42 - My Tear Ricochet

667 41 26
                                    

Callie Manzanares

Hindi na ako nag-isip kung san ako pupunta. Basta naglakad lang ako ng naglakad with the purpose of leaving that hell. Gusto kong makalayo sa lugar na yun kahit wala ako sa sarili. Nag-aautopilot sa paghakbang ang mga paa ko at nanlalabo ang paningin ko dahil punong-puno ng luha ang mga mata ko.

Magkaibigan sila? Sya yung nakausap ko dati na kaibigan ni Rome na pinagtawanan lang ako at sinabihan na keep dreaming dahil nagmakaawa ako na kung pwede makausap ko si Rome after ng ginawa nya sakin? Ganun din sya kagago?

Sinusubukan ko na isaksak sa utak ko lahat ng nalaman at nakita ko ngayong gabi but the more that I do, the more na sumasakit ang dibdib ko at lalo akong naiiyak. Para akong tanga, naglalakad habang humahagulgol. Kung sabagay, tanga naman talaga ako.

Naisip talaga nya na ginagamit ko lang sya para makipagbalikan at mapansin ulit ni Rome? After several months of being together and witnessing kung pano ako nag-suffer sa ex ko naisip nya talaga yun? Alam na ba nya dati pa na si Rome at Kia ay iisa? Kaya ba bigla syang nagbago? Di man lang nya naisip na iconfront or sabihin man lang sakin yung totoo? O naka-plano na lahat ng toh? Kung sabagay, talagang paniniwalaan nya yun kahit gaano pa kawalang hiya, kaibigan nya eh. Magkaugali sila.

Pero hindi eh. Ramdam ko na totoo yung kung anong meron kami. For months, ramdam ko na minahal nya ako. For months naramdaman ko how we both were committed into this relationship, o ako lang siguro ang nag-isip ng ganun. I was the one who kept painting the walls white when in fact everything was red. Ang dami kong tanong. Gusto ko syang kausapin at komprontahin pero pagkatapos ng mga nalaman at nakita ko ngayong gabi,  isa lang ang gusto kong gawin, ang burahin sya sa buhay ko. I don't want anything that has something to do with her and her friends, lalo na kay Rome! Ayoko na maging mabuting tao. Pagod na pagod na ako sa emotional abuses na sinasalo ko ever since. Hindi naman siguro ako masamang tao para maging deserving sa mga nangyayari sa buhay ko. Ayoko na magmahal ng buong-buo sa mga taong hindi naman deserving. Kahit tong mga luhang to na iniiyak ko, kung tutuusin hindi nila deserve toh! Hindi nila deserve ng kaibigan nya! Hindi ko sya dapat iniiyakan. Pero kahit paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko na tumahan na, hindi ko ma-control and emosyon ko. Nasasaktan ako lalo na sa nakita ko. Nagrereplay sa utak ko kung pano nya halikan si Jade!

Bullshit ka Ali! Bullshit ka! Kasing sama mo ang kaibigan mo! Magsama kayo sa impyerno! Pinagmumura ko sya sa utak ko. Gusto kong mawala lahat ng nararamdaman ko ngayon. Gusto kong kalimutan na minahal ko sya, na mahal na mahal ko sya. Gusto kong magka-amnesia para makalimutan ko tong masakit na experience na nangyayari sakin ngayon. The pain for days of her not coming home and not talking to me, the pain of her ghosting me despite us being in a relationship, lahat ng yun nagmamake sense na ngayon. Nagmamake sense na kung bakit bigla nalang syang nagbago at nanlamig.

Nagpatuloy ako sa paglalakad habang humahagulgol. Sobrang sikip ng dibdib ko at halos hindi na ako makahinga, kaya nakahawak ako sa dibdib ko. My anxiety is kicking in and this is not good dahil pakiramdam ko this is the worst anxiety attack that I ever had. Nanginginig ang buong katawan ko at nanlalambot ang mga muscles ko. Alam nyo yung pakiramdam na nanlalamig ang buong katawan nyo, nahihilo kayo, at parang konting snap nalang magpa-passout na kayo? Ganun ang nararamdaman ko ngayon. Namamanhid ang buong katawan ko at hindi ako makapag-isip ng maayos. Ni hindi ko alam kung nasan ako. May parte ng daan na madilim dahil nga nasa mountain side yung resort na toh, pero hindi ko na naisip kung safe ba na maglakad dun. Di ko naisip kung mapapahamak ba ako dito. Basta naglakad lang ako ng naglakad. Parang wala na ako sa katinuan. After several minutes of walking, nakarating ako sa may parang terminal ng mga jeep at mga habal drivers. Medyo matao at maliwanag na yung parte na yun at may mga kainan nadin dun. Dun na ako tuluyang nag-collapse at napa-upo sa gutter sa gilid ng kalsada. Wala na akong pakialam sa iisipin ng mga tao.

Swipe Right (GxG)Where stories live. Discover now