49 - Bad Blood

877 42 37
                                    

Callie Manzanares

Nakatingin ako sa labas ng bintana habang binabaybay namin ang daan pauwi sa apartment. Gusto sana ni Jea na pumunta sa tattoo shop nya and spend the night there, pero bigla akong nadrain sa naging confrontation namin ni Ali.

Ang tigas ng mukha! Sabi ko sa sarili. Unconsciously, napasinghal ako, dahilan para finally magtanong sya.

"Is she the jerk ex?" Tanong nya, emphasizing on the word. Simpleng tango ang isinagot ko.

"Kaya naman pala jerk, mukhang masarap si bakla" Alam ko naman na nagbibiro lang sya to lighten up the mood, but I didn't buy it. Deep inside, nasasaktan ako. Naalala ko nung mga panahon na kakikilala palang namin at madalas nya akong nilalait-lait na kesyo average looking lang daw ako and I was not her type. Kaya siguro napakadali para sa kanya na mas paniwalaan yung kaibigan nya kesa sakin. Di nga siguro katiwa-tiwala ang mukha ko. Kagaya ng madalas nyang sinasabi dati, I'm way too average.

"Yeah, jerk" Sabi ko sabay kagat sa pangitaas na labi ko. Pinipigilan ko na maiyak na naman. Di ko alam kung anong nararamdaman ko. Di ko mafigure out kung galit ba ako, nasasaktan, o pareho.

Sandaling katahimikan.

"May confrontation bang nangyari?" Tanong nya. Tumingin ako sa kanya at ngumiti ng pilit. Tska tumango at umiwas ng tingin.

"Okay. Ayaw mo bang marinig ang explanation nya?"

Napangisi ako sa sinabi nya. Di ko alam kung matatawa ako o maiinis sa thought na bibigyan ko sya ng pagkakataon na mag-explain after what she did.

"Tahimik na ang buhay ko beeboo. Di ko masasabing masaya, pero tahimik. Okay na ako sa setup ko ngayon. Some things are better left unheard" Ayoko na talagang marinig ang paliwanag nya.

Nagkibit balikat lang sya. Naging tahimik na ulit ako hanggang sa makarating kami sa apartment. Pinaakyat ko sya sa unit ko, hindi para mag-sex, kundi para mag-roll and smoke. Nagdala kasi sya ng high end kush (marijuana) and I think I need some tonight. Kaya ko din sya minessage kasi kailangan ko ng downer para makatulog ng maayos. Ganun lang ang ginawa namin, at yun din ang gusto ko kay Jea. Kahit asshole sya, she's respectful and cool to not force me to do things na hindi ko naman feel gawin at the moment. Nakailang rolls din kami before I started to feel lightheaded, a sign that the strain was starting to kick into my system.

Eto ang kailangan ko. Something that will help me calm down. Sabi ko sa sarili.

Nahiga kami pareho sa kama, wearing only our bras and underwear. Nakapatay yung ilaw sa buong unit ko. Yung LED projector rotating starry sky night lamp na nabili ko online lang ang nagsisilbing ilaw namin. High kami pareho na nakahilata sa kama, habang tumutugtog yung kantang Unti-unti ng Up Dharma Down. Lately, ayokong makinig sa kahit na anong kanta ni Taylor Swift. Simula nung naghiwalay kami, never pa ako nagpatugtog ng kahit na anong kanta nya. Nattrigger kasi ako pag naririnig ko sya. Sa mga panahon kasi na nakilala at naging kami ni Ali, halos napakinggang na namin na magkasama yung buong catalog ni Taytay, at kada maririnig ko yung mga kanta nya, nalulungkot at nasasaktan ako. Nalulungkot sa naging katapusan namin, at nasasaktan sa ginawa nya. Actually lately, mas nananaig na ang galit kesa sakit.

"This is good shit beeboo" Sabi ko kay Jea.

"I know. I always make sure my shits are good" Matipid na sagot nya sabay yakap sakin. Sa sobrang high namin pareho, nakatulog kami. Nagising lang kami ng tumunog yung alarm ng phone nya.

Swipe Right (GxG)Where stories live. Discover now