Kabanata 26

3 2 0
                                    

[26]: ANG IKAAPAT NA SANGTWARYO








ㅤㅤ








ㅤㅤ
MATAPOS ang paalala ni Aubriella, kaagad na nagpatuloy ang lima sa paglalakbay. Ilang lakad lamang ay nakarating na sila sa harap ng isang kweba. Napakunot naman ang noo ni Hiraya at ni Fauzeah nang makita nila na walang hagdan papasok sa kwebang ito at malalim ang butas na mayroon ito. Tila ba isang balon na tanging iisang butas lamang ang papasukan. Subalit malawak naman ito sa loob.

"Kung hindi ibinigay ni Claude muli ang aming pakpak, hinding-hindi natin magagawa ang parteng ito," ani Aubriella.

"Sandali lamang, paano si Sophronia? Hindi natin alam kung kaya niyang ibuka ang kaniyang pakpak," tanong ni Hiraya. Pinaupo naman ni Ellias ang babae sa isang bato at saka inilagay niya ang kaniyang palad sa noo nito.

"Walang makakatagpo na kahit sino'ng nilalang sa iyo sa kagubatang ito hanggang sa matapos namin ang pakikipaglaban sa sipi ni Aubriella," saad ni Ellias. Bahagyang tumango ang babae at saka bigla na lamang itong naglaho.

"Asa'n na siya?" Tanong naman ni Fauzeah.

"Bakit bigla siyang nawala?" Tanong din ni Hiraya.

"Kumalma kayo, nariyan lamang siya, hindi n'yo lamang siya makikita. Kami lang ni Aubriella ang nakakakita sa kaniya," ani Ellias. "Sumakay na kayo sa amin."

Kaagad namang nagtungo si Hiraya sa tabi ni Ellias. Para bang nagmamadali ito upang walang kahit sinong nilalang ang ibaba ni Ellias sa kweba. Makahulugan naman siyang tinignan ni Fauzeah at ni Aubriella.

"Bakit? Hindi ba maaaring mamili kung sino ang aking sasakyan?" Tanong ni Hiraya. Napairap na lamang si Aubriella at saka umiling.

"Hay nako, halika na nga, Fauzeah. Hindi ko alam kung kakayanin ko pa ang makikita ko," wika ni Aubriella kasabay ng paglabas niya sa kaniyang pakpak. Kaagad naman niyang ibinakay si Fauzeah bago sila lumipad papasok sa loob. Sumunod na rin kaagad ang dalawa.

Nang makapasok na sila sa loob ng kweba, kaagad na ibinaba ng dalawang Featherian ang dalawa. Kaagad nilang natagpuan ang isang sangtwaryo kasama na rin ang bilog na entablado. Subalit, maraming nakapalibot na kakaibang mga halaman at mga lumot sa pader ng kweba. Indikasyon na ito'y pinaglumaan na ng panahon.

"May paalala ka ba sa akin, Aubriella?" Tanong ni Fauzeah.

"Isa lamang, ito ang kailangan mong tandaan sa susunod na tatlong sangtwaryo. Ang mga ito'y may mga kapangyarihan na may kinalaman sa mga bagay na dala rin ng isang verian. Sa akin ay ang pandinig, sa iyong ina ay ang kaniyang mga mata habang ang kay Dominico'y pandama. Kung kaya't matatalo mo lamang ako kapag ako'y tutok sa iyong pakikipaglaban sa aking sipi," mahabang pahayag ni Aubriella.

"Tama nga ako, Aubriella." Muling nilingon ng dalaga ang featherian nang may ngiti sa kaniyang labi. "Ika'y may sariling lakas na wala ni isa sa mga featherian ang may hawak. Walang mahinang nilalang."

Pagkatapos niyang sabihin ang mga katagang iyon, kaagad na siyang pumasok sa entablado habang iniwang gulat si Aubriella. Subalit nang umilaw na ang entablado, may tila kung anong sumagi sa isipan ni Aubriella na hindi pa niya naririnig kailanman.

Ilang sandali lamang ay lumabas na ang sipi ni Aubriella. Nang pasugod na nga rito si Fauzeah, bigla na lamang itong nagbuga ng isang malakas na tinig. Napatakip na lamang si Fauzeah sa kaniyang narinig.

Ngunit bago pa man siya muling makagalaw, nakita na niya na nasa harapan na niya ang sipi ni Aubriella. Bigla na lamang siyang itinulak nito hanggang sa tumama siya sa harang na nasa entablado.

The Prophecy Series #2 : Deck of QiverOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz