35 - Ready for It?

966 43 31
                                    

Ali Benedicto

Umakyat lahat ng dugo ko sa ulo ng makita na nakayakap si Kim kay Callie. Ang sweet nila tingnan.

"You're beautiful Callie and honestly your personality radiates. If I were Ali, in a heartbeat, I'd definitely choose you. No brainer, Sabi ko nga sayo, if we were in a different time, baka niligawan na din kita" Lalong nag-init ang ulo ko sa nakita at narinig. Sinasabi ko na nga ba eh, she likes Callie too! Hinalikan nya si Callie sa forehead! Sa forehead! A very sweet and wholesome kiss! Hindi ata nila napansin na nandun na ako at kitang-kita ko lahat. Sinusubukan ko na pakalmahin ang sarili by breathing heavily but God knows gustong gusto ko na sugurin at suntukin ang muka ng epal na toh.

Tangina!

"Totoo yun. Sya nga yung pinili ko, so get your hands off of her kung ayaw mong tuluyan kong basagin yang mukha mo!" Di ko napigilan ang sarili ko. Pikon na pikon ako. Gusto kong suntukin ulit si Kim sa mukha.

"Ali" Parang nabigla naman si Callie ng makita na nandun ako, kaya napatayo sya.

Ano?! Gusto ko sumigaw pero pinigilan ko ang sarili ko. I just stared blankly at them. Hawak-hawak ko sa isang kamay yung binili ko na flowers for her. Naiiyak ako sa inis. Gusto kong sumabog pero ano bang karapatan ko? Hindi naman kami, wala naman kaming label.

"Kanina ka pa jan?" Tanong nya sa medyo kinakabahan pero malumanay na tono. Tumingin ako ng diretcho sa mga mata nya. Di man lang ba sya makaramdam na nasasaktan at nagseselos ako?

"Sakto lang para makita ko na niyakap ka nya. Narinig ko din lahat ng sinabi nya" Sagot ko tska tumingin ng masama kay Kim. Nakita kong tumawa ng pilit si Kim sabay iwas ng tingin sakin. Then, there was silence. Si Kira ang bumasag sa nakakailang na katahimikan. Naramdaman siguro nya ang tensyon na namamagitan samin. 

"Ali! Tagal natin di nagkita ah. Kumusta?" Tumayo at lumapit sya sakin. Pagkalapit, bumeso at niyakap nya ako.

"A bit frustrated, pero okay lang" Medyo malungkot na sagot ko sabay buntong hininga. Di ko maintindihan ang nararamdaman ko. Am I starting to get obsessed and possessive with Callie? Am I too much? I want her all for myself. Ayoko syang ishare! Alam ko this is one toxic trait na naging dahilan para nasakal sakin si Cherry dati. But is it too much to ask? Is it too much to ask na gustuhin ko na akin lang sya?

"Gusto mo kape? Kalmahan natin slight" Inakbayan at bumulong si Kira sakin. Napahinga nalang ako ng malalim. Hindi mawala sa isip ko yung imahe na hinalikan sya ni Kim sa noo. Nakayakap pa sa kanya habang nakahawak sya sa braso neto. It was a very wholesome scene, at nasasaktan ang puso ko kasi pakiramdam ko I'm not as careful and gentle as Kim pagdating kay Callie.

Pucha naiiyak ako! Lumapit ako kay Callie at iniabot ko lang yung flowers na binili ko for her. We were looking at each other's eyes at di ko kaya na manatili sa ganun na state. Hindi ko kaya na mag-stay dun. Pakiramdam ko sasabog ang puso ko, gusto kong magwala.

I want you to be mine alone! Gusto ko syang hilahin palayo sa lugar na yun. Take her somewhere kung saan masosolo ko sya. Gusto kong gawin yun pero mas pinili ko na mag-walkout nalang.

"Ali" Tawag ni Callie sa pangalan ko pero di na ako lumingon. Dire-direcho lang ako pababa. Akala ko hindi na nya ako susundan hanggang sa sasakyan, but to my surprise, she was behind chasing after me.

"Shit Ali saglit lang naman" Hinawakan nya ako sa kamay nung akmang papasok na ako sa loob ng sasakyan.

"Ali ano ba?! Anong problema mo bat ka nagkakaganyan?" Nilingon ko sya. This time, medyo naasar ako sa tanong nya.

Swipe Right (GxG)Where stories live. Discover now