48 - White Horse

744 40 33
                                    

Ali Benedicto

Kapansin-pansin ang pag-iiba ng expression ng mukha nya ng makita ako na nakatayo sa may malapit sa pintuan ng cafe. Napalingon siya kay Kim, halata sa mukha ang pagkagulat.

"I'm sorry, Callie. I thought you need proper closure" Si Kim.

"Seryoso?" Sabi niya sa kaibigan. Napailing siya habang binabaling ulit ang tingin sakin.

"Callie" Tawag ko sa kanya. Sinubukan ko na lumapit pero napaatras siya.

"Don't Ali. Just don't" Kalmado lang ang pagkakasabi niya nun, but I feel the resistance on her voice.

"Callie pwede ba tayong mag-usap?" Tanong ko sa kanya. Hindi siya sumagot. Nakatingin lang siya sakin na parang hindi makapaniwala sa narinig. Actually, halata sa mukha niya yung disbelief of seeing me there, asking for us to talk.

"Mag-usap? Tungkol saan?" Tanong niya. Napabuntong hininga ako at sinubukang lumapit, pero ginawa niya ulit yung ginawa niya kanina - umatras siya.

"About what happened. About us" Kakapalan ko na ang mukha ko. Alam kong wala akong karapatan na hingin 'tong pagkakataon na makausap siya, pero susubukan ko parin. Tumawa siya ng mahina in disbelief.

"Meron ba tayong hindi napag-usapan ng maayos Ali? I don't know with you but everything's clear to me" She said it the coldest way possible.

"Ayokong makipag-usap sayo. Actually, ayaw na kitang makita. Everything was clear to me that night so okay na tayo. Okay na ako" Dagdag pa niya.

"Pero ako hindi"

"Then, hindi ko na problema yun" Sabi nya tsaka kinuha yung phone niya dahil may tumatawag.

"Hey" Sagot niya sa call.

"Yeah, yung pinaka-unang kanto, liko ka diyan tapos straight ahead lang. Okay I'll wait. See you in a bit" Sabi nya sa kausap. Pagkababa ng phone, nagpaalam na siya sa kaibigan niya.

"Una na ako Kim. Thanks for today" Paalam niya sa kaibigan. Nilagpasan niya ako and didn't say any more word. Hahabulin sana siya ni Kim, pero nauna na akong sumunod sa kanya.

"Dude" Sinubukan akong pigilan ni Kim, pero hindi ko siya pinansin. Sumunod ako kay Callie sa labas, na halatang may hinihintay. Maya't maya siyang napapatingin sa phone niya. Hindi ko alam kung anong sasabihin. Ang totoo, gusto ko lang siyang tingnan. Medyo humaba na ang buhok niya at pumayat siya. Ilang buwan ko siyang iniwasan without giving her the benefit of the doubt, at ngayon na nakatayo ako sa tabi niya, wala akong ibang gustong gawin kundi ang yakapin siya and ask for an apology for everything. Dun naman ako magaling, sa paghingi ng sorry. Alam kong problematic ng pattern ko, I'm good with words but sucks on changing my behavior.

Pakiramdam ko ibang Callie na ang nakatayo sa tabi ko. I don't feel the empathy and the warmth in her now like I used to. The Callie I once knew was willing to hear my explanations, hindi ganun yung taong nakatayo sa tabi ko ngayon. The Callie now is as cold as ice. Pero okay lang, gago ako eh. Ako ang isa sa mga dahilan kung bakit ganito siya ngayon. So I guess I deserve this.

"Callie" Tawag ko ulit sa pangalan niya. Hindi siya sumagot. May kachat siya sa phone. I swear anytime, tutulo na ang mga luha ko. Parang pinipiga ang puso ko knowing she's just beside me, pero parang ang layo nya.

Fuck! Just say it.

"Callie I'm sorry" Pakiramdam ko nachochoke ako habang sinasabi yun.

Napailing ulit sya in disbelief.

"Na naman. Pang-ilan mo na yan ah. Di ka ba napapagod?" Matipid na sagot niya.

Hindi ako makasagot. Totoo naman ang sinasabi niya. Ilang beses ko nang ginawa sa kanya toh. Ighu-ghost, tapos biglang magpapakita at magsosorry as if nothing happened. Ang pinagkaiba lang, this time I ghosted her na official na kami.

Swipe Right (GxG)Where stories live. Discover now