Special Chapter - So High School

664 40 42
                                    

Ali Benedicto


"San ba kasi tayo pupunta Aliboo?" Tanong niya. Napailing nalang ako. It's so ironic na napaka-pasensyosa niya but times like these when I surprise her, parang hindi siya mapakali, maya't maya magtatanong talaga.

"Basta, you'll see" Yun nalang ang nasabi ko habang dahan-dahan siyang inaaalalay sa paglalakad papunta sa sinet-up ko para sa kanya. Nasa Bantayan Island kami ngayon sa Cebu and we are celebrating our 4th year anniversary. If there's one thing na gustong-gusto naming gawin ni Callie, that would be traveling. Sa four years namin, we've been to 6 countries already at may goal din kami na kompletuhin ang 81 Philippine provinces challenge – kung saan iikutin namin ang 81 provinces sa Pilipinas. So far, nakaka-33 na kami. Pero hindi naman kami nagmamadali, sabi ko nga sa kanya, we have forever to go.

Four years na kami at sobrang nagpapasalamat ako kay Callie dahil never siyang napagod sakin. She's the kindest. Sa four years na relasyon namin, she chooses her words, lalo na pag may misunderstanding kami. Simply put, she always chooses to be kind than be right. To her point...

"Maaayos pa natin ang lahat. Huhupa din ang galit ko, pero ang mga masasakit at foul na mga salita na pwede kong masabi sayo pag galit ako, it will cut deep into your soul, at ayokong gawin yun sayo. My love for you is bigger than my pride and anger, Aliboo."

Yung ang madalas niyang pinapaalala sakin every time we kiss and make up after a heated argument. May mga instances kasi na hindi ko mapigilan ang emotions ko. During those times, I always find myself on the edge of yelling and screaming at her. Pero sa tuwing naaalala ko kung gaano siya kabuting tao, umaatras lahat ng masasakit na salita na gusto ko bitawan at sabihin. Hindi niya deserve yun cause she's the most beautiful person I've ever met. Kaya ang ginagawa ko, tumatahimik nalang din ako hanggang sa kalmado na kami pareho at handa na kaming pag-usapan ang mga bagay-bagay. Alam niyo yung sinasabi nila na hindi niyo dapat hinahayaan na maging komportable kayo sa ipagpaliban at ipagpabukas ang mga misunderstandings niyo, and that hindi kayo dapat natutulog ng magkagalit? Well, Hindi applicable samin yun – and my Callie thought me the importance of space and not forcing any conversation when we're not ready to make amends, lalo at nagsasama na kami. Ang famous line niya...

"Tsaka na tayo mag-usap. Hindi pa ako handa na makinig at unawain ka"

Sang-ayun din naman ako sa ganun. Kadalasan kasi, kaya lang natin gusto makipag-usap eh para ma-resolve ang mga bagay-bagay, pero dahil nga hindi pa kayo parehong ready na makinig, mas lalo lang lumalala. Nandun yung magsisimula kayong magsisihan hanggang sa mag-escalate ang mga bagay-bagay, and I'm so proud to say na never pa nangyari samin ni Callie yun. With that in mind, napangiti ako as I lovingly look at her.

"Aliboo tini-trip mo na ata ako eh. Parang isang kilometro na ata ang nalalakad natin" Reklamo niya.

Tumawa ako ng malakas.

"Grabe ka naman sa isang kilometro. Malapit na! Patience mine" Paalala ko sa kanya.

"Oh! And you're preaching about patience now huh? Sating dalawa, ako ang may unlimited niyan ah" Biro niya. Totoo naman din. Siya ang mas pasensyosa samin and I can't thank her enough.

"I know, kaya mahal na mahal kita. Okay, ready?" Tanong ko.

"Yes, ready!"

Then, that's when I removed the blindfold.

"Come and lay her beside me, I'll tell you how I feel..." Nagsimulang kumanta si ate girl kasama yung gitaristang hinire ko for this very special night.

"Wooo" Yun nalang ang naging reaction niya. Napanga-nga at napahawak siya sa dibdib niya. Humakbang ako papunta sa dinner table na naka-setup sa di kalayuan, at kinuha ko yung flower arrangement na combination ng red and white roses.

Swipe Right (GxG)Where stories live. Discover now