40 - No Body, No Crime

771 38 30
                                    

Callie Manzanares

Nanatili akong nakatayo dun habang tinitingnan ang sasakyan nya na papalayo. Ayaw mag-sink in sa utak ko yung lahat ng mga sinabi nya. Hindi ko maintindihan at gulong-gulo ako. Pakiramdam ko pinipiga yung puso ko at namamanhid ang buong katawan ko. Inaatake na naman ako ng anxiety. Nanghihina ang tuhod ko at hindi ako makakilos. Iyak ako ng iyak pero pakiramdam ko hindi nababawasan ang sakit sa dibdib ko. Pinilit ko na maglakad papasok para kunin yung phone at tawagan sya, hoping she will tell me na prank lang ang lahat dahil malapit na din naman yung 6th month namin ngayong Sabado, pero wala. Hindi nya sinasagot. Actually, naka-block na ako sa number nya at sa lahat ng messaging at social media platform kung san pwede ko syang kontakin.

Shit Callie! Here we go again! Same pattern with Rome. Tangina bakit ba ako palaging nalalagay sa ganitong sitwasyon? Totoo kaya yung sinabi niya about Jade? Na may iba na siya?

Ang dami kong iniisip and I am starting to overthink again. Kanina pa ako iyak ng iyak pero parang hindi nauubos ang mga luha ko. 

Alam mo, magpaganda ka, mag-ayos ka! Siguro magparetoke ka para naman gumanda ka sa paningin ko! Baka sakaling hindi na kita lokohin pag nangyari yun. Naalala ko na naman yung sinabi ni Rome nung minsan na iconfront ko sya kung bakit paulit-ulit syang nambababae.

Okay lang naman sayo diba?! Sa itchura mong yan, di bagay sayo ang nagdedemand. Tandaan mo, hindi ang kagaya mo ang magpapatino sakin. Walang magsesettle down sayo.

Yun ang mga masasakit na salita na iniinda ko ng paulit-ulit dati kay Rome. Akala ko iba ang magiging sitwasyon ko kay Ali. Ramdam ko yun eh. Ramdam ko that she's all in sa relationship naman. Pero bakit bigla syang nagkaganun? She suddenly turned cold. Dahil ba kay Jade?

Helpless and crashed, napaupo ako sa couch as I compose another message for her.

Me: Mine please wag mo naman gawin sakin toh. Wag naman ganito please. Mag-usap tayo.

Here I go with this feeling again. Akala ko hindi ko na mararamdaman toh, but here it is again. The pain of being left behind. The pain of being cheated on, if totoo man nga na babae nya yung Jade.

Me: Ali please mag-usap naman tayo. Kahit simple explanation lang kung bakit ka nagkakaganyan. Tatanggapin ko, makikinig ako. Usap tayo please. I love you.

Halos hindi na ako makahinga sa kakaiyak. Pakiramdam ko dinudurog ng pira-piraso ang puso ko. This pain, it's more intense kesa sa nafeel ko dati. Mas masakit sya knowing I didn't have any clue na one day bigla nalang syang manlalamig sakin, and on a random day when okay naman kami, wala naman syang binigay na sign prior to all these happening. Hindi ko kaya toh, bahala na kung magmukha akong desperada pero kailangan ko talaga syang makausap. Kailangan ko ng paliwanag. After about an hour of crying, I tried to compose myself para puntahan sya sa bahay nila. Baka sakali lang na nandun sya. Thursday naman ngayon, siguro naman she's not out drinking with her friends, or with Jade. Wala talaga ako ibang maisip na dahil kundi yun lang. I know I might sound crazy, but my overthinking mind couldn't help it. Ito din ang pinoint-out na rason dati nung ex ko kung bakit paulit-ulit nya akong in-abuse at niloko.

Hindi ko alam kung magdodoorbell ako o tatawagan ko muna sya. Nasa harap na ako ng bahay nila. Ilang minuto na akong nakatayo dun pero hindi ko magawang pindutin yung doorbell. Nakatayo lang ako dun, umiiyak at paulit-ulit na nagcocontemplate sa kung ano bang mga possibleng dahilan ng bigla nyang pagbabago.

Swipe Right (GxG)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt