5 - Bejeweled

976 35 30
                                    

Callie Manzanares

"Hindi ka pa ba inaantok Ali?" Halos tatlong oras na kami nag-uusap tungkol sa heart matters ko at past midnight na din.

"Bakit inaantok ka na ba? Okay ka na?" Tanong nya.

"Actually, sinave mo ako ngayong gabi sa isang heartbreaking tears. Kung hindi kita kausap, baka kanina pa ako nakahiga sa kama at umiiyak"

"Na-fall ka na sakin nyan?" Biro nya.

Napangiti ako sabay iling. Ang player talaga ng galawan ng isang toh.

"Cge ganyanin mo lang ako ng ganyanin para masanay ako sa mga pro moves ng mga MVP. Tipong ma-iimmune na ako"

"Sabi ko naman sayo. Ako ang magiging coach mo para hindi ka na ulit maloko nyang ex mo at kung sino pa mang players jan na mag-aattempt sayo"

Natawa ako sa sinabi nya.

"Teka, ano palang pangalan mo? Yung totoo mong pangalan?" Tanong ko. Parang ang weird naman na kanina pa kami nag-uusap pero wala kaming formal introduction.

"Ali nalang"

Napataas ang isang kilay ko. Ayaw sabihin ang totoo nyang pangalan.

"Ali? Yun na name mo?"

"Oo Ali"

"O...k" Medyo nagduda ako sa part na yun.

"Anong complete name mo? Yung nasa birth certificate mo" Binago ko yung tanong.

"Sabi ko naman diba too early for that" Nabigla ako sa sagot nya. Mahigit tatlong oras na kaming magka-usap at halos nakwento ko na sa kanya ang buong buhay ko, tapos too early for that lang sasabihin nya?

Ayaw ba nyang i-share yung personal information nya?

"Mahigit tatlong oras na tayong nag-uusap tapos too early for that lang sasabihin mo? Ano yun?"

"Exactly, at nagiging doormat ka na naman. Pinipilit mo ang isang bagay na ayaw nga ibigay sayo. Simply put, my name. Wag mko pilitin dahil ayokong ibigay sayo yun." Paliwanag nya.

"Eh di wag. Di mo kailangan maging super harsh sakin" Actually na-offend at nasaktan ako ng slight sa sinabi nya.

"C'mon I'm teaching you something here Callie"

"Like? Parte ba yan ng game nyo? Na wag mag-share ng mga personal information sa strangers or wag mag-overshare?" Naweirduhan ako na ayaw nya sabihin ang pangalan nya.

"Parang ganun na nga. Ang mga players, mga superficial at shallow information lang about themselves ang isshare nyan sayo. Cge nga, ilang taon ba kayo ng ex mo?"

"Mahigit isang taon na din, on and off" Sagot ko.

"Sa mahigit isang taon na yun, gaano mo sya kakilala? Naramdaman mo ba na nag-open up sya sayo? Kilalang kilala mo ba sya?" Sunod-sunod ang mga tanong nya.

Natigilan ako sa mga tanong nya na yun. Gaano ko nga ba kakilala si Rome? Ni hindi nya pa ako pinapakilala sa kahit sinong taong mahalaga sa buhay nya. Ni wala akong ka-close na kaibigan nya. Isang kaibigan nya lang ang nakausap ko dati, nilait pa ako. Kahit sa social media, hindi ako pinu-post nun. Actually ngayon, naka-private na ang mga social media accounts nya. Naka-block na nga ako sa IG. Pag nag-ddate kami at gusto ko sya i-my day or ipost sa social media accounts ko, ayaw nyang i-tag ko sya.

"Matagal na tayong wala! Matagal na tayong tapos. Ikaw lang tong nagpupumilit na ayusin pa natin. Hindi ka ba napapagod kakahabol sakin? Tandaan mo toh. Hindi ako magsesettle sa isang kagaya mo lang. Lumugar ka naman! Iprofile mo sarili mo. Tapos na tayo! Wag kang parang asong ulol!"

Swipe Right (GxG)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt