51 - Exile

860 49 27
                                    

Callie Manzanares

Nakatulog kami pareho. I reached out for my phone, pasado alas kwatro na pala. Hindi ko dapat nararamdaman toh, pero may sariling utak ang puso ko. It was unconsciously beating irregularly, habang nakahiga ako sa tabi nya, sweating and still naked. Nakahiga parin kami sa carpeted floor.

Mali. I released a deep sigh. Pinakiramdaman ko kung gagalaw ba sya, o magsasalita - pero wala. Kilala ko sya. During wee hours of the day, nasa deep sleep na sya. Dahan-dahan akong nag-iba ng posisyon, paharap sa kanya. As expected, sobrang himbing nga ng tulog nya. Naramdaman nya siguro ang pag-galaw ko dahil bigla nya akong hinawakan sa bewang at kinabig palapit sa kanya. Ilang weeks ko nang iniiwasan ang flashback ng mga ganitong moments. Moments where I feel her beside me. Pero dahil sa poor judgement at abot-langit na galit ko sa kanilang dalawa ni Rome, hindi lang ako nagflaflashback ngayon. Nangyayari mismo sakin ang mga tagpo na pilit ko nang kinakalimutan. Pinagmasdan ko sya habang natutulog. Eto ang madalas at pinaka-paborito kong gawin dati, ang titigan sya habang natutulog. Her eyes, her nose, her lips, the shape of her face, everything is just appropriate and beautiful. But this same face is exactly the reason why my heart is dysfunctional and my mind is problematic now-a-days. Gusto kong hawakan ang pisngi nya. Gusto kong halikan ang mga labi nya kagaya ng madalas kong ginagawa dati, pero nilamon na naman ako ng mga dark and painful thoughts.

Ilang beses kong dinial ang number ni Rome, umaasa na sana sagutin nya yung call. Pero wala. It only kept ringing and end with busy tone. Oo gusto ko na maayos kami, pero hindi ko inexpect na mag-eend up ng ganun. Na pwe-pwersahin nya ako na gawin ang isang bagay. Pagbibigyan ko naman sya, had she asked nicely. But to do it to me na parang parausan lang ako, disrespecting and stripping off my dignity, feeling ko sobrang below the belt yung nangyari. Gusto ko syang makausap. Simula pa kagabi, hanggang ngayon buong araw, sinusubukan ko syang kontakin. Oo ganun ako ka-desperada. Gusto ko ng clarity. Okay pa kami for the past weeks, tapos bigla nalang syang makikipag-break ng wala man lang kahit anong paliwanag. I can't settle for that. Sabi ni Kira ang toxic daw ng pattern ko. Mali ba ako na mag-seek ng clarity and explanation? Official kami. Jinowa nya ako. Siguro naman deserve ko na malaman kung ano man ang nangyayari, kahit pa masasaktan ako sa katotohanan. Inabot na ako ng halos hating-gabi kaka-tawag sa kanya, pero rejected ang mga calls ko until...

"Hello" May sumagot, pero hindi boses ni Rome yun. Napasinghot ako. Yung totoo, halos buong araw na akong umiiyak. Rome honestly feels like a drug to me. Alam ko na toxic sya para sakin, pero hinahanap-hanap sya ng systema ko. Gusto ko nang kumawala, pero kada gagawin ko yun, at bumabalik sya sakin, wala akong nagagawa. Sunod-sunuran ako.

Bobo.

Tanga.

"Hello. Ah nandyan ba si Rome?" Ang ingay ng background. Obviously, nasa galaan sya. Lalong sumakit ang puso ko. Imbis na sumagot, may narinig akong nagtatawanan sa kabilang line. Yung tawa ng medyo may mga tama at lasing na.

"Sino toh?" Tanong nung taong kausap ko.

"Girlfriend nya, si Sandy" Sabi ko. Isang malutong at nakaka-insultong tawa ang pinakawalan nung taong kausap ko.

"Hoiii Rome! Rome ka pala huh. Rome jowa mong dyosa tumatawag!" Tawag nya sa kaibigan tska tumawa ng nakakaloko.

"Pakamatay sya kamo" Narinig kong nagsalita si Rome. Sobrang dinurog ang puso ko.

"Anong kailangan mo panget, ah ate girl pala?" Tanong nung taong kausap ko.

"Pakisabi kung pwede mag-usap naman kami" Pakiusap ko. Kahit ayokong umiyak at magmukhang kawawa sa paningin ng kaibigan nya, wala na akong pakialam. As they say, sometimes, you do stupid things for love.

Swipe Right (GxG)Where stories live. Discover now