10 - This is Me Trying

837 33 18
                                    

Ali Benedicto

Katakot-takot na tanong ang sumalubong sakin pagdating ko sa bahay. Naabutan ko si mama na nagkakape sa sala.

"Aba ang aga mong umuwi ah" Salubong nya sakin habang papalapit ako sa kanya para magmano.

"Good morning ma" At hinalikan ko sya sa pisngi.

"Aba himala, hindi ka ata amoy chico ngayon ah" Pansin nya.

"Mama naman. Di naman po ako uminom, kasama ko lang mga kaibigan ko. Tambay, usap hanggang sa mag-umaga" Pagpapalusot ko.

"Sigurado ka bang kaibigan talaga ang kasama mo?" May pagdududa sa boses nya habang tinatanong yun.

"Ma" At niyakap ko sya.

"Ikaw Ali ha. Sinasabi ko sayo magtino ka. Wag kang mananakit ng damdamin lalo at ng babae. Isipin mo babae ka rin" Sabi nya. Hindi naman yun sermon, more of pinagsasabihan lang nya ako.

"Kumusta sa Cherry? Hindi na ba talaga kayo nag-uusap?" Si Cherry yung ex ko. On random moments kagaya neto, madalas padin nilang hanapin yung ex ko. Medyo napalapit din talaga yun sa kanila for 3 years. Itinuring na sya na parang anak ng mga magulang ko at parte ng pamilya.

"Wala na po yun ma. Mag-move on na po tayo" Sabi ko sabay tayo para umakyat na sa kwarto. Kumuha din ako ng pera sa wallet at iniabot yun sa kanya.

"Pang-grocery ma at kuryente po"

"Ui salamat. Bigyan ka pa sana ng madaming grasya anak" Sabi nya habang tinatanggap yung pera.

"Next month pag nagkasya na yung budget, palitan na natin ng inverter yung AC sa kwarto nyo" Matagal ko na talaga gustong gawin yun dahil medyo luma na yung AC sa kwarto nila.

"Salamat anak. Di ka ba magbrebreakfast?" Pahabol nya sakin.

"Mamaya na po ma, antok na antok na po ako." Sagot ko.

"Morning paps" Bati ko sa papa ko na nakasalubong ko sa hagdanan.

"Good morning batang gala" Niyakap nya ako at hinalikan sa pisngi.

Chineck ko muna yung mga messages sa phone ko bago ako tuluyang humiga at matulog.

Carly: You know what! I'm ending this. Wala kang kwenta!

I smirked.

Mas wala kang kwenta!

Pero hindi ko na pinatulan. Simplehan natin. Magdradrama pa wala naman tayong label.

Blocked.

Janice: Good morning babe. Kumusta na ang pakiramdam mo?

Huminga ako ng malalim.

Me: Good morning babe. Eto medyo off padin pero magpapahinga lang ako. Magiging okay naman siguro ako ngayon.

Janice: Mamaya papadala ako ng food jan. Magluluto ako para sayo.

See? Eto ang mahirap. Kasi hindi talaga sya designed for playtime. Sobrang okay nya, at girlfriend material sya.

Me: No need babe. I'm okay.

Janice: I insist. Mamaya lutuan kita tas padala ko jan sa inyo. Okay lang ba?"

Alam na din naman nya kung saan ako nakatira. May pinadala na din kasi sya sakin dati. Actually ganito sya on random moments.

Me: Cge babe ikaw. Thank you. Sleep muna ako ulit.

Janice: Cge babe. Rest well.

Napangiti ako. Subukan ko kaya tong seryosohin?

Swipe Right (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon