54 - Cold as You

753 44 31
                                    

Ali Benedicto

Ilang minuto pa akong nanatili sa labas ng apartment nya. Namamanhid ang buong katawan ko at hindi ko maigalaw ang mga kamay at paa ko para mag-drive palayo sa lugar na yun. Ang alam ko lang, sobrang sakit ng puso ko. I felt like it stopped beating nung sinabi nya na gagawin nya lahat, tigilan ko lang sya.

This is it. Wala na talaga kaming pag-asa.

Deserve ko toh. Isa ako sa mga dahilan kung bakit cold at brutal na nya ngayon, so now this is the price I have to pay. Kahit nanlalabo ang mga mata dahil sa kaka-iyak, pinilit ko na mag-drive palayo. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Kahit halos 24-hour na akong gising, ayoko pang umuwi. Nakaka-exhaust tong pakiramdam na toh. Nakapagod dahil hindi naman dapat nangyari samin toh kung pinili ko lang na kausapin at pakinggan sya. Wala na ako sa sarili habang nagda-drive. Naisip ko nga, sana mabanggan nalang ako para kahit papaano, mapagbayaran ko lahat ng sakit na naidulot ko sa kanya.

Callie.

Having that thought, lalo ko pang binilisan ang pagpapatakbo sa sasakyan. Dahil wala na nga ako sa sarili, pagdating sa isang intersection sa may EDSA kung saan may traffic light, nagtuloy-tuloy ako kahit nag-yellow na yung traffic light. Yes, nag-beating the red light ako.

Mamatay na ang mamamatay.

Saktong pagdating ko sa gitnang bahagi ng intersection, biglang may sumulpot na toyota vios on my right side of the road. Nahagip nun yung rear part ng sasakyan ko. Dahil sa bilis ng approach nya towards me, sobrang lakas nung impact nun that it caused for me to swirl and spin. Sinubukan kong kontrolin yung steering wheel. Nagpaikot-ikot ako at mag-drift.

C'mon! Fuck! Fuck! Fuck!

Nung finally na-control at napahinto ko yung sasakyan, dun lang ako natauhan. Nanginginig ang buong katawan ko. Feeling ko umiikot ang paligid at nahihilo ako. Nag-create kami ng commotion sa gitna ng daan, causing for slight build in traffic. Nag-stay lang ako sa loob ng sasakyan hanggang sa may dumating na law enforcer. Ni hindi ko na naisip yung taong nakabanggang ko. Ganun ako kalutang at wala sa sarili. Maya-maya, may kumatok sa bintana nung sasakyan ko, isang police officer. Pinababa nya ako. Dun ko din nakita yung taong nakabanggang ko. Grab driver pala sya. Buti nalang at mahinahon si kuya. Naawa naman ako dahil sabi nya hindi daw sa kanya ang sasakyan. Namamasada lang sya. Sumama kame pareho sa presinto at sa huli, napagkasunduna namin na i-settle nalang yung damage. I was at fault, so I am willing to take full responsibility sa consequences nung actions ko. That thought hit me. Kailangan ko maging accountable at harapin yung consequences ng mga actions ko, kahit pa masaktan ako. Drained because of what happened, nag-decide ako na umuwi. Tahimik ang buong bahay. Wala akong nadatnan, which is an advantage for me dahil wala akong energy na makipag-usap sa kahit na sino. Buong araw akong nagkulong sa kwarto. Tinatawagan din ako ng ilan sa mga kaibigan ko, particularly si Rui, pero hindi ko sila sinasagot. Ganito kaya yung nafeel ni Callie nung iniwan ko siya? Matutulog, pag-gising nandun padin yung sakit. Iiyak at mapapagod kaya matutulog ulit - and the cycle continues. Ang pinakamasakit na parte sa pinagdadaanan ko, is the thought that I could have prevented and avoided all these to happen, kung nagtiwala lang sana ako sa pagmamahal ni Callie at sa relasyon namin. Having that in mind, napahagulgol na naman ako habang nakasubsob ang mukha sa unan.

"I want you to stop. Kung ano man yung ginagawa mo, gusto ko itigil mo na. So sabihin mo sakin, what will it take for you to stop? Anong pwede kong gawin for the last time, para lang tigilan mo na ang kakatawag mo sakin, kaka-message mo, at kakapunta mo dito sa apartment. So, tell me, anong gusto mong gawin ko para lang tumigil ka na?" Nag-recall na naman sa isip ko yung sinabi niya. Siguro kahit anong gawin ko na panunuyo, hindi na siya babalik, and this is the end for us. Siguro ganun kalalim yung sakit na naidulot ko, pati na din ni Rome sa kanya. Magdamag kong pinag-isipan ang sinabi niya.

Swipe Right (GxG)Where stories live. Discover now