53 - Death By a Thousand Cuts

732 41 34
                                    

Callie Manzanares


Hindi ko na dapat sya iniisip, at hindi na ako dapat naapektuhan sa kahit ano pa man na tungkol sa kanya, pero eto ako, hindi makahanap ng tulog pagkatapos nya akong ihatid. Kanina pa ako pagulong-gulong sa kama at hindi ko malaman kung ano ba talaga ang gusto ko. Kada ipipikit ko ang mga mata ko, imahe nya ang nagsusumiksik sa utak ko. Aaminin ko, ang lakas parin ng epekto nya sakin, at ayoko sa nararamdaman kong toh'. Ayoko na magpakatanga at mahulog na naman sa kanya, then end up hurting badly again. Okay na ako eh. Kinaya ko for month. Pero bakit ngayon nagreresurface na naman 'tong weird emotions para sa kanya? Frustrated, I reached out for my phone and as expected, may messages mula sa kanya.

Unknown number: Rest well, Callie.

Unknown number: Sorry kung makulit ako. I just want to let you know that I am happy. Namiss kita Callie.

Unknown number: Pwede ba kitang puntahan bukas?

Hindi ko sya nireplayan. Napabuntong hininga nalang ako pagkatapos basahin yung mga messages nya.

No! Hindi pwede toh! Hanggang ngayon ba naman ayaw mo akong patahimikin?! I fuckin' hate that I still love you Ali! Bumangon ako mula sa pagkakahiga. Hindi pwedeng magpatuloy 'tong nararamdaman ko. As much as possible, ayoko na talagang magkaron pa kami ng communication at connection. Bakit naman kasi of all people, sya ang tinawagan ni Kim. Naalala ko bigla yung sinabi nya.

Kahit naman mag-rush ako papunta dun mula Sta. Ana, hindi kita maaabutan na buo kung sakali. They drugged you Callie. Buti nalang at hindi ganun kataas yung dosage.

Kahit papaano, laking pasasalamat ko nalang din sa kanya na walang nangyaring masama sakin. Kung nagkataon, hindi ko alam kung ano nang state ko ngayon kung naituloy ni Kevin yung binabalak nya. Speaking of Kevin, pagkatapos nung incident, blinock ko na sya. Kahit naman wala ako sa sarili lately, hindi ko naman din i-aallow na ipagpatuloy ang isang bagay na alam kong ikapapahamak ko. Dahil nga hindi ako makatulog kakaisip sa naging momemt namin ni Ali, tumayo ako para kunin yung Hindu kush na binigay sakin ni Jea. I was about to light and smoke it pero nakaramdam na naman ako ng pagkahilo. Hindi ko nalang itinuloy ang binabalak at bumalik nalang ako sa kama para magpagulong-gulo. Inumaga nalang ako sa ganun na state, ayaw padin talaga mawala sa utak ko si Ali. The ways she handled me, ayokong aminin sa sarili na oo, she was gentle at ramdam ko sa actions nya how she wanted to talk and fix things out - pero ayoko. Hindi ko na sya bibigyan ng control over me kung saan mawawala sya at babalik kung kelan convenient sa kanya. I will no longer fight for a love that will just damage me.

Never again!

Akala ko kusa nalang syang titigil dahil hindi ko naman sinasagot ang mga tawag o nirereplayan ang mga messages nya, pero buong week walang tigil ang dating ng mga messages, at consistent ang pagtawag nya sakin. Parang sya yung pumalit sa kaibigan nya. Kung kelan sa wakas tumigil na si Rome sa kakatawag at kaka-message sakin, sya naman tong nangungulit. Sa totoo lang, nasa edge na ako ng pagrereplay para sabihin sa kanya na nakukulitan at di na ako natutuwa sa ginagawa nya.

Gusto ko ng katahimikan!

"Ano uulit pa?" Si Kira. As expected, sermon kaagad ang bumungad sakin pagdating ko sa cafe ni Kim. Napakamot nalang ako sa sintido habang nilalapag yung dala ko na bag.

"Your usual my lady" Sabi naman ni Kim habang nilalapag yung dayspring na inorder ko.

'"Seryosong tanong Callie, kumusta na ang pakiramdam mo?" Bakas sa boses ni Kira ang pag-aalala.

"Okay naman na ako. It's been a week. I feel better now" Pagsisinungaling ko kahit ang totoo, it's been quite sleepless nights lately pagkatapos ng gabing yun. Hindi lang dahil sa incident pero dahil din kay Ali - or at least ng thoughts nya na ayaw talagang mabura sa isip ko.

Swipe Right (GxG)Where stories live. Discover now