58 - I Almost Do

991 62 47
                                    

Callie Manzanares

Nasabi ko na lahat ng gusto kong sabihin. Pakiramdaman ko biglang na-lift lahat ng bigat sa puso na nafi-feel ko for months now simula ng iwan niya ako. Nauna na akong tumayo at maglakad papunta sa direksyon ng hotel namin. Ilang buwan kong pinaghandaan toh'. Ilang beses kong nireplay sa utak ko yung scenario kung saan magkakaron ako ng pagkakataon na matanong siya kung bakit nagawa niya sakin yun at bakit parang ang dali para sa kanya na ibasura ako. Hinanda ko talaga ang sarili para sa araw na toh, a proper closure with her. Dati, ini-expect ko na lalait-laitin at makakarinig ako ng mga masasakit na salita mula sa kanya. Siya lang naman kasi yung kaibigan ni Rome na nagsabi sakin na keep dreaming dahil hindi ako kagandahan. Naalala ko din lahat ng mga panlalait na ginawa niya nung kakikilala palang namin. That she would tell me na average looking lang ako and that I was not her type. Comments like...

"Wag kang mag-alala, wala akong plano. Tska ano ka ba, you're way too average and way too out of my league para gawin ko na side chic. Di kita maipagmamalaki sa mga tropa ko, baka pagtawanan lang ako ng mga yun dahil sa itsura mo. Way too average girl. Nope"

"Hindi talaga pwede Callie sorry. Too personal ang social media ko. Mga constant na tao lang ang ina-add ko dun. Tsaka nag-iisip ka ba? Pag na-tag mo ako eh di makikita na yun ng lahat? Pano ko pa imamarket ang sarili ko nun? Magiging sagabal ka pa sa pambababae ko. Buti sana kung dyosa ka"

Now I remember. Maybe I was never really her constant.

"Rule #1, wag kang magdedemand at wag mo ako ibobombard ng messages. Magmemessage at tatawag ako sayo kung kelan ko gusto. Kasi pag hindi ako nagmessage o tumawag sayo, ibig sabihin, may kasama akong babae nun at may ginagawa akong kalokohan nun"

"Pahabol ka? Anong feeling mo? Maganda kna nyan?!"

Habang iniisip yun, mas lalong sumasakit ang puso ko. How could I forget? Eversince, ganun naman talaga ang tingin niya sakin. Disposable. Kaya tama lang din na totally mag-detach na ako sa kanya. But then, I couldn't get rid of the fact that at some point, pinaramdam niya din sakin na mahal niya ako and that, I was enough. Days when she skips work para lang alagaan ako lalo pag hindi ako makakilos dahil sa menstrual craps. On random days when my insecurities peak, she never failed to remind me that I was loved and was more than enough for her.

Kahit gaano pa yan kaganda, sayo lang ako. Callie for the win!

She's the family oriented type of partner that made me feel na hindi lang ako kundi pati pamilya ko gusto niyang mahalin. She helped me not just emotionally but financially lalo na sa mga pagkakataon na kailangan isugod si tatay sa hospital. And how could I forget the random ang ganda mo and I love you. Times na pag pinapamukha sakin ng ate niya na botong-boto siya kay Cherry, Ali stood up and made it clear na ako na yung girlfriend niya and that I was being disrespected. Ramdam ko din ang sakit na nararamdaman niya ngayon. It was real and as a typical empath, na-aabsorb ko yung emotions niya, making it more painful for me.

Shit! Happy Birthday, self!

Halos hindi na nga ako makakilos dahil ayaw niyang humiwalay sakin. Pagkatapos kong mag-wash up at mag-impake ng mga gamit, hindi na niya ako binitawan. Sobrang higpit ng yakap niya sakin ngayon habang nakahiga kami.

Callie please, please, ayusin nalang natin toh

Napabuntong-hininga ako. Aaminin ko, I still have strong feelings for her at sa totoo lang, sa naging trip namin na toh, maraming beses na gusto ko nalang mag-give in at magpaka-totoo sa sarili ko. May mga pagkakataon na gusto kong sabihin sa kanya na sige, subukan natin ulit. No doubt, I feel it in me, mahal ko pa din siya. Pero naisip ko din, kung gagawin ko yun, magiging ticket niya lang yun para paulit-ulit akong saktan dahil alam niyang papatawarin ko siya all the time. Mahal ko siya eh. Then, it will be the same pattern over and over at pagod na ako sa ganun. Pagod na ako na i-disrespect ng mga taong gusto ko lang naman mahalin. Pagod na ako na nava-violate ang boundaries ko.

Swipe Right (GxG)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن