Ayokong tinatawag niya kong Irish nasasaktan ako.

"Madali lang pala para sayo ang palitan ako."

"Di ba ikaw ang kusang bumitaw sakin."

Hindi ko na kaya gusto ko ng magkaayos kaming dalawa. Kaya hinalikan ko na siya.

"Hinding hindi na kita bibitawan Zancho. Ayusin na natin wag nang pahabain hanggat may pagkakataon pa."

Niyakap niya ko kaya hinigpitan ko din ang yakap sakanya. Mahal na mahal ko to. Tatlong linggo ko siyang natiis kaya hindi ko na palalampasin pa to. Sobrang lungkot ng buhay ko nung wala siya sa piling ko.

Lumabas na kami ng bar at umuwi na sa condo namin. Bukas ko na lang kukunin lahat ng gamit ko sa bahay namin.

------------------------

A/N: Sorry sabaw yung update ko ngayon hindi kasi ako tinext nung crush ko e. Bukas na lang ulit ako mag uud. Sana mamaya itext na niya ko kundi manchichix talaga ko hahaha. Sino kaya yung gagawin kong Zancho? Hmn. Vote-Comment po. Thanks.

-Jujuming.

I'm Inlove With That Bitch (GirlxGirl)Where stories live. Discover now