8 - Delicate

954 37 32
                                    

Ali Benedicto


Inabot na kami ng pasado alas-kwarto ng madaling araw sa lakeshore stopover. Hindi ko nga namalayan na mag-uumaga na pala. Ang dami naming napag-usapan na super random lang. Yung tipo ng conversation na hindi mo kailangan mag-isip or mag-exert ng so much energy at effort kasi bigla nalang kayong nakakaisip ng random topic na pwede nyong pag-usapan. Yung usap na from one topic, mag-lelead to another. Kagaya sa phone, masarap at magaan syang kausap.

"Hindi pa ba tayo uuwi jowa? Mag-aalas singko na." Tanong nya habang nagkukusot ng mata.

Jowa?

"Ayoko ng jowa. Gusto ko babe" Sabi ko sa kanya. Dun tayo sa generic para hindi ako magkaproblema just in case ma-wrong send ako.

"Bahala ka kung yun ang gusto mong i-tawag sakin. Basta ako, jowa itatawag ko sayo. Tska wag kang mag-alala, pag nawrong send ka sakin, isesend ko lang yun pabalik sayo para masend mo yun sa tamang babae. Sabihan pa kita na hoy naligaw message mo, dapat sa Makati toh, napunta sa Las Pinas oh! Ganun" Ngiting aso sya na medyo namumungay na ang mga mata, halatang inaantok na. 

"Baliw toh" Ayokong ipahalata na nawiwili ako sa kanya, baka magexpect sya. Sa mga kwento pa naman nya, parang mabilis siya ma-inlove. Hindi nga sya yung typical. Usually pag first time ko kinikita yung babae na gusto kong landiin, dinadala ko sila somewhere fancy at nagpapa-impress ako. Pero iba siya, roadtrip at soundtrip ang nangyari samin, at ang gaan nyang kasama.

Kanina nung hinalikan nya ako, may kakaiba akong naramdaman. Hindi ko maintindihan. Hindi naman bago sakin ang mga random na halik sa mga babae, jusko kung sino-sinong babae ang hinahalikan ko pero kakaiba yung nangyari samin kanina. Di ko maipaliwanag at ayoko na masyadong isipin dahil baka mapahamak lang ako.

"May isa pa pala akong tanong babe" Sabi ko.

"Ano yun jowa?" Sagot nya.

"Ang personality mo, empath ka ba? Empath ka noh?" Ang mga empath kasi karaniwang sensitive sa mga emotions at frame of mind ng mga tao, kaya sobrang gaan kausap ng mga empathic na tao. On the down side, mabilis maloko.

Ngumiti ulit sya ng abot-tenga.  

"Kaya nga diba na-mention ko sayo na gusto ko na ibahin ang frequency ko. Dahil sa pagiging empath at healer ko, puro assholes at problematic people ang na-aattract ko. Nakakapagod na. Ano di pa ba tayo uuwi?" Tanong nya ulit.

"Huwag!"

Napakunot noo sya.

"Anong huwag? Huwag na tayong umuwi? Sure ka na ba jan Ali?" At ngumiti sya ng nakakaloko. Ang ganda ng smile nya actually. Pero yung mata nya talaga ang pamatay. Di sya head turner, pero ang ganda ng mga mata nya, at ang lakas ng dating.

"I mean, huwag ka magbago in terms sa pagiging empath mo. Di yan related sa katangahan mo" Paliwanag ko.

"Kung bibilangin ko yung times na tinawag mo ako na tanga, sobrang quota ka na talaga"

"Ano di pa ba tayo uuwi?" Dagdag pa nya. 

"Pwede naman. Gusto mo magbreakfast muna?" Tanong ko habang pinapastart yung engine ng sasakyan.

"Ayoko. Matutulog na din kasi ako, baka hindi ako makatulog pag kumain pa ako. Tska magkikita kami mamaya ni Kira, sabay nalang kaming kakain" Sagot nya. Tumango ako.

"Okay babe. Hatid na kita" Ang layo pa ng Las Pinas at medyo kulang na ang energy ko para mag-drive papuntang south, pero okay lang alang-alang sa kalandian.

Bakit naman kasi dito mo pa naisipang mag-road trip Ali? Ginusto mo toh, panindigan mo. Sabi ko sa sarili.

"Sa Cubao MRT mo nalang ako ibaba, magcocommute nalang ako" Nagulat at nagtaka ako sa sinabi nya.

Swipe Right (GxG)Where stories live. Discover now