56 - Today Was A Fairytale

782 50 31
                                    

Ali Benedicto


Parang mali ata yung timing ng pagpunta namin sa Sentosa. Rush hour kasi kaya madaming working class na papasok palang. Eto naman ang maganda sa bansang toh, kahit dagsa ang mga commuters, organized at hindi ka pagpapawisan. Nilingon ko si Callie na nakatayo sa likuran ko.

"Ang ganda mo" Bulong ko sabay ngiti. Habang naghihintay ng train, sumagi na naman lahat ng what ifs ko na paulit-ulit kong iniisip simula ng dumating kami dito sa SG. Ano kaya ang setup namin ngayon kung kami pa din? Siguro mas masaya dahil alam ko sa sarili na pag-uwi ko, akin pa rin siya, uuwi kami sa isang bahay at araw-araw ko pa din siyang makakasama. Hindi limitado ang mga oras at araw na pwede ko siyang makasama. Having those thoughts, parang nasu-suffocate ako and my eyes became teary again. Pinunasan ko yun kasi naalala ko yung sinabi niya. Gusto niyang i-enjoy namin ang bawat araw na nadito kami. Nasa ganun ako na pag-cocontemplate ng sa wakas ay dumating na yung train na sasakyan namin papuntang Sentosa. Dahil nga nakapila at nasa unahan ako, nauna na akong naglakad papasok. Gusto ko mag-secure ng space for her sa loob para hindi siya masyadong masiksik. Pagkapwesto, umikot ako paharap.

"Okay ka lan...Callie?" Dun ko lang napansin na wala siya sa likuran ko. Nagpalingan-linga ako.

Nasan siya? Sinubukan kong sumilip sa labas kung nandun pa siya pero dahil sa tinted yung windows ng train at idagdag mo pa yung mga foreign nationals na nakatayo sa harapan ko, hindi ko siya makita. Lalabas sana ako pero sumara na yung pinto. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Wala siyang dala na kahit ano maliban sa phone niya. Hindi siya naka-roaming kaya hindi siya makaka-connect sa internet.

Pano ko sina kukontakin?

Bukod dun, kinakabahan din ako dahil walang sense of direction si Callie. When I first knew it, I thought it was cute and bothering at the same time. Cute cause I don't mind being her navigator, at bothering dahil nga prone siya sa ganitong sitwayson, ang mawala lalo pag hindi niya kabisado ang lugar. Akala ko talaga nasa likuran ko lang siya, nakasunod sakin. Nagpalinga-linga ako sa loob hoping I could see her, pero wala. Dalawang stops ang gagawin ng train bago ito makarating ng HarbourFont - Chinatown at Outram Park. Thinking about it, mas lalo akong kinabahan. Although last stop na ang HarbourFont sa North East line, hindi alam ni Callie kung saan siya bababa. Kahit sinabi ko naman sa kanya yung ruta namin kanina, hindi ako sigurado kung natandaan niya yun.

Sana naalala niya.

Pinakalma ko ang sarili dahil lalo lang akong hindi makakapag-isip ng maayos pag nag-panic ako. Pagkatapos ng first stop sa China town, medyo lumuwag yung bagon na sinasakyan ko. Nagpalinga-linga ako hoping I will see her, pero wala.

Sa ibang bagon kaya siya nakasakay? Anong gagawin ko? Pano ko siya hahanapin? Sana makahanap siya ng internet connection. Sa next stop, sa Outram Park, hindi ko pa din siya nakita. I was at the edge of disembarking, pero naisip ko din pano kung sa ibang bagon siya nakasakay at natandaan niya na sa HarbourFont kami bababa? Hinanap ko siya kaagad pagkababa ko sa HarbourFont. Umalis nalang yung train at nag-clear nalang yung line cue sa platform, wala padin akong Callie na nakita. Napahawak ako sa ulo. Naiiyak na talaga ako dahil sa sitwasyon.

Shit! Nasan ka Callie? Naiiyak na talaga ako. Palpak ka na naman Ali! Iniwan mo na naman siya. You should have held her hand. Dapat sa harapan mo siya pinatayo! Paninisi ko sa sarili. Hopeless and nervous, bumili ako ng ticket going to Outram Park. Naisip ko kasi na baka dun siya bumaba. But to my disappointment, hindi ko siya nakita dun. Now I'm confused kung didiretcho ba ako sa Clark Quay o dadaan ako ng Chinatown Station. Bahala na! Bumili ako ng ticket going to Chinatown at kagaya ng ginawa ko sa Outram Park, hinanap ko siya pero wala din siya dun. Hindi ko siya makita. So that leaves me with Clark Quay Station. Habang pabalik ako sa pinaka-unang station kung saan ko siya huling nakita, paulit-ulit akong nagdadasal na sana nandun siya. Sana makita ko siya dun. I wasted no time, hinanap ko kaagad siya pagkababa. 

Swipe Right (GxG)Where stories live. Discover now