59 - You All Over Me

973 50 37
                                    

Ali Benedicto


Wala akong nagawa kundi umiyak nalang habang tinitingnan siya na naglalakad palayo.

Callie please stay! Mahal kita! Mahal na mahal kita! Sigaw ng isip ko, pero hindi ko na magawang sabihin yun. Gusto ko siyang habulin pero may magagawa pa ba ako? Ako din naman ang may kasalanan kung bakit kami nag-end up ng ganito. Wala sa sariling sumakay ako ng shuttle going to park and fly. Buti nalang at iilan lang kaming sakay nung shuttle. Sabagay, wala na din akong pakialam kung may makakita man sakin na umiiyak. Sobrang sakit ng puso ko. Kinuha ko yung susi mula sa counter at naglakad papunta sa sasakyan ko. Nanginginig ang tuhod ko, pakiramdam ko hihimatayin ako. Pagkapasok, dun ko na tuluyang pinakawalan yung mga luha ako. I started crying to the point na hindi na ako makahinga. Kasalanan ko lahat toh! I should have treated her better the first time and the night when I got the chance to be with her - that night nung una ko siyang nakita sa Swig.  

"Sorry Callie, may dating ka naman at di ka naman panget pero, baka pagtawanan lang ako ng mga barkada ko pag ipinakilala kita sa kanila. Sabihin bakit bumaba yung quality ng babae ko. May karapatan naman siguro ako maging choosy diba?"

Gosh! Why did I even fucking say those soul-crashing words to her? Lalo akong napahagulgol ng maalala ko yung first conversation namin sa lakeshore. Nung mga times na sinasabi ko sa kanya na hindi talaga ako maiinlove dahil hindi siya ang type ko. Thinking about that night, bigla kong naalala yung recording na ginawa namin. Kinuha ko yung phone ko at hinanap yung recoding na yun.

"Ako si Ali"

"Ako si Callie"

"Nangangako"

"Nangangako"

"Na hindi maiinlove kay Callie"

"Na hindi maiinlove kay Ali"

"Kasi average looking lang sya, hindi sya dyosa at hindi ko sya maipagmamayabang sa mga kaibigan kong mataas ang standards sa babae"

"Kase babaero at asshole sya at hindi ko maipagkakatiwala ang puso ko sa kanya"

"Oh fuck Callie, I love you! I'm so sorry! I'm so sorry! I'm fucking stupid!" Nasabi ko yun out loud as I was crying my heart out. Nakayakap ako sa phone ko, imagining it was her I was hugging.

"I wish I could be the one to love you right. Sana kaya ko na mahalin ka sa paraang deserve mo. Pasensya ka na Callie. Sorry If I can't be that person"

And how could I forget that night? Nung gabi na sinamahan ko siya dahil malala yung menstrual cramps niya. Nung gabi na harap-harapan kong pinakita at pinaramdam sa kanya na di ko siya kayang seryusohin.

"I can love you with all my heart now, Callie. Mahal na mahal kita. I can love you right. I can love you sa paraang deserve mo. I'm sorry" Sabi ko habang paulit-ulit na nirereplay yung recording kung saan na-capture pa nun yung tawa niya, na lalong nagpa-durog sa puso ko. I should have loved and treated her right since day one! Kung ginawa ko yun, hindi sana ganito ang ending namin.

"Anong problema sakin Callie? Anong gusto mong maging actions ko, laging sweet sayo ganun ba? I need space from you! Magtatanong ka kung bat ako ganito?! Pano ako hindi magkakaganito eh ganyan ang ugali mo! Patahimikin mo muna ako pwede? Tangina doormat!"

Lalo akong napahagulgol ng maalala yung sinabi ko sa kanya nung gabi na iniwan ko siya, after finding out na siya at yung ex ni Kia ay iisang tao lang. Tinawag ko pa siyang doormat, like I always do. Hindi ko dapat ginawa yun. Dapat pagbukas ko ng pinto, nag-sorry ako at sinabi sa kanya yung nalaman. Sana napag-usapan namin ng maayos. I should have listened to her explanation.

Swipe Right (GxG)Where stories live. Discover now