6 - Enchanted

810 32 5
                                    

Ali Benedicto



Kasama ko si Janice pero pakiramdam ko lumilipad ang isip ko. Sinundo ko sya mula sa trabaho at niyaya na mag-dinner. Wala lang, gusto ko lang i-distract ang sarili ko dahil ilang araw na akong lutang, iniisip ko yung bago kong ka-chat, si Callie. Ilang days na akong nag-memessage at tumatawag sa kanya pero hindi sya nagrereply o sumasagot at hindi ako sanay na hindi pinapansin ng taong nilalandi ko. Nag-send na ako sa kanya ng pangmalakasang selfie at sinabi ko na din na super stable na ako pero parang hindi naman yun nagmatter sa kanya. 

Ano kayang nangyari dun? Nagmamaganda ang potek! Napakagat ako sa hintuturo ko.

"Tapos hindi ko naman alam kung anong gagawin o sasabihin kaya hindi nalang ako sumagot. Ano bang dapat kong gawin babe?" Tanong sakin ni Janice.

"Babe"

"Babe"

Hinawakan ako ni Janice sa braso na syang nagpabalik sakin sa kasalukuyan.

"Huh?" Tanong ko.

"Nakikinig ka ba? Parang distracted ka naman. May problema ba?" Tanong nya at halatang nag-aalala.

"Huh?" Parang hindi ko alam kung anong isasagot sa tanong nya. My mind's been wandering sa totoo lang.

"Are you okay? May problema ba sa work mo?" Tanong nya. Napabuntong hininga ako.

"Wala naman babe. Siguro pagod lang din ako" Wala sa sariling sagot ko.

"Sorry kung naabala pa kitang ihatid ako pauwi" Sabi nya.

Nakonsensya naman ako sa narinig. Inabot ko ang kamay nya at hinalikan ko yun.

"No worries babe, Friday naman na din. Tska I love spending time with you" Sabi ko.

"Talaga?" Tanong nya.

"Oo naman" At hinalik-halikan ko ang kamay nya. Pagkadating namin sa kanila, hinalikan ko sya bago sya tuluyang makababa. Sinusubukan ko na i-feel if ready na ba ako para sa taong toh, pero may kulang talaga. May connection akong hinahanap na hindi ko talaga maramdaman sa kanya. Simply lang sana yung halik na yun pero biglang nag-explore yung nga kamay ko. Sa ilang buwan na naglalandian kami ni Janice, sa totoo lang wala pang nangyayari samin. Momol at foreplay lang. Pag nagkataon, eto yung pinaka-una.

"Uhh" Napaungol sya nung bigla kong hinawakan yung boobs nya. In-unbutton ko yung upper nya at hindi naman sya umangal. Actually parang nagugustuhan pa nya yung ginagawa namin.

Napasabunot sya sa buhok ko ng bumaba yung halik ko mula sa labi papunta sa leeg nya.

"Uhh babe" Ungol nya.

"Gusto mong pumasok muna sa room ko?" Aya nya sakin.

"Tara" Walang pagdadalawang-isip na sagot ko.

Happy weekend!

Hingal na hingal kami pareho pagkatapos ng ginawa namin. Naka-unan sya sa balikat ko.

"Babe" Tawag nya sakin. Pareho pa kaming pawis na pawis.

"Yes babe" Tanong ko.

"Can I be your girlfriend?"

Nabigla ako sa tanong nya.

Shit. No. Pero pano ko sasabihin?

"Sure ka babe? I mean, baka nabibigla ka lang?" Sabi ko.

"Ayaw mo ba?" Tanong nya. Parang nahalata ko yung lungkot sa boses nya.

"Hindi naman babe. Gusto ko lang na pag-isipan mo ng mabuti yung decision mo bago tayo maging official. Gusto ko kilalanin natin ng mabuti ang isa't-isa" Paliwanag ko. Sa totoo lang hindi ko alam kung papaano lulusutan toh.

Swipe Right (GxG)Where stories live. Discover now