38 - Foolish One

770 30 35
                                    

Callie Manzanares

"Hindi ko talaga sya maintindihan minsan mine. Kahit nung college pa kami, ganun na sya. Di marunong mag-compartmentalize ng emotions nya" Nasa kitchen kami, nagluluto ako ng dinner habang sya, nakaupo sa dining table malapit sa kitchen. Nagkkwento sya tungkol sa kaibigan niya na ang pangalan ay Kia, na nakasagutan daw niya.

"Di na nagbago. Kahit nung college kami, ganun na ganun na ugali nya. Pag may problema sya sa bahay nila, dala hanggang sa school. Sarap isako eh" Patuloy sya sa pagsusumbong. Napailing nalang ako sabay ngiti.

"Ano ba kasing problema ng kaibigan mo na yun mine?" Tanong ko habang naghihiwa ng ingredients para sa lulutuin ko na ginataang monggo as she requested. Kakatapos ko lang din lutuin yung piniritong isda. Nag-crave daw kasi sya sa luto ng mama nya kaya eto, todo effort ako para at least makakain sya ng decent food. Nakakakonsensya din na may mga times na nagpapadeliver lang kami dahil sa katamaran ko magluto kahit na may stocks naman kami.

"Ex problems" Sagot nya sabay pangalumbaba sa mesa.

I chuckled.

"Bat napakapapansin ng mga ex noh?" Comment ko.

"May pinaghuhugutan mine?" Biro nya. Nagtaas ako ng kilay.

"Bakit di ka ba makarelate?" Biro ko. Napatawa sya ng mahina.

"Hindi naman kasalanan ng ex nya sa totoo lang. Ang gago din kasi talaga nung kaibigan ko na yun. Sa lahat ng mga kaibigan ko, sya ang pinaka-gago mine" Paliwanag nya.

"Bakit anong ginawa nya?" Tanong ko habang sinisimulan na mag-gisa ng sibuyas, bawang, at kamatis.

"Yung ex nya na yun sabi nya samin, matagal na daw naghahabol sa kanya. Ilang beses na din nyang hiniwalayan yun, pero ayaw daw. Psycho ugly bitch as she perfectly describes her. We call her ngetpa. Diba nakwento ko na yun sayo?" Kwento nya. Napailing nalang ako sa narinig. Actually di ko na matandaan yung kwento nya na yun.

Ang sama naman pala ng ugali. Sabi ko sa sarili.

"Ah masama naman pala ang ugali. At ikaw din, ang sama ng ugali mo for calling her ex that way" Wala sa sariling comment ko. Nagthi-think out loud na pala ako. 

"Eh totoo naman eh." Rebut niya. 

"O tapos anong nangyari?" Tanong ko.

"Eh ngayon di na daw sya kinakausap ni ate girl at mukhang may bago na. So umatake na naman ang pagka-narcissist ng kaibigan ko, gusto na naman magpa-yummy sa ex and get her back" Dagdag pa nya.

"What an asshole. Parang ex ko lang ah" Wala sa sariling comment ko.

"I was about to say that pero lighter version naman si Kia. Di naman nanrarape at nambubugbog yun. Ganun lang yun pero mas matino pa yun sa ex mong masarap ichop ng pinong pino" Pagtatanggol nya sa kaibigan.

"So ayaw na makipagbalikan nung ex nya?" Tanong ko habang patuloy padin sa pagluluto.

"Yep. At yun ang pinu-problema nya. May iba na daw si ngetpa" Sagot nya.

"Mine!" Napatingin ako sa direksyon nya habang nakakunot-noo.

"Bakit?" Takang tanong nya.

Swipe Right (GxG)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant